Tuesday, September 11, 2007
Sa Ilalim ng Kubyerta
SA ILALIM NG KUBYERTA
Puntahan naman natin ang ilalim ng kubyerta. Kung Ikukumpara sa itaas, ito ay higit na pangmasa. Karamuhan sa mga pasahero ditto ay nangakaupo samga bangko. Katabi nila ang isang katutak na tampipi, ilang kahon at basket at dalawa o tatlong maleta. May nagsisipaglaro ng baraha. May maingay sa nagkwekwentuhan sa gitna ng tsus-tsug ng makina at sipol ng busina. May mga mangangalakal na Inchik na nakahilatang natutulog. Masusulyapang naliligo sila sa pawis. Spagkat isang dukwang lang sa mga nakatrintas sa negosyante ang mainit na makinang nagpapatakbo sa barko, sumasanib sa kanilang balat ang usok ng langis na nagiging pabango na rin nila. Pabangong nakakasulasok sa kaprichosang pang-amoy ni Donya Victorina.
Sa ilalim ng kubyaerta, mapapansin mo rin ang ilang kabinataang ikutan nang ikutan. Masasalamin mo sa mga mukha nila ang lubos na katuwaan sa pantag-araw na pagsasara ng mga paaralan. Natutuwa rin sila sapagkat may magagandang kolehiyalang sakay ang bapor nila.
Nang mapansin ng mga kolehiyalang sinusulyapan sila ng maiingay na kabinataan, nagpapakahinhin-hinhin sila upang di mapintasan bibong lumapit st nagpakilala ang bubuyag sa kadalagahan. Pinamulahan ng mga pisngi ang mga kolehiyal. Bagamat ibinigay nila ang pangalan sa nakikipagkilala, itinago ng mga dalaga ang kanilang mga ngiti sa pamaypay na dala-dala.
Kung magmamasid pa tayo sa paligid, hindi makakaligtas sa ating paningin si Basilio at si Isagani, dalawang estudyanteng bihis na bihis na nakikipagusap sa isang animo don kung makatindig. Ang nasabing parang don kung uamasta ay walang iba kundi si Kapitan Basilio.
“Kumusta na ang kundisyon ni Kapitan Tiyago, Basilio?”
“Mabuti po naman, Kapitan. Ayaw po niyang paalaga. Sumusunod lamang po kapag pinilit ,ko. Isinasangkalan po niya ang payo ng ilan kaya inuutusan niya kong bisitahin ang bahay sa San Diego. Pero alam ko pong estratehiya niya ito upang malayang makahithit sa opyo.”
“problema ng henerasyon ngayon ang opyo. Alam ba ninyong gamit lang ito sa medisina? Ang tanging sinaunang tao noon ang nagdiskubre ng opyo. Pero hindi sila umabuso. Tanging mga Inchik lamang dito ang nagpapakalonod sa bisyo. Mga Inchik na hindi man lamang nakakabasa ng mga sinulat ni Cicero. Hindi man lang nakakatunghay sa mga natatanging pananaliksik pangkasaysayan sa daigsig ng mga tao.”
Sa pag-uusap ng tatlo, nabanggit ang Akedemya ng Wikang Kastila na ipinakikipaglaban ng mga kabataan.
“Naititiyak ko Isagani, Basilio, na hindi maitatayo ang Akadeamyang sinasabi ninyo.”
“Nagkakamali kayo Kapitan. Tuluy na tuloy po ang pagpaptayo nito. Ipinangako po ni Padre Irene ne lalakarin niya ito sa Kapitan Heneral. Hinandugan nga namin siya ng dalawang kastanyong kabayo!” pagbibigay diin ni Isagani
“A, mangyayari lang yan pagputi ng uwak. Ipapaputol ko ang mga daliri ko kung hindi sasalungatin iyan ni Padre Sybila ang balak ninyo!”
“Sasalingatin na niya kung sasalungatin!” galit na sinabi ni Basilio.
“Nag-aambag-ambag na po ang mga estudyante. May mga propesor na rin po kami. Kalahati ang bilang ng mga Kastila, kalahati rin ang mga Pilipino. Kilala po ba ninyo si Macaraig? Bukas palad po niyang inialok ang isa nilang bahay na gawing paaralan,” pagmamalaking balita ni Basilio.
“Nakaktuwa kung iisiping dati ay nasa Latin ang mga aklat namin kaya nagsisikap kaming mag-aral ng Latin. Pero ngayon nasa Kastila ang mga aklat ninyo, bakit hinihigpitan kayong mag-aral ng Kastila? Baka naman may kadahilanan kung bakit hindi kayo dapat mag-saral ng wikang ito? Kayong mga kabataan, tignan sana ninyo ang aming karanasang pinagdaanan. May mga gatas pamkayo sa labi. Kabataan nga ba kayong pag-asa ng inang bayan?” ngingisi sabi ni Kapitan Basilio na parang Emperador ng Romang tumalikod sa dalawa.
“Narinig mo ba ang makabayang kapitan, Basilio? Kung mahina-hina ang tuhod natin, baka mawalan tayo ng tiwala upang mgarap at gumawa.”
Mahina pa raw ang bagwis natin at karanasan sdaw ang dapat basihan sa tagumpay ng mga kabat6aan. Kung laging karanasan ang ihahain ni Kapitan Basilio, tiyak na makakasundo niya ang tiyuhin mong si Padre Florentino. Teka nga pala, Isagani, ano ang reaksiyon ng tiyo mo kay Paualita na nililigawan mo?”
“Mahbang sermon ang tinanggap ko. Hindi raw kanin na isusubo na iluluwa kapag napaso ang palalagay sa tahimik. Ipinagmalaki ko sa kaniya sa hindi ordinaryong yong babae si Paulita. Bagamat ulila sinabi ko sa kaniyang maganda ito at edukada.”
“At bukod diyan, Isagani, mayaman ito, ismarte st kagalang-galang. Walang maipintas dito maliban sa tiyahing bungangera na ay meteryosa pa.”
“Alam mo ba Basilio na pinakikiusap ako ni Donya Victorina na hanapin ko raw ang mawawala niyang asawa?”
“At nangako kang hanapin dahil mahal mo si Paulita, di ba?”
“Pero alam mo bang sa bahay ng tiyuhin ko nagtatago si Don Tiburcio?”
“Ha? Totoo ba ang sinabi mo?”
“Yan ang dahilan kung bakit ayaw pumanhik ng tiyuhin ko sa itaas ng kubyerta. Tiyak na tatanungin daw siya ni Donya Victorina kung bakit nakita niya nag esposo nitong sinamsamba- samba. Alam ma bang kaninang sumilip ako sa itaas ay namataan ako at inirapan ni Donya Victorina? Nagulat siguro siya na nasa ilalim lang ako ng kubyerta kasama anmg Indiong inaaglahi niya.”
Napahinto sa usapan ang dalawa nang masulyapang pababa ang mag-aalahas. Isang magiliw na pagbati ang narinig ng magkaibigan mula kay Simoun.
“Kumusta Senyor Basilio? Magbabakasyon ba kayo? Kababayan ba ninyo sila?”
“Siya si Isagani, Don Simoun. Kalalawigan ko siya pero sa kabilang bayan siya nakatira.”
Nainis ni Isagani nang tingnan siya ng mag-aalahas mula ulo hanging paa sa parang minamaliit siya.
“Kumusta ng lalawigan ninyo?” tanong ni Simoun nang ibaling ang tingin kay Basilio.
“Ku…kumusta? Bakit, hindi pa ba kayo napupunta roon?”
“Napunta…Kailan? Lintik na kukumustahin ko ba ang lalawigan ninyo kung napunta na ako dito? May nakapabulong sa aking naghihikaos daw amg mmga tao roon st di makakbili ng mga alahas sa hirap na dinaranas.
Lihim na napangiti ang mag-aalahas.
“Umiinom ng serbesa, Senyor Isagani, Senyor Basilio. Ako ang taya. Umiinom tayo sa ikauunlad at ikakayaman ng inyong lalawigan.”
“Ikinalulungkot naming hindi kayo mapagbigyan. Hindi po kami umiinom ng serbesa” pagpapaumanhin ng magkaibigan.
“Hindi kayo umiinom ng serbes? Ayon kay Padre Camorra, ang kawalan daw ng lakas ng bansang ito basa sa sobrang tibig na iniinom ng mag mamamayan ninyo.”
“Sabihin ninyo ksy Padre Caamorra na kung tubig sana ang iniinom niya at di serbesa,tiyak marami na siyang naiitabing pera. Nakapapapabawas din ang perang ibinibiling alak sa kaban ng simbahan.” May ngiti sa labing sinabi ni Basilio.
“At hindi lang po yan,” dugtong ni Isagani, “pakisabi rin po sa mahal na kura na hindi lang nakapagpapaalis ng uhaw ang tubig. Pumapatay rin ito ng malaking sunog. At kapag nag-iinit ito ay nagiging singaw na maaring maging dagat-dagatan. At dapat niyang tandaan na ang tubig ding ito ang lumunod sa sangkatauhan at yumanig sa pundasyon ng sandaigdigan.”
Napanganga si Simoun sa tinuran ni Isagani. Bagamat huminga mg malalim, hindi ito nagpahalata sa malaking paghanga sa binitawang salita ng dalawang binata.
“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yan kay Padre Camorra. Alam naman ninyo kung paano magbiro ang butuhing kura. Paano ko sasagutin kung tatanungin niyang kalian magiging singaw ans tubig st kalian magiging dagat-dagatan.”
“Kapag pinag-init ito ng apoy. Kapag nagkatagpo-tagpo ang mga agos ng tubig mula sa maliliit na ilug-ilugan patungo sa mga daang hinukay ng mga hindi nabigyan ng katarungan,” gumagaralgal ang tinig na sabi ni Isagani.
Ngingisi-ngising tumalikod sa dalawa ang mag-aalahas.
“Mukhang bulking paputok ka kannina , Isagani?”
“Ikaw rin, Basilio.”
“Alam mo bang malaking tao ang mag-aalahas?”
“Ha? Sino nagsabi?”
“May nakapagbulob\ng sa akin ns tragapayo yan ng Kaptan Heneral.”
“Kilalal ba niya si Kapitan Tiago, Basilio?”
“Hindi lang kilala. Sa unang araw pa lang na dumating yan ay pinuntahan kaagad nito ang may sakit. Nagbabakasakali sigurong makahingi ng mana.
“Malaking isyu ang ipinakikipaglaban ng mga kabataan. Ipapputol ko ang daliri ko kung hindi kakausapin ni Don Simoun ang Kapitan Heneral upang huwag aprubahan ang pinapangarap nating paaralan.”
Nagulat si Isagani nang lumapit ang isang katulong na bumulong sa binatang ipinatawag daw siya ng tiyuhin na nasulyapan niyang papunta noon sa silya nitong pahingahan.
Sinundan ni Isagani nang tingin ang tiyuhing naupo sa isang silyang may sandalan. Mapapansing ang bawat katutubong napadaan sa nakasandal ay aalis ng sombrero bilang paggalang.
Malamig magsalita si Padre Florentino. Kahit may katandaan na ay may kasiglahan pa rin ang kanyang katauhan. Kapansin-pansin malalapadang kaniyang mga balikat at siksik na siksik ang kaniyang pangangatawang handang makipaglaban sa sinumang kabataan kung lakas at lakas din lamang ang pinag-uusapan.
Marami ang nakapuna sa iginagalang siya ninuman, maging ng mahihirap o mayayaman. Para sa kaniya, walang liyang naghihiwalay sa marangya at maralita. Kapwa raw sila nililka ni Bathala na dapat pakiharapan, kaibiganin at igalang.
Ano ang pagkakakilala ng marami kay Padre Florentino bilang kura at bilang pribadong tao?
Alam ng llahat na mula sa makyamang angkan ang tiyuhin ni Isagani. Ayon sa sabi-sabi, hindi raw nito pinangarap ang maging alagad ng Diyos. Ang pagpasok daw nito s aseminaryo ay bunga ng utos ng kaniyang ina na matalik na kaibigan ng Arsobispo nial. May kasintahan si Florentino. Ito raw ang dahilan kung bakit nagpakatanggi-tangig itong pumasok ng se inaryo. Pero sa dahilang hawak ng ina niya nag susi sa kayamanan nila, yumuko siya sa kagustauhan ng nakasisilaw na ilaw ng tahanan.
Beinte singko anyos nang ordinahan siyang ganap na pari ng Arsobispo. Tuwans-tuwa ang ina niya. Nagluksa naman anag kasintahan niya.
Tatlong araw dinaos ang selebrasyon. Napuno ng handa ang mesang kainan,bumaha ang alak sa kanilang tahanan.
Litung-lito at hindi makapaniwala ang dalagang nagmamahal sa kaniya. Sa sobrang kahihiyan, napilitan itong magpakasal sa iosang binatang hindi naman nito minahal.
Sa labis na katuwaang makapagsuot ng sutana ang kaisa-isang anak niya, sumakit ang dibdib at namatay ang ina. Tumanggap ng malaking kayamanan si Padre Florentino. Pero kahit may malaking mana, malungkot pa rin siya. Nawala na ang kasintahan ay nilisan pa siya ng pinakamamahal na ina. Tuliro ang isip si Padre Florentino. Upang matakasan ang sobrang pangungulila, ipinangako niyang iaalay ang buong sarili sa ikabubuti ng mralita sa kanyang parokya. Napalapit siya sa mgamahihirap at napamahal sa mga nagdurusa.
Sa matapat na pagtulong sa inapi ng lipunan, nagging bukambibig ang pangalan ni Padre Florentino na tinawag na sugo ng kalangitan.
Sapagkat mainit ang mga mata ng pamahalaan sa sinumang tumulong sa mga katutubong nangangailangan, napilitang magretiro si Padre Florentino bilang kur paroko. Minabuti nitong tirhan ang malapalasyong tahanang malapit sa Dagat Pasipiko na ipinatayo ng kaniyang nasirang ina.
Sapagkat nag-iisa sa buhay, inampon niya ang walang pa noong kamuwang-muwang na si Isagani. May makakati ang dilang na nagsasabi na ang inampong sanggol ay anak daw ni Padre Florentino sa dating kasintahan. May nagpapatunay naman na anak daw ito ng pinsang naninirahansa lalawigan.
Habang nigninilay-nilay sa nakaraan, nagulat ang kura nang senyasan sg piloto ng barko at tawagin.
“Padre Florentino!” malakas na sabi nito, “Hinihintay kayo sa itaas ng mga ksama ninyo.
Gusto ng mg kurang makipagkwentuhan sa inyo!”
Mabilis na napatayo si Padre Florentino. Habang inaayos ang sombrero, tumangu-tango ito at nagpasabing, “Hayaan ninyo, at susunod na ako.”
Bago pumanhik, tinawag muna ni Padre Florentino ang pamangkin at pinagsabihang huwag siyang susundan sa pakikipagkwentuhan sa mga kura ng Simbahan.
casey richelle alvarezkristine bernadette ang
peter gomer sescon
gellivie panganiban
yusoff khan damsid
Mga Alamat ng Ilog Pasig
MGA ALAMAT NG ILOG-PASIG
Tapos na ang pagtatalo at nagtatawanan na ang mga nasa kamara ng bapor ng dumating doon si Pari Florentino.
Itinanong ni Don Custodio kung saan nanggaling si Simoun na noo’y kararating lamang kaya hindi tuloy nakita ang magagandang tanawin sa paglalayag.
“Marami ang ilog at tanawin akong nasaksihan,” ang tugon ng mag-aalahas. “Wala nang may kabuluhan sa akin kundi iyong may mga alamat.”
Sa tinuran niyang yaon ay sinabi ng kapitan na may ilang alamat ang Ilog-Pasig.
Ikinuwento niya ang alamat ng Malapad-na-bato. Noong hindi pa dumarating sa Pilipinas ang mga Kastila ay sinasamba ng mga tao ang Malapad-na-bato, na umano’y tirahan ng mga espiritu. Nang mawala ang pananalig sa bato, iyo’y naging tirahan ng mga tulisan. Mula sa tugatog noon ay madali silang nakapangharang ng mga bangka. Nang malaunan, sa kapanahunan na ng kapitan, ay may mangisa-ngisa pa ring natataob na bangka sa tabi ng bato.
Pagkatapos maikuwento ang alamat ng Malapad-na-bato, sinabi ng kapitan na may isa pang makasaysayang alamat, ang alamat ng yungib ni donya Jeronima, na maaaring isalaysay ni Pari Florentino.
“Noon araw,” ang pasimula ni Pari Florentino, “ay may isang binatang nangakong pakakasal sa isang dalaga sa kanilang bayan. Naghintay nang mahabang panahon ang dalaga hanggang sa lumipas ang kanyang kabataan. Isang araw ay nabalitaan ng dalaga na ang kanyang katipan ay siya nang Arsobispo sa Maynila. Nagsuot-lalaki ang babae at nagsadya sa Arsobispo. Hiniling dito ang katuparan ng kanyang pangako. Ang kahilingan ng babae na kung tawagi’y Donya Jeronima, ay hindi naipagkaloob kaya ipinagpagawa na lamang siya ng Arsobispo ng isang yungib na sa labas ay napapalamutihan ng mga baging. Doon nanirahan si Donya Jeronima. Doon siya namatay at doon din siya inilibing. Ayon sa sabihanan ay nagging matabang-mataba siya kaya patagilid kung siya’y pumasok sa yungib. Siya’y napabantog na isang engkantada dahil sa ugali niyang paghahagis sa ilog ng mga kasangkapang pilak na ginagamit sa mga piging na dinadaluhan ng maraming ginoo. Sa ilalim ng tubig ay may isang lambat na siyang sumasagip sa mga kasangkapang nahuhugasan. Noong wala pang dalawampung taon ang nakaraan ay umaabot sa pintuan ng yungib ang ilog, ngunit unti-unti ring lumayo, gaya ng paglimot ng mga tao kay Donya Jeronima.”
Pagkatapos makapagkuwento ni Pari Florentino, at pagkaraan ng ilang sagutan tungkol sa kanyang isinalaysay ay ikinuwento naman ni Pari Salvi ang alamat ng Buwayang Bato.
“Noong araw,” anya, “ay maraming buwaya sa lawa at sa ilog. Ang mga buwayang iyo’y lubhang malaki’t matatakaw. Sinusugod nila ang mga bangka at pinalulubog sa isang palo lamang ng kanilang buntot. Minsan ay isang Intsik na hindi binyagan ang dumaan sa harap ng simbahan. Walang anu-ano’y humarap sa kanya ang dimonyong nag-anyong buwaya at itinaob ang kanyang bangka upang siya’y silain at dalhin sa impiyerno. Tumawag kay San Nicolas ang intsik at noon di’y naging bato ang buwaya.”
Pagkatapos ng salaysay ni Pari Salvi ay nagpahayag si Ben Zayb na kahanga-hanga ang alamat. Noo’y pumapasok na sa lawa ang bapor at ang tanawing bumati sa paningin ng lahat ay lubhang kahanga-hanga.
“Maalaala ko nga pala, Kapitan,” ani Ben Zayb, “ batid ba ninyo kung saan napatay ang isang nangangalang Guevarra, Navarra, o Ibarra?”
Lahat, maliban kay Simoun, ay tumingin sa kapitan.
“Ah, siya nga!” ani Aling Victorina. “Saan, Kapitan? Nakaiwan ba siya ng bakas sa tubig?”
“Tumingin kayo roon,” ang sabi ng kapitan. “Ayon sa pinunong nangulo sa pagtugis, si Ibarra ay tumalon sa tubig sa malapit sa Kinabutasan nang lumangoy sa ilalim ng tubig at sa tuwing lilitaw ang kanyang ulo upang huminga ay pinapuputukan siya. Sa dako pa roo’y hindi na siya nakita. Sa tabi ng pampang ay may nakakita ng kulay-dugo. Ngayon ang ika-labintatlong taon ng pangyayari.”
“Kung gayon, ang kanyang bangkay…” ang salitang di natapos ni Ben Zayb.
“Ay nakisama rin sa bangkay ng kanyang ama,” ang dugtong ni Pari Siyla. “Hindi ba siya’y isang pilibustero, Pari Salvi?”
“Iyan ang matatawag na murang libing, Pari Camorra,”
ani Ben Zayb.
“Palagi kong sinasabing pilibustero ang mga bumabayad ng mahal na libing,” ang patawang tugon ni Pari Camorra.
“Ano ang nangyayari sa inyo, G. Simoun?” ang tanong ni Ben Zayb. “Nahihilo ba kayo sa isang patak na tubig na katulad nito? Kayong matanda nang manlalakbay!”
Sumabad ang kapitan na may pagkagiliw sa mga pook na iyon.
“Huwag ninyong tawaging isang patak na tubig ang lawang ito,” anya. “Ito’y malaki kaysa alin mang lawa sa Suwisa at sa pinagpisan-pisang mga lawa sa buong Espanya. Nakakita na ako ng matatandang magdaragat na nangahilo rito.”
Ipinasa nina:
Nanding, Vanessa
Librando, Lucy
Saavedra, Jerbie
Macaso, John Michael
4 – St. Southwell
Kabesang Kales
Nakatira sila dati sa gubat. Si Tandang Selo, Telesforo –kanyang asawa at tatlong anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan ang akala nila’y wala naman itong may-ari kaya’t dito sila ay nag tanim at kanila itong inararo. At dahil sa mga mikrobyo na naroroon sa gubat na yaon ay namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat na dulot ng malarya. Noong umpisa walang pumapansin sa kanila ngunit nang mag ani na sila sa unang pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagama’t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na nagkakahalaga ng 20 o 30 piso.
Pumayag sila sa pag bayad hanggang sa tumaas ng tumaas pa ang singil at ginawa siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito nalugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang umaabono dito na galling rin mismo sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso. Dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hinding-hindi niya ito ibibigay.
Sumampa siya ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abugado. Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa huli, dinukot si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay Hermana Penchang upang punan ang 250 Piso na kulang.
4-Southwel Pangkat bilang 13
Krista Ayara A. Cabaron Phil Lorenz Somblingo
Irene Grace J. Reyes John Kenneth Dimaano
Si Simoun
KABANATA 7
“SI SIMOUN”
Pabalik na siya sa bayan nang may mapansin siyang liwanag at makarinig ng mga yabag. Namatay ang liwanag ngunit lalong lumakas ang mga yabag. Di nagtagal, nabanaagan niya ang isang anino na tumigil sa kabila ng punong balite. Parang may hinahanap ito sa bulsa. Nang iayos nito ang kanyang pala, nakilala ito ni Basilio – ang mag-aalahas na si Simoun.
Tinatamaan ng liwanag ng lampara ang mukha ng mag-aalahas habang ito’y naghuhukay. Hindi nito suot ang malaking salamin sa mata na nag-pabago sa kanyang anyo. Nabigla si Basilio. Ang lalaking ito rin ang tumulong sa kanya sa paghuhukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakakaraan. Naragdagan lamang ang kanyang gulang; puting-puti na ngayon ang kanyang buhok at mayroon siyang bigote’t balbas. Ngunit naroon pa rin ang pait sa kanyang mga mata, ang kunot sa noo, ang galit na kilos, ang malalakas na bisig bagama’t bahagyang namayat ngayon.
Tuwing mapag-uusapan ang tungkol sa pagkamatay ni Ibarra, itinatanong ni Basilio sa sarili kung sino ang mga lalaking dumating noon sa gubat. Ang lalaking namatay ay may dalawang sugat, na batay sa kanyang napag-aralan, ay likha ng baril. Kung gayon, iyon marahil si Ibarra na dumating sa libing ng kanyang nuno upang doon mamatay. Ang paghiling na sunugin ang kanyang bangkay ay maaring natutuhan nito sa mga paglalakbay nito sa Europa, kung gayon, sino ang pangalawang lalaki?
Patuloy sa paghuhukay si Simoun. Napansin ni Basilio na dina ito sinlakas na gaya ng dati. Humihingal ito, nahihirapan sa paghinga at madalas ang pagtigil upang magpahinga.
Nag-alala si Basilio na baka matuklasan din siya roon ng mag-aalahas kaya’t ipinasiya niyang magpakita. Tumayo siya sa pinagtataguan, at nagtanong:
“May maitutulong po ba ako?”
Parang nagulat na tigreng napalundag si Simoun. Dumukot ito sa bulsa saka nagbabantang tinitigan ang estudynate.
“Labintatlong taon na ang nakararaan, tinulungan ninyo akong mag-hukay ng paglilibingan ng aking ina. Ngayon, hayaan ninyong ako naman ang tumulong sa inyo,” wika ni Basilio.
Inilabas ni Simoun ang rebolber at ikinasa. “Sino ako, sa akala mo?” tanong nito.
“Isang taong pinahahalagahan ko, na ang mga kasawian ay akin ding ipinagluluksa.”
Katahimikan ang sumunod. Pagkaraan, ipinatong ni Simoun ang kamay sa balikat ni Basilio, at nagsalita: “Basilio, batid mo ang lihim na makakasira sa akin. Kung ibubunyag mo ito, masisira ang lahat kong balak. Dapat sana’y patahimikin kita. Ngunit pareho tayong inapi ng lipunan, at dapat tayong magtulungan.”
Sandaling tumigil si Simoun, saka nagpatuloy na nakatanw sa malayo.
“Ako nga ang naparito labintatlong taon na ang nakararaan. Biktima ng isang napakasamang sistema, naglakbay ako sa buong mundo at nagtrabaho gabi’t araw, upang magkamal ng malaking kayamanang kakasangkapanin ko sa pagsasagawa ng aking mga plano. Ngayo’y nagbalik ako upang wasakin ang sistemang iyan, madaliin ang pagkabulok nito, at ihulog ito sa bangin, sukdulang dumanak ng dugo at bumaha ng luha.”
Malamig at nagbabanta ang tinig ni Simoun nang magpatuloy:
“Nagbalatkayo akong mangangalakal at naglakbay sa mga bayan-bayan. Nasaksihan ko kung paanong pinagagalaw ng salapi ang lahat ng bagay. Nakita kong kung paanong nilalamon ng ganid ang isang patay nang sistemang panlipunan, tulad ng isang buwitreng nagpapasasa sa isang bangkay. Hindi na mabubuhay ang bangkay na itong maghiganti sa buwitre, ngunit mapadadali ang pagkabulok ng bangkay. Kaya’t lalo kong sinulsulan ang higit pagkaganid. Lalo kong pinalaganap ang kawalang-katarunagn at pagmamalabis upang mahirati ang mga tao sa kamatayan. Lalo kong pinagpahirap ang bansa upang mawalan ng kinatatakutan ang bayan. Nang hindi pa rin ito naging sapat upang mag-alsa ang taong bayan, ginawa kng hamakin at dumhan ang buwitre ang bankay na nilalamon nito. Ngunit nang maisasagawa ko na ang pagsabog ng kasamaan, bigla kayong lumitaw, kayong mga kabataan, lagi kayong nangangarap! Humihingi kayo ng pantay na mga karapatan, ng pamumuhay na tulad ng mga Kastila; sa katotohanan, ang hinihingi ninyo ay kamatayan, ang pagkawasak ng inyong pambansang pagkakakilanlan. Ano ang mangyayari sa inyo- isang lahing walang kaluluwa, isang bansang walang kalayaan. Lahat ng katangian ninyo ay hiram, at maging ang inyong mga kapintasan. Humihiling kayong maturuan ng Kastila upang dagdagan pa ang mahigit apatnapung wikang sinasalita sa buong kapuluan, nang sa gayon ay lalo kayong hindi magkaintindihan.”
“Kung mailalapit tayo ng wikang Kastila sa pamahalaan, makatutulong din ang wikang ito upang magkaisa ang mga pulo,” ang tutol ni Basilio.
“Isang pagkakamali,” putol ni Simoun. “Hindi magiging pambansang wika kailanman ang Kastila ang sapagkat hindi ito gagamitin ng taong-bayan. Bawat lipi ay may sariling paraan ng pagsasalita, tulad din ng pagkakaroon ng sariling paraan ng pandama. Aanhin ninyo ang Kastila, ang iilan sa inyo na makapagsasalita ng wikang ito? Kikitilin lamang ninyo ang inyong mga katangian at ipaiilalim sa iba ang inyong mga iniisip. Sa halip na maging malaya, lalo lamang kayong magiging alipin. Ang sinuman sa inyo na nakapagsalita ng Kastila ay mawawalan na ng pagmamahal sa sariling wika kaya’t malilimutan nang magsalita o magsulat sa wikang ito. Di iilan ang napansin kong nagkukunwaring walang nalalaman sa sariling wika. Mapalad kayo’t tanga ang inyong pamahalaan. Samantalang pinipilit ng Rusya ang mga taga-Poland na mag-aral ng wikang Ruso, samantalang ipinagbabawal ng Alemanya ang Pranses sa mga lalawigang nalupig sa Pransiya, dito’y pinipilit ng Espanya na manatiling buhay ang mga katutubong wika. Habang may sariling wika ang isang bansa, nananatili itong malaya, sapgkat ang tao’y malaya habang siya’y nakapg-iisip nang malaya.”
Tumigil ng pagsasalita si Simoun at hinagod ng kamay ang noo. Nagpatuloy ito:
“Maraming ulit nang binalak kong kausapin kayo, lapitan si isagani o si Makaraig. Minsa’y binalak kong patayin sila. Ito ang dahilan, Basilio, kung bakit ipinasya kong hayaan kang mabuhay. Kailangan ko ang iyong tuong. Ibig kong hikayatin mo ang iyong mga kamag-aral na itigil na ang pagmamahal sa Espanya at ang paghahangad sa pamumuhay-Kastila, sa pantay na karapatan. Kaululang isipin na mahihikayat ninyo ang mga namumuno; may sarili silang mga balak at walang mahalaga sa kanila kundi iyon lamang. Samantalahin ang paghamak n gating mga mananakop. Kung ayaw nila tayong ibilang sa bansang Espanya, lalong mainam. Manguna kayo sa paghubog ng sariling pagkakalilanlan, tangkain ninyong magtatag ng isang bansang Pilipino. Ayaw nila kayong bigyan ng pag-asa, kung gayo’y umasa kayo sa inyong sarili at sa inyong sikap. inyong sarili at sa inyong sariling sikap. Ayaw kayong bigyan ng representasyon sa Cortes, lalong magaling. Mabigyan man kayo ng representesyon, ano ang magagawa ng inyong kinatwan kundi ang malunod lamang ang kanyang tinig, habang pinapayagan ng kanyang pananatili roon ang mga pagmamalabis na pagkaraa’y maisasagawa pa rin? Habang sinisikil nila nag inyong mga karapatan, lalo kayong nagkakaroon ng karapatang labanan ang pang-aalipin at gantihan ang kasamaan ng ibayong kasamaan. Kung ayaw niang ituro sa inyo ang kanilang wika, linangin at palaganapin ang sariling wika. Sa halip na maghangad na maging probinsya lamang, maghangad na maging isang bansang malaya. Linangin ang malayang kaisipan, nang sa gayon, ang mga Kastila ay maituring ninyong mga manlulupig; at di magtatagal, kayo’y magiging malaya. Ito ang dahilan kung bakit hahayaang kitang mabubuhay. “
“Ginoo,” tug0on ni Basilio, “hindi po ako mahilig sa pulitika, at kaya lamang po ako pumirma sa petisyon ay sapagkat nakita kong makatutulong ang wikang Kastila sa aming pag-aaral. Iisa po lamang ang aking ambisyon: ang pagalingin ang sakit sa katawan ng aking mga kababayan. “
Ngumiti ang mag-aalahas. “Anon na ang sakit sa katawan kung ihahambing sa sakit ng lipunan? Baling araw ay magiging manggagamot ka, kung hahayaaan ka nila, ngunit higit na dakila ang manggagamot na makapagbigay-buhay sa ating naghihingalong bayab. Ano ang gingawa mo para sa iyong bayan? Hindi mo baa lam na walang halaga ang buhay na hindi iniuukol sa isang dakilang layunin? Tulad ito ng isang batong naligaw sa parang, gayong dapat itong maging bahagi ng isang gusali. ”
“Hindi ako naghahalukipkip lamang,” tutol ni Basilio. Ngunit bawat isa’y may sariling tungkulin sa lipunan. Ang pinili ko’y ang siyensiya.”
“Hindi siyensiya ang layunin ng tao,” tugon ni Simoun.
“Ang siyensiya ay panghabang-panahon, sapagkat higit na makatao, higit na unibersa,” sabi ni Basilio. “Kapag ang sangkatauhan ay naghango ng karunungan, kapag lahat ay malaya na, kapag wala nang mang-aalipin at wala ng alipin, ang mananatili’y ang pagpapaunlad ng siyensiya. At ang mga nagtuturo ng pagmamahal sa bayan ay ituturing na nangguguglo sa kaaayusang panlipunan.”
Malungkot na tumango ang mag-aalahas. “Totoo, ngunit kakailanganin munang mawala ang mang-aalipin at alipin. Kakailanganing matuto ang bawat isa na igalang ang karapatan ng iba. At bago maganap ito, kailangang dumanak ang dugo. Ang isang tao ay itinuturing na dakila, hindi sapagkat higit siyang maalam kaysa sa kanyang mga kapanahon, kundi sapagkat nahulaan niya ang mithiin ng mga ito.”
Nang matiyak ni Simoun na hindi nagising ng kanyang mga sinabi ang damdamin ni Basilio, ay magtanong siya nang ganito: “Ano ang ginagawa mo para sa iyong ina at kapatid? Sapat na bang dumalaw sa libingan at umiyak na tulad ng isang babae?”
Nasapol si Basilio. Galit ito nang tumugon. “Ano ang magagawa ko?
Ako’y mahirap. Makapagtatamo ba ako ng katarungan? Magiging biktima lamang akong tulad nila, parang isang pirasong bubog na ipukol sa bato.”
“Kung ihahandog ko ang aking tulong?”
“Mabubuhay pa ban g paghihiganti ang aking ina at kapatid? Ano ang mapal ko sa paghihiganti?”
“Makatutulong ka upang din a danasin ng iba ang iyong mga dinanas. Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin. Ang mga tao ay likas na masama kaya’t lagging magmamalabis kung hindi lalabanan. Ang mga taong umapi sa iyo ay lagging nagmamasid, araw gabi. Naghihinala silang kaya ka nila hahayaang umunlad sapagkat kinatatakutan ka nila at kinamumuhian. Likas lamang sa tao na kamuhian ang kanyang inapi, gaya ng sinabi nina Tasitus at Seneca. “
“Wala akong hinihingi kundi ang hayaan nila akong mabuhay…” tugon ni Basilio.
“At magmalaki ng mag anak na mapagmahal sa kapayapaan at nakahandang magpaalipin,” nangungutyang tugon ni Simoun. “Mahirap nang gawing tuwid ang likod na nahirati sa pagkahukot. Mabuhay ang mga pangarap ng isang alipin na ang tanging hinihingi ay isang pirasong basahang ibabalot sa kanyang mga kadena upang hindi ito maging maingay. Masdan ang huwarang Pilipino! Magiging mapalad ka kung makukuha mo ang iyong gusto.”
Nagtangkang magpaliwanag si Basilio, na hirati sa pagsunod sa baling maibigan sa init ng ulo ni Kapitan Tiago. Ipaliwanag niyang iisang bagay ang kailangan, edukasyon para sa lahat. Noo’y mag-uumaga na.
“Binata,” sabi ni Simoun na mag-aalahas, ang paniniwalaan, at hindi si Basilio, na isa lamang estudyante. Kung magbago ka ng isip, puntahan mo nah lang ako sa aking bahay sa Escolta.”
“Nagkamali kaya ako?” bulong ni Simoun sa sarili nang mapag-isa na. “nagbabalak kaya siya ng lihim na paghihiganti at di nagtitiwala sa akin? O maaari kayang ang maraming taon ng pagkaalipin ay kumitil na sa lahat ng dakilang hangarin , at wala nang natira sa kanya kundi ang likas na nasang mabuhay at magparami? Kung gayon, ang hulmahan ay kuping at kainlangang mabubuhay ay iyon lamang malalakas!”
At idinadagdag na parang may kinakausap may kinakausap: “Maghintay kayong magbigay sa akin ng pangalan at tahanan. Nawala na sa akin ang lahat: bayan, kinabuhayan, katiwasayan, maging ang inyong mga libingan, ngunit kayo. At ikaw, dakilang ispiritu, na nabuhay para sa iisang mithiin, at nagbuwis ng buhay nang walang hinihintay na gantimpala, maghintayka. Maaaring hindi kayo sang-ayon sa king piniling paraan,ngunit ito ang higit na mabilis. Nalalapit na ang araw, at pagsapit niyon, ako mismo ang maghahatid sa inyo ng balita.”
Christine C. Cabanlit
Jantzen Steve O. Tan
Ma. Elaine Santos
Alshamir Bryan Aripuddin
IV- St. Southwell
Maligayang Pasko
Maligayang Pasko
Nang magising si Juli na namumugto ang mata ay madilim pa, at ang mga manok ay kasalukuyang nagtitilaukan. Una niyang naisip ang himala ng Birhen at ang hindi pagsikat ng araw. Siya ay nagbangon, nag-antanda at taimtim na dinasal ang mga dalanging pang umaga, at pagkatapos ay lumabas sa batalan. Hindi nagkahimala, at ang araw ay namamanaag na. Ang gayo’y malabis na paghingi, madali pang magawa ng Birhen ang magpadala ng dalawang daat limampung piso. Ano na lamang sa Ina ng Diyos na magbigay noon. Ngunit tanging ang sulat ng amang humihingi ng pantubos na limangdaang piso ang naroroon. Wala nang paraang kundi lumakad. Siya ay nagluto ng salabat, ngunit ngayo’y parang panatag na ang kanyang kalooban. Ang bahay na kanyang paglilingkuran ay di naman kalayuan, makadadalaw siya sa kanyang Ingkong tuwing ikalawang araw, at alam naman ni Basilio na masama ang lagay ng usapin ng kanyang ama. Samantalang inaayos ang tampipi ay nahagkan niya ang lacket na may brilyante at esmeralda, ngunit kaagad itong itinago nang maalaalang yaoy nanggaling sa isang ketongin.
Nooy maliwanag na. Nakita niya ang kanyang Ingkong na sinusundan ng tingin ang lahat ng kanyang kilos, kaya kinuha niya ang tampipi ng damit at nakangiting humalik ng kamay. Binendisyunan siya ng matanda na walang kaimik-imik. “Pagdating ni itay ay ipakisabing napasok din ako sa kolehiyo; ang Panginoon ko’y marunong ng Kastila”, at nang makitang nahihilam sa luha ang mata ng matanda ay sinunong ang kanyang tampipi at matuling pumanaog sa hagdanan. Ngunit nang lumingon upang tumanaw pang muli sa nilakhang tahanan, tahanang naging bahagi ng kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagdadalaga ay nawala ang kanyang maliksing kilos, napahinto siya, ang kanyang mga mata ay nahilam ng luha at matapos umupo sa isang sanga ng puno ng kahoy sa tabi ng daan ay umiyak nang kahapis-hapis.
Mataas na ang araw nang dumungaw sa bintana si Tandang Selo at tinatanaw ang mga taong nangakabihis ng pamasko patungo sa bayan upang magsimba sa misa mayor.
Ang araw ng pasko sa Pilipinas, ayon sa matanda ay pista ng mga bata, mga batang hindi kasang-ayon sa gayong akala, at marahil ay nagpapalagay na ang pasko ay kinatatakutan nila. Ginigising silang maaga sa araw na iyan, sinusuutan at ginagayakan, isinisimba sila sa misa mayor na kulang-kulang sa isang oras ang haba, at kung hindi man sila pinagdarasal ng rosaryo ay kailangan naman nilang huwag maglilikot at sa bawat galaw na makapagpaparumi sa damit ng kurot ang katugon. Matapos iyon ay ipinapanhik sila sa bahay ng mga kamag-anakan upang humalik ng kamay, at doon ay kailangang ipakita nila ang kanilang nalalaman sa pag-awit, pagsayaw, sa ibig man o sa ayaw. Ang tanging alaala sa kanila ng tanging araw na iyon ay mga bakas ng kurot.
Ang mga taong may kagulungan na, may sarili mang pamumuhay ay nakakalahok din sa pistang ito, sa pamamagitan ng pagdalaw, pagluhod at pagbati ng maligayang pasko sa kanilang mga magulang at mga amain at ale. Ang kaniilang aginaldo ay matamis, bungang kahoy, isang basong tubig o isang bagay na walang gaanong halaga.
Nakita ni Tandang Selo ang pagdaraan ng kanyang mga kaibigan at malungkot na inisip na wala siyang maibibigay na aginaldo kanino man nang taong iyon, at ang kanyang apo ay umalis na wala rin siyang naibigay at hindi man lamang siya nabati ng magandang pasko.
Nang salubungin ni Tandang Selo ang mga kamag-anakang dumating na kasama ang mga bata ay hindi makabigkas ng anumang salita, at gaano man ang kanyang pagpipilit ay walang masabing anuman sa kanyang mga labi. Pinigilan ang kanyang lalamunan, umiling, inuga ang ulo ngunit wala ring nangyari. Gulilat na nagkatinginan ang mga babae.
“Napipi na!”, ang sigawan ng mga nasisindak na noon din ay nagkagulo.
Group 8
Ma. Lizelle Despalo
Ellora Kate Cabato
Ellen F. Pabingwit
Zachary Jeff Lim
Michael Macaso
IV-St. Southwell
Si Pilato
Si Pilato
Ang balita tungkol kay Tandang Selo ay mabilis na kumalat sa bayan. Ang ilan ay nahabag at ang iba ay nagkibit-balikat. Walang may kasalanan sa pangyayaring iyon at walang sinumang masisisi.
Ang tinyente ng mga gwardya sibil ay hindi man lamang nabahala. Siya ay tumanaggap ng utos na samsamin ang lahat ng mga sandata. Siya ay tumupad sa kanyang tungkulin nang walang pasubali. Inuusig niya ang mga tulisan kalianma’t magagawa ang gayon. Nang dukutin ng mga tulisan si Kabesang Tales, isinagawa niya ang paglusob at inuwi niya sa baying abot-siko ang gapos ng lima o anim na magbubukid na kanyang pinaghihinalaan. Kung hindi raw nakita si Kabesang Tales, ang dahilan ay wala siya sa bulsa ni sa balat ng mga hinuling hinambalos nang walang humpay.
Nagkibit-balikat din ang uldog na tagapangasiwa ng pari. Wala raw siyang kinalaman sa pangyayari at kagagawan iyon ng mga tulisan. Ginampanan lamang niya ang kanyang tungkulin. Totoo ngang kung hindi siya nagsumbong, marahil ang mga baril ay hindi sinamsam at marahil si Kabesang Tales ay hindi nabihag ng mga tulisan. Siya, si Padre Clemente, ay nag-iingat lamang sapagkat ang matatalim na tingin ni Kabesang Tales ay tila naghahanap lamang ng patatamaang bahagi ng kanyang katawan. Ang pagsasanggalang sa sarili ay makatwiran o hindi masama. Hindi niya kasalanan kung may mga tulisan man. Hindi niya tungkulin ang pag-usig ng mga ito. Iyon ay tungkulin ng mga gwardya sibil. Kung tumigil sa loob ng kanyang tahanan at hindi nagbantay sa kanyang mga lupain si Kabesang Tales, marahil hindi siya nadakip ng mga tulisan. Marahil iyon ay parusang galing sa langit sa mga hindi sumusunod sa mg autos o hinihingi ng korporasyon.
Nang malamn ni Hermana Penchang, matandang manang na pinagsilbihan ni Juli, matandang manang na pinagsilbihan ni Juli, ang kasawian ng mag-anak ng dalaga, bumigkas ng dalawa o tatlong Susmaryosep! at nagkurus. Pagkatapos, nagsabi siya ng: Madalas tayong padalhan ng Diyos ng gayong parusa dahil tayo ay punung-puno ng kasalanan o may mga kamag-anak tayong makasalanan na dapat sanang tinuruan natin ng kabanalan subalit hindi natin ginawa.
Ang mga makasalanang kamag-anak ay ipinatutungkol ni Hermana Penchang kay Juli, sapagkat para sa kanya, ang dalaga ay sadyang nagkakasala. “Akalain ninyong ang isang dalagang maari nang makipag-isang dibdib ay hindi pa marunong magdasal! Napakalaking kasalanan! Kung dasalin ng tangang iyan ang Aba Ginoong Maria ay hindi man lamang humihinto sa Ang Diyos ay Sumaiyo at hindi nagpapahingang sandali pagdating sa mga makasalanan kapag dinarasal ang Santa Maria, na siyang dapat sundin ng isang mabuting Kristiyanong may takot sa Diyos. Susmaryosep! Hindi nakababatid ng oremus gratiam at ang sinasabi mentibus sa halip na mentibus . Ang sinumang makarinig sa kanya magpapalagay na ang sinabi suman de ibus. Susmaryosep!
Nagkurus at nagpasalamat sa Diyos ang matandang manang sa pagkakadukot kay Kabesang Tales nang makalaya sa kasalanan ang anak at matuto ng kabanalan at kabaitan na ayon sa kura ay kailangang taglayin ng bawat babaing Kristiyano. Hindi niya pinadadalaw si Juli sa kanyang nuno nang matutuhan nito ang wastong pagdarasal, magbasa ng mga aklat na ipinamimigay ng mga pari, at maglingkod hanggang sa mabayaran ang dalawang daan limampung piso.
Nang mabatid na si Basilio lumuwas ng Maynila upang kunin ang natitipong salapi at nag matubos si Juli, inisip ni Hermana Penchang na ang dalaga ay tuluy-tuloy nang mabubulid sa bangin ng pagkakasala. Kukunin na siya ng isnag demonyong nagbabalat-kayong mag-aaral. Sa matibay na pananalig na masasaklolohan si Juli, pilit niyang ipinabasa nang makailang ulit ang aklat na pinamagatang Tandang Basyong Makunat na isinulat ng isang prayle. Palagi raw si Juling makikipag-usap sa pari sa kumbento katulad ng babaing pinakapupuri ng prayleng may-akda.
Nagtagumpay sa usapin ang mga pari at sinamantala nila ang pagkabihag ng mga tulisan kay Kabesang Tales upang ibigay ang lupain nito sa isang taong walang karangalan ni kahihiyan.
Nang bumalik na sa sariling tahanan ang kabesa, nabatid niya ang sunud-sunod na kasawiang sinapit nilang mag-anak. Naragdagan pa ito ng tumanggap si Tales ng isang utos buhat sa hukuman sa pamamagitan ng tinyente sa nayon na kailangang alisan nila ng laman at lisanin ang kanilang bahay sa loob ng tatlong araw. Nanggigipuspos na napaupo na lamang sa tabi ng piping ama si Tales at hindi na halos nakapagsalita sa buong araw na iyon.
Maryam Alfad
Ann Salazar
Ren Aboy
Henric CasimiroNav Agraviador
Kayamanan at Karalitaan
KAYAMANAN AT KARALITAN
Sa ikatlong araw ng paglaya ni Tales, nagkaroon siya ng hindi inaasahang panauhin. Dumating ang mag-aalahas na si Simoun upang makituloy sa kanila ng isang gabi’t isang araw. Naghihikahos man, hindi ito sapat upang tumanggi siya sa taong ito na dala naman ang lahat ng pangangailangan mula sa mga utusan hanggang sa pagkain. Kaya nanaig pa rin ang likas na ugaling Pilipino. Ayon sa kanyang ipinagsasabi, pinili niyang pakipanuluyan si Kabesang Tales pagkat pinakamalaki ang bahay nito na nasa pagitan pa ng dalawang bayan na inaasahan niyang pinanggagalingan na maraming mamimili.
Pagdating, ipinakita agad ang galing ng kanyang baril sa kabesang tahimik lang na nagmamasid at sumasagot ng napakatipid sa mga katanungan ng panauhin. Sa malas, napatunayan ni Simoun na higit na makapangyarihan ang kanyang sandata sa taglay ng mga tulisan.
Halos walang patid ang dating ng mga tao na ang iba’y gusto lang naman makapag-usyoso ng balitang kalakal ni Simoun. Ang iba naman ay sadyang bibili upang makadaupang-palad at mapalapit kahit na papaano sa kaibigang karnal ng Heneral.
Nangunguna sa mga prospektibong mamimili ang mag-anak ni kapitang Basilio na si Kapitana Tika, anak na si Sinang at asawa nito. Naroon din si Hermana Penchang na sa kagustuhang mailigtas ang kaluluwa ni Juliana, iniwan ang dalagang nagsasaulo ng isang aklat na banal. Ipinamamarali pa na ang dalaga raw ay tila kabuting itinanim ng tikbalang. Hindi marunong magdasal at pagulilat pang sinasabing…
“Siya’y may ulong parang salaan… puno lamang habang nakalubog sa tubig.”
Dalawa ang sisdlan ng mga alahas na binuksan ni Simoun. Habang inaayos ang mga ito’y walang tigil sa paglalarawan ang bawat isa. Kayat si Sinang, sa tuwing mapapalatak ay nakukurot ng ina sa pangambang taasan ng mag-alahas ang presyo. Nang malaunan, pati na ang mga ina’y napapasusmarya sa nakikita. Bakit nga’y naroon na yata ang lahat ng mahalaga at mararangyang hiyas na ang bawat isa’y relikya at kayamanang maituturing.
Hindi lamang paghanga kundi pangamba rin ang sumapuso sa mga naroon. Bakit nga’y totoo ang mga sinabi ni Simoun lalo na nang sabihin niyang…
“Ito’y tila kahon ng isang manggagamot, kinapapalooban ng buhay at kamatayan, ng lunas at lason..Sa isang dakot lamang ito, mapaluluha ko ang lahat ng mamamayan sa baying ito. Maaari itong ipatapon, ipapatay o ipabilanggo ang ama ng isang payapa at masayang pamilya. Maaari rin namang hanguin nito sa lusak ng kapariwaraan ang isang sinawi o inapi ng mga mapanghamig.”
Nanunuot sa laman ang tinig ng taong ito. Malumanay ngang magbitiw ng mga salita subalit umaantig ng sindak. Pilit na ipinikit ni Tales ang mga mata… marahil, upang pawiin ang isang maruming balak na nagsusumiksik sa isipan.
At sino ang makasusumang sa katotohanan ng mga binaggit ni Simoun? Sa kasakiman ng tao nag-uugat ang pinakamalaking krimen sa daigdig.
Nang mapawi-pawi ang kanilang paggigilalas, nagsibili na ang karamihan. Isang relikaryo ang pinili ni Kapitana Tika, hikaw ni Sinang, si Kapitan Basilio hindi rin nakalimot na ibili ng kairel ang alperes at isang pares na hikaw para sa kura.
Ipinaalam din ni Simoun na siya’y bumibili ng mga antigong alahas… o maaaring ipagpalit kaya sa mga dala niya. Ibinaling ang tingin kay Kabesang Tales na matapos tumingin ay dagling nagbalik sa sulok ng kabahayan at itinutok ang tingin sa kaparangan. Nililimi-limi niyang isa lamang, maging ang pinakamaliit na brilyante ni Simoun ay higit pa sa sapat upang matubos sa pagkaalipin ang mutyang anak, maipagamot ang matanda nang ama, huwag mailit ang lupa at bahay na ginagawa ng sariling mga kamay, makahanap ng ibang lupang masasaka… o maibalik ang bukiring kinatataniman ng mga buto ng asawa’t anak.
Parang nagising sa isang panaginip o bangungot si Kabesang Tales nang tuwiran siyang tanungin ni Simoun. Pabiglang tumugon si Tales na wala na siyang maipagbiling halaga. Itinanong ni Sinang ang laket ni Maria Clara. Biglang nagliwanag ang mukha, hinalughog ang mga kahon at inilabas ang hiyas na dating ari ng nagmonghang anak ni Kapitan Tiago.
Nagpahayag ng interes ang mag-aalahas. Itinanong kung magkano, pinasumalahan ng limandaan o kaya’y maipagpapalit sa anumang magustuhan ni Tales. Papayag na sana sa presyong sinabi ni Simoun at inisip pa ngang pataasin para malutas ang ilan nilang kagipitan nang pumakli si Hermana Penchang…
“ Kung ako ang tatanungin aariin ko iyang relikya. Santa na si Maria Clara na pinakapupuri ni Pari Salving kanyang kompesor. Pinili pa nga ni Juliana ang isangla ang sarili kaysa mawalay iyan sa kanya.”
Tumalab ang pahiwatig ng Manang. Humingi ng pahintulot si Tales na makausap muna ang anak at nangakong babalik bago kumalat ang dilim.
Nang palabas na sa nayon, natanaw niya sa landas na patungo sa gubat ang tagapangasiwang prayle at ang nagsasaka na ngayon ng kanyang bukirin. Palagay ba niya’y nagtatawanan ang mga ito at siya ang pinagtatawanan… ang kanyang pagkawalang-halaga. Umugong ang kanyang mga tainga at para siyang nilatiko sa pilipisan. Lumiko at tinunton ang landas patungo sa kanyang bukirin.
Magdamag na naghintay si Simoun. Kinaumagahan, nakitang wala na ang rebolber niya sa lalagyan. Sa halip, naroon ang laket ni Maria Clara. Nakabalot sa isang liham na kababasahan ng…
“ Patawad sa pagkakapagnakaw ko sa inyo sa loob ng aking tahanan. Mahigpit na pangangailangan ang nagtulak sa aking gawin ito. Kapalit ng inyong sandata ay ang pinagmimithian ninyong hiyas. Sasama ako sa mga tulisan. Hihingan namin kayo ng tubos kapag nagkatagpo tayong muli.”
Napabuntunghininga si Simoun nang mabasa ito. Nasambit na natagpuan na niya ang kanyang tauhan. Papaalis na sila nang dumating ang apat na sibil. Hindi nakita si Tales kayat si Tandang Selo ang dinakip. Samantala, nagpatuloy na sina Simoun sa paglalakbay.
Naputi ang buhay ng prayleng uldog ng korporasyon, biyak ang bungo at puno ng lupa ang bibig ng nagsasaka ng kanyang bukirin at gilit ang lalamunan ng asawa nito. At sa tabi nito, isang liham na iginuhit ng dugo sa pamamagitan ng daliri… kinapapalooban ng mahimagsik na damdamin… at ang nakalagda… Tales.
Natupad ang isang sumpang udyok ng matinding pagkabigo at pagkaduhagi ng damdamin. Isa na naman ang nadagdag… sa mga bikig ng pamahalaan at tinik ng lipunan. Bakit kailangang sila’y dumami sa halip na mawala o mabawasan kaya…?
Eleanor Abdurajak
Elaine Joyce Macasinag
Moh. Annesir Kadjim
Andre Stephen Lluisma
IV-St. Evans
Los Baños
KABANATA 11
Ang Kanyang Kamahalan, ang Kapitan Heneral at Gobernador ng Kapuluang Pilipinas ay nangaso sa Bosoboso. May kasama pa siyang banda ng musiko tulad ng mga santong ipinagpuprusisyon. Ngunit wala isa mang hayop silang nakita. Nangamba ang mga pinuno na baka ikagalit ng Kapitan Heneral ang ganitong pangyayari; ang totoo, lihim itong nagalak – ano na lamang ang iisipin ng mga katutubo kung hindi siya makapagpatama sa mga hayop, siya na nagyayabang na asintadong mangangaso?
Sinabi ni Padre Camorra na naparoon siya upang tulungan ang dalaga. Iniutos ng Kapitan Heneral na palayain ang matanda. Tumingin si Padre Camorra kay Ben Zayb at ang mamamahayag ay kumindat.
Alforte, Giorgio Oliver S.
Cabrera, Nichelexious M.
Francisco, Prince Cott Jhed H.
Wee, Krizzell S.
Placido Penitente
Placido Penitente
Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya.
Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi.
Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba.
Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ng huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.
Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noonh lamang papasok ang kuba. Pulos walang pasok noong nakaraang mga araw. May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon.
Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa. Tumutol ang huli. Nagpatuloy sila ng paglakad. May naalala si Pelaez. Nang hingi ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante. Malapit na sila sa Unibersidad. Naroon si isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin. Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang nagsisimba. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulusan ang mga mag-aaral at magtinginan sa isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan.
Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang panahong basahin ang kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Petinente. Pumasok parin si Placido. Hindi na patiyad. Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Sila’y may mahigit na 150 sa klase. At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta. Bastos magbabayad ka sa akin..
Ipinasa Nina:
Arlizee Faye Ongchua
Kareen Smith Jose
Kristian Teng
Laila puti
IV- St. Jerome
Ang Klase sa Pisika
Ang Klase sa Pisika
BuodIsang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan.Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika.Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na kastila.Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante.Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano mayroon? Bulong ni Pelaez: Bibingka! Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag. Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw sa sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at taguring espiritu sastre. Sinasabi ng aklat na ang mga salaming kalaing ay binubuo ng tanso o ng iba pang kalaing, totoo o hindi? tanong ng guro.Ganyan ang sabi ng aklat, Padre, tugon ni Placido.Ang salaming bubog ay binubuo ng isang patag na bubog na ang magkabilang mukha ay pinakintab ng maigi at ang isang mukha ay kinulapuan ng tinggang puti, tama? Iyan ang sabi ng aklat,Padre? Ang tinggang puti ba ay kalaing? Sabi po ng aklat. Ergo (samakatuwid), ang salaming bubog na may merkuryo, isang kalaing, ay salaming bubog-kalaing. Paano mo maipaliliwanag, espiritu sastre? Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang klase. Itinanong ang pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito: Placido Penitente lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng penitencia. Hinanap sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang pagliban! I*sa lang at aalisin ka na sa klase. Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima ang pagkahuli niya. Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng talaan kaya’t sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo kitang nahuli kaya’t labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot mo ngayon. Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay makabigkas ng mali sa aralin, tanong ni Placido."A... pilosopong metapisiko! Hindi mo ba alam na maaaring ang lumiban sa klaseng iyon, saan man siya naroon, ay di rin nakaalam ng aralin? Pilisopastro!"panunuya pa ng Pari. Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring markahan ninyo ako nang ano mang marka nguni’t wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang inyong klase! At ang estudyante ay umalis nang walang paalam .Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni Placido. Nagsermon ang pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa paaralan ng kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang kampanilya. Naglabasan ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang nalaman at lumabas nang sa gayon ding kalagayan.
Group(kabanata 9)
Maiko Sato
Qaysir Jainal
Leifen Go
Arvin Navarro
Si G. Pasta
Si G. Pasta
Nagsadya si Isagani sa bahay ng abogado, isa sa pinakamatalas na isip sa Maynila at sinasangguni ng mga fraile sa kanilang malalaking kagipitan. Matagal-tagal naghintay ang binata dahil maraming kliyente. Sa wakas, dumating ang kaniyang pagkakataon at pumasok siya sa tanggapan o bupete-na karaniwang tawag ditto sa Filipinas.
Tinanggap siya ng abogado na may bahagyang ubo at palihim na tumingin sa kaniyang paa. Hindi ito tumindig, hindi man lamang siya pinaupo, at patuloy sa pagsusulat. Nagkaroon ng pagkakataon si Isagani na pagmasdan ito at pag-aralang mabuti. Malaki ang itinanda ng abogado, ubanin, at kalbo na ang halos buong tuktok. Maasim at matigas ang kaniyang mukha.
Tahimik na tahimik ang tanggapan. Tanging maririnig ang mga kaluskos ng mga eskribyente o mga dumaraang nagtatrabaho sa karatig-silid. Lumalangitngit, tila nakikipag-away sa papel, ang kanilang mga pluma.
Sa wakas, natapos ang abogado sa pagsusulat. Binitawan ang pluma, itinaas ang ulo, at nang makilala ang binata, lumiwanag ang mukha at magiliw na iniabot ang kamay.
Kumusta ka, binata! Ngunit maupo ka, ipagpaumanhin mo… Hindi ko alam na ikaw pala. At ang tiyo mo?â€
Nabuhayan ng loob si Isagani at inisip na mapapabuti ang kaniyang sadya. Pabuod niyang isinalaysay ang mga nangyari habang pinakikiramdamang mabuti ang bisa ng kaniyang mga pangungusap. Nakinig si Senyor Pasta, walang ipinakikitang damdamin sa simula. Bagaman batid na niya ang mga pag-kilos ng mga estudyante, nagkunwa sitang walang nalalaman upang ipakitang wala siyang pakialam sa gayong mga kamusmusan. Subalit nang mahinuha kung ano ang kailangan sa kaniya at marining na may kaugnayan sa Bise Rektor, sa mga fraile, sa Kapitan Heneral, sa proyekto, atbp., unti-unting dumilim ang kaniyang mukha at bumalalas: “Bayan itong mga proyekto! Ngunit magpatuloy ka, mapagtuloy ka!â€
Hindi nasiraan ng loob si Isagani. Ipinaliwanag ang binigay na solusyon at nagtapos sa pagpapahayag ng pananalig ng mga kabataan na siya, si Senyor Pasta, ay mamamagitan ukol sa panig nila sakaling sangguniin siya ni Don Custodio, na inaasahan nilang mangyayari. Hindi nangahas si Isagani na sabihing: “payuhan siya†nang makitang nakasimangot ang abogado.
Subalit nakapagpasiya na si Senyor Pasta. Hindi siya makikialam sa asuntong iyon, kasangguni man o sinasangguni. Batid niya ang naganap sa Los Baños. Batid niyang may dalawang panig at hindi lamang si Padre Irene ang tagapagtaguyod ng panig ng mga estudyante. Batid niyang hindi si Padre Irene ang nagmungkahing ipadala ang petisyon sa Comision de Instruccion Primaria kundi ang kabaligtaran. Matagumpay n asana sina Padre Irene, Padreb Fernandez, ang Kondesa, isang komersiyanteng nakikita ang benta ng mga gamit ukol sa bagong akademya, at ang mataas na empleadong banggit nang banggit sa mga dekreto ng hari, nang maalala ni Padre Sibyla-sa pagnanais magkaroon ng panahon-ang mataas magsalita ng komisyon. Nasa isip ng dakilang abogado ang lahat ng ito, kaya nang matapos magsalita si Isagani, ipinasiya niyang lituhin ito sa pamamagitan ng mga pag-iwas, guluhin ang usapin, at idako sa ibang larangan and usapan.
“Oo!†aniyang lumalabi at kinakamot ang panot. “Walang ibang makahihigit sa akin sa pag-ibig sa bayan at sa mga mithiing progresista, ngunit…hindi ako makapangako… Hindi ko alam kung nauunawaan ninyo ang aking katayuan, isang katayuan maselan…napakarami kong interes na inaalagaan…Dapat akong kumilos sa loob ng mga hanggahan ng mahigpit na pag-iingat…Isa itong pananagutan…â€
Nais lituhin ng abogado ang binata sa pamamagitan ng dagsa ng mga pangungusap at nagsimulang magsalita tungkol sa mga batas, mga dekreto, at napakaraming sinabi kaya sa halip maligaw ang binata, halos siya na rin ang naligaw sa labirento ng kaniyang mga sinipi at pahayag.
“Hindi namin kayo ibig ilagay sa anumang kagipitan,†mahinahong sagot ni Isagani. “Huwag itulot ng Diyos na gamabalain naming kahit saglit ang isang tao na napakahalaga ang buhay sa nakararaming Filipino! Ngunit kahit napakaliit ng alam ko sa mga batas, sa mga utos ng hari, mga tadhana’t pasiyang umiiral sa ating bansa, hindi po ako naniniwala na maaaring magdulot ng masama ang pagtataguyod sa matataas na layunin ng gobyerno, sa pagsisikap na matamo ang kaniyang mabuting interpretasyon. Iisa po ang hinahabol nating layunin at nagkakaiba lamang tayo sa mga pamamaraan.â€
Napangiti ang abogado. Napatangay ang binata sa ibang larangan at doon niya ito guguluhin na nga ito.
“Iyan na nga, iyang-iyan ang quid na sinasabi ng lahat. Maliwanag na kapuri-puring tumutulong sa gobyerno kapag tinutulungang may pagpapakumbaba, sinusunod ang mga pasiya nito-ang wastong diwa ng mga batas sang-ayon sa mga wastong paniniwala ng mga namamahal-at kapag hindi sumasalungat sa matagal na’t pangkaraniwang anyo ng pag-iisip ng mga tao na nangangalaga sa kapakanan ng lahat sa lipunan. At dahil dito, kriminal, dapat parusahan sapagkat pagkakasal laban sa mataas na simulain ng kapangyarihan ang magtangka ng isang pagkilos na salungat sa mga pagkukusa nito kahit ipinalalagay na higit itong mabuti kaysa namamahal, at sapagkat ang ganiyang mga gawain ay makasasama sa karangalan-ang unang base at saligan ng itinayong mga gusaling kolonyal.â€
At nakatitiyak na nakabaliw kahit paano kay Isagani ang gayong tirade, buong taimtim na pinagbuti ng abogado ang upo sa kaniyang silyon bagaman tumatawa ang kalooban.
Gayunman, sumagot si Isagani.
Iniisip kop o na hahanap ng saligang lalong matibay ang mga gobyerno kapag nanganganib… Napakahina ng karangalan bilang saligan ng gobyernong kolonyal, sapagkat wala ito sa kaniya kundi nasa mabuting kalooban ng mga pinamamahalaan habang ibig nila itong kilalanin… Higit na matibay po, sa palagay ko, ang katarungan o katwiran bilang saligan.â€
Napaangat ang ulo ng abogado. Ano? Nangahas sumagot at makipagtalo ang binatang ito sa kaniya, siyang si Senyor Pasta? Hindi pa ba ito nalilito sa kaniyang mga dakilang pangungusap?
“Binata, kailangang itabi ang ganiyang mga kaisipan dahil mapanganib,†putol ng abogado habang kumukumpas. “Ang sinasabi ko sa iyo, hayaang kumilos ang gobyerno.â€
“Ginawa po ang mga gobyerno ukol sa kabutihan ng mga sambayanan, at upang magampanang maayos ang layon ng mga ito, kailangang sumunod ito sa ipinahihiwatig ng mga mamamayan na higit na nakaaalam sa kanilang mga pangngailangan.â€
“Mga mamamayan din ang mga bumubuo sa gobyerno at sila ang higit na nakapag-aral.â€
“Ngunit, tulad po ng ibang tao, nagkakamali kaya hindi dapat maging bingi sa kuro-kuro ng iba.â€
“Kailangang magtiwala sa kanila, ibinibigay nila ang lahat ng makakaya.â€
“May isang salawikaing lantay ng Espanyol na nagsasabing el queno no llora no mama; ‘ang hindi umiyak, walang gatas.’ Ang hindi humingi, hindi bibigyan.â€
“Ang kabaligtaran!†sagot ng abogadong tumatawang nangungutya. “Sa gobyernong ito, ang kabaligtaran ang nangyayari.â€
Subalit madaliang huminto sa tila lumabis sa pagsasalita at ibig isaayos ang kawalang-ingat.
“Binigyan tayo ng gobyerno ng mga bagay na hindi natin hiningi, na hindi natin maaaring hingin…sapagkat ang paghingi…nangangahulugan ang paghingi na may kakulangan at samakatwid hindi ito tumutupad sa tungkulin… Ang magmungkahi ng isang paraan, magtangkang pumatnubay dito, kahit hindi upang kalabanin ito, ang ganitong mga pagpapalagay ay banta sa pag-iral ng mga gobyernong kolonyal… Hindi ito naiisip ng karaniwang tao at hindi ito alam ng mga kabataang padalos-dalos, hindi nakauunawa, hindi nais umunawa sa salungat na bias ng paghingi, sa subersibong nilalaman ng ideang ito.â€
Ipagpatawad po ninyo,†putol ni Isagani na nasaktan sa mga argumentong ginamit sa kaniya ng abogado. “Kapag humingi ang bayan sa paraang legal ng isang bagay sa gobyerno, dahil inaakala nilang mabuti ito at handing magbigay ng isang kabutihan, at dapat ikatuwa, sa halip ikagalit, ang paghingi. Hinihingan ang isang ina, hindi kailanman ang isang madrasta. Ang gobyerno po, sa aking di-dalubhasang palagay, ay hindi isang maalam-sa-lahat na maaaring makita at makinita ang lahat. At magkagayon man, hindi ito dapat masaktan, sapagkat dito nga po’y may Simbahan tayo na walang ginagawa kundi humingi at humingi sa Diyos na nakakikita at nakababatid ng lahat, at kayo man naman ay humihiling at humuhingi ng maraming bagay sa hukuman ng gobyernong ito, at hanggang sa ngayon, hindi nagpapakitang nasasaktan ang Diyos at ang hukuman. Nasa isip ng lahat na ang gobyerno, bilang isang institusyong likha ng tao, ay nangangailangan ng tulong ng lahat, nangangailangan ito ng magpapakita at magpapaalam sa mga tunay na pangyayari. Kayo na rin po ay hindi naniniwala sa katotohanan ng inyong pagtutol. Kayo na rin ang nakaalam na malupit at mapaniil ang gobyerno na, upang magpakita ng lakas at independisiya, ay ipinagkakait ang lahat dahil sa takot o sa kawalan ng tiwala at mga bayan lamang na sinisiil at inaalipin ang may tungkuling huwag humingi ng kahit ano. Walang dapat hingin ang bayang napopoot sa kanilang gobyerno kundi ang magbitiw ito sa kapangyarihan.â€
Ngumiwi-ngiwi at umiling-iling ang matandang abogado, palatandaang hindi nasisiyahan, at hinaplos ang panot. Pagkatapos, sa himig ng maawaing tagapagtanggol, aniya:â€Hmm! Masasamang doktrina iyan, masasamang teorya, hmm! Malinaw na nakikitang bata ka pa at walang karanasan sa buhay. Tingnan ang nangyayari sa mga kabataang walang karanasang nasa Madrid at humihingi ng napakaraming reporma. Pinaratangan silang lahat ng filibusterismo, marami sa kanila ang hindi makapangahas umuwi. At magkagayon man, ano ang hinihingi nila? Mga bagay na banal, luma na, at alam ng lahat na hindi makasasama... Ngunit may mga bagay na hindi maipaliwanag, napakaseselan…siya…inaamin ko sa iyo na may iba pang mga dahilan bukod sa mga nabanggit na nagtutulak sa isang matinong gobyerno para sistematikong ipagkait ang mga lunggati ng bayan…hindi… Gayunman, maaaring mangyari na makatagpo ng mga pinunong napakahangal at katawa-tawa… Ngunit lagi nang may iba pang dahilan…kahit na lubhang makatarungan ang hinihingi…Iba’t iba ang kalagayan ng mga gobyerno…â€
Nag-atubili ang matanda, ipinako ang tingin kay Isagani, at pagkatapos, nagpasiya, kumumpas nang tila may iwinawaksi sa isip.
“Nahuhulaan ko ang ibig ninyong sabihin,†patuloy ni isagani na ngumiting malungkot. “Ibig ninyong sabihin na dahil ganap ang pagkakabuo sa isang gobyernong kolonyal, at sapagkat nakasalig ito sa mga batayang…â€
“Hindi, hindi, hindi iyan, hindi!†malakas na putol ng matanda at waring may hinahanap sa mga papeles. “Hindi, ibig sabihin… Nasaan ba ang aking anteohos?â€
“Narito po,†ani Isagani.
Isinuot ni Senyor Pasta ang salamin, nagkunwang bumabasa ng ilang papeles, at nang makitang naghihintay ang binata, umutal-utal:â€Mayroon akong ibig sabihin…ibig kong sabihin, ngunit nakalimutan ko na…pinutol ako ng kapusukan mo…isang munting bagay…Kung alam mo lamang ang gulo sa ulo ko, napakarami kong gagawin!â€
Naunawaan ni Isagani na pinaalis na siya. “Kung gayon po,†aniyang tumitindig, “kami’y…â€
“A! Makabubuting iwan ninyo ang asunto sa kamay ng gobyerno. Ito ang magpapasiya sang-ayon sa minamarapat nito…Sabi mo, tutol ang Bise Rektor sa pagtuturo ng Kastila. Marahil, tutol siya, hindi nilalaman kundi sa anyo. Sinasabing may dalang isang proyektong reporma sa pagtuturo ang Rektor na paparito…Maghintay muan kayo, bigyan ninyo ng panahon ang panahon, mag-aral kayo dahil nalalapit na ang eksamen, at karamba! Ikaw na nagsasalita nang mabuti ng Kastila at matatas magpahayag, bakit ka pumapasok sa gulo? Ano ang interes mong ituro ito nang bukod? Natitiyak kong magkatulad ang palagay namin ni Padre Florentino! Ipakihatid ang aking mga pagbati…â€
“Ang akin pong amain,†tugon ni Isagani, “lagi niyang ibinibilin na isipin ko ang sa iba tulad ng sa akin. Hindi ako naparito alang-alang sa sarili. Naparito ako sa ngalan ng mga higit na nangangailangan.â€
“Demonyo! Gawin nila ang ginawa ninyo, magsunog ng kilay sa pag-aaral, at makalbong tulad ko sa pagsasaulo ng buo-buong talata… At naniniwala ako, kung nagsasalita ka ng Espanyol, dahil pinag-aralan mo. Hindi ka taga-Maynila at hindi ka anak ng Espanyol! Aba, matuto silang tulad mo at gawin nila ang ginawa ko…Naging utusan ako ng lahat ng fraile, ipinaghahanda ko sila ng tsokolate at habang hinahalo ko ng kanang kamay sa pamamagitan ng batidor, hawak ko sa kaliwa ang gramatika. Naturo ako at, salamat sa Diyos, hindi ako nangailangan ng iba pang mga maestro at ng mga akademya at ng mga pahintulot ng gobyerno…Maniwala ka sa akin: Ang ibig matuto, matututo at dudunong.â€
“Ngunit ilan ang magiging tulad ninyo sa mga ibig matutuo, isa sa sampung libo, o higit pa?â€
“Psst! At bakit kailangan pa?†sagot nitong nagkikibit ng balikat. “Labis ang mga abogado, marami ang pumapasok na lamang na eskribuyente. Mga doctor? Nag-iinsultuhan, nagsisiraan, at nagpapatayan sa pag-aagawan sa isang maysakit…Mga bisig, ginoo, mga bisig ang kailangan ukol sa agrikultura!â€
Batid ni Isagani na sinasayang niya ang panahon, subalit ibig niyang sumagot.
“Wala pong alinlangan,†sagot niya, “na maraming doktor at abogado. Ngunit hindi ko po masasabing labis dahil may mga bayang wala. At kung labis man pos a dami, marahil kulang naman sa kalidad. At, sapagkat hindi po mahahadlangan ang kabataan sa pag-aaral at wala nang iba pang karera dito, bakit po pababayaang masayang ang kanilang panahon at pagsisikap? At kung hindi po makahadlang ang kahinaan sa pagtuturo sa marami upang maging abogado at doktor, kung sa dulo’y magkakaroon lamang din tayo, bakit hindi pa po ang mabubuting uri? Sa kabilang dako, kahit na po nais lamang nating gawin ang baying ito na isang bayan ng mga magsasaka, isang bayan ng mga manggagawa, at ipagbawal ang lahat ng gawaing intelektuwal, wala po akong nakikitang masama na turuan ang mga magsasaka at manggagawa, upang maibigay man lamang sa kanila ang isang edukasyong magpapahintulot sa kanila pagkatapos sila sa isang katayuang maunawaan ang maraming bagay na hindi pa nila nalalaman sa ngayon.â€
“ Aba , ba, ba!†bulalas ng abogadong gumuguhit ng mga bilog sa hangin sa pamamagitan ng isang kamay upang tila itaboy ang mga lumabas na kaisipan. “Hindi kailangan ang maraming retorika upang maging isang mahusay na magsasaka. Mga pangarap, mga kahibangan, ideolohiya! Sige, ibig mong makining sa isang payo?â€
At tumindig at magiliw na ipinatanong ang kamay sa balikat ng binata, saka nagpatuloy.
“Bibigyan kita ng isa at napakabuti dahil nakikita kong matalino ka at hindi masasayang ang payo. Nag-aaral ka ba ng Medisina? Kung gayon, ibuhos mo ang sarili sa pag-aaral kung paano maglagay ng mga emplasto at gumamit ng mga linta, at huwag ka kailanman magtatangkang pabutihin o pasamain ang kapalaran ng mga katulad mo. Kapag natanggap mo na ang iyong lisensiyado, mag-asawa ka ng isang mayaman at deboteng dalaga, pagsikapang manggamot at makasingil nang mabuti, iwasan ang lahat ng bagay na may kinalaman sa pangkalahatang kalagayan ng bayan, magsimba, mangumpisal, at mangumunyon kapag ginagawa ng karamihan, at makikita mo pagkatapos kung gaano mo ako dapat pasalamatan at makikita ko ito kung buhay pa ako. Lagi mong tatandaan na nagsisimula rin sa sarili ang kawanggawang nauunawaang mabuti. Hindi dapat maghanap sa lupa ang isang tao nang higit pa sa pinakamataas na kaligayahang pansarili, tulad ng sabi ni Bentham. Kapag pumasok ka sa mga Quijotismo, mga pangangarap, hindi ka magkakaroon ng karera, hindi makapag-aasawa, at hindi magiging anuman. Itatakwil ka ng lahat at ang mga kababayan mo na rin ang magtatawa sa iyong kawalng-malay. Maniwala ka sa akin, maaalala mo ako’t sasabihing tama kapag may mga uban ka nang tulad ko, mga ubang tulad nito.â€
At hinawakan ng matandang abogado ang ilang puting buhok, ngumiting malungkot at umiling.
“Kapag may mga uban na po akong tulad ng sa inyo,†kasinlungkot ding sagot ni Isagani, “at ginunita ang nakaraan at Makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi ginawa ang magagawa’t nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang bawat uban, at sa halip na ikaluwalhati ko’y dapat kong ikahiya!â€
At pagkawika nito, buong galang na yumuko at umalis.
Nanatiling di-kumikilos ang abogado sa kinatatayuan, may bahid ng mangha ang mukha. Narining niya ang mga yabag na unti-unting lumalayo at umupo siyang muli habang bumubulong.
“Kawawang binata! Ganoon ding kaisipan ang sumagi sa isip ko isang araw! Ano pa ang hihigit sa hangaring masabi na: ‘Ginawa ko ito alang-alang sa Inang-Bayan, inialay ko ang buhay ukol sa kabutihan ng kapwa? Koronang laurel, ibinabad sa kapaitan, mga tuyong dahong bumabalot sa mga tinik at uod. Hindi iyan ang buhay. Hindi iyan nagdudulot ng makakain, hindi nagtatamo ng karangalan. Halos nagagamit lamang na alsa ang laurel; hindi nagbibigay ng katahimikan, ni hindi nakapagpapanalo ng mga asunto. Baka ang kabaligtaran! May sariling moral ang bawat bansa, gaya ng pangyayaring may sariling klima at sariling mga karamdamang naiiba sa klima at mga karamdaman ng ibang mga bansa!â€
At saka idinagdag: “Kawawang binata! Kung lahat sana’y nag-iisip at gumagawa ang tulad niya, hindi ko sinasabi na hindi…Kawawang binata! Kawawang Florentino!â€
Eva Peachy Redoña
Abigail Sebastian
Bryan Villavieja
Acezor Lim
-IV St. Jerome- :)
Si Quiroga
Kabanata – 16
Nagbigay ng isang salu-salo si Quiroga,Intsik na nagsusuplay ng lahat na kailangan ng kumbento. Sa malaking tahanan nito malalanghap ang pinagsama-samang pabango, opyo at inimaban na mga prutas.
Kabilang sa mga panauhin sina Señor Gonzales at Don Timoteo Pelaez na tumtutol sa mga gustong gawin ng mga intsik, si Simoun at ibp.
Dahil sa negosyante ang ibang nasa pagtitipon, ang mabuting pagkakakitaan ang pinag-usapan.
Si Don Timoteo Palaez na kahapon lang ay nagsasabing di dapat payagang makipagkalakalan sa mga dayuhan ay pumupuri ngayon sa mga ipinagbibiling larawan at lamapara ni Quiroga na nakalagay sa eskaparate sa komedor.
Isa namang opisyal dati'y galit kay Quiroga dahil sa pagdadala raw nito ng mga tiket na loterya sa China ay pumupuri ngayon sa intsik dahil maaaring ngayon ay papanaluhin sila nito.
Pagkatapos ng kainan, nag-inuman ang mga bisita at itinuloy ang usapan. Isa sa talakayan ay ang pagkaparalisado ng komersyo at ang mataas na pakikipagpalitan sa mga taga Europa. May mga hiling ang mga negosyanteng Kastila kay Simoun na dapat raw makarating sa Kapitan Heneral.
May nagtanong, "ano sa palagay ninyo, Señor Simoun, ang dapat gawin ng pamahalaan para sa pag-unlad ng negosyo?".
"Madali lang," sagot ng mag-aalahas. "Kailangang pag-aralan kung paano umunlad ang ibag bansa."
"Paano nga?!".
Sumagot si Don Timoteo, "Malaki ang magagawa ng daungan. Ang hirap dito sa atin marami ang sirang daungan at hindi pinagagawa."
"Daungan ba, Don Timoteo, para madaling maangat ang mga bakal ninyo?"
"Huwag mong idamay ang mga bakal na tinda ko. HIndi ko kasalanan kung ipagiba ng kanyang kamahalan ang mga dampang nakakasira sa kagandahan ng paligid."
Madalas na ganito ang inuuwian ng usapan, parungitan, sisihan, laban-laban sa kalakalan. Bagama't sa harapan, para silang magkaibigan, sa talikuran nagtatarakan ng mga patalim. Lahat naman halos ay nakakaalam sa tahimik na digmaan ng mga negosyante na lagi namang nasa simbahan.
Isang araw pagkaupo ng gobernadorsilyo sa simbahan agad nagde-quatro para mapansin ng mga tao ang bagon nyang sapatos. Sinagot naman nito ng kasamang gobernadorsilyo rin ng pagpaparanyaan ng brilyanteng kwintas habang nakabuka ang mga tuhod na parang nangangabayo.
Kumalat ang balita tungkol dito at nagkaroon ng isang parang digmaan. Ang isang grupo ng mga mangangalakal ay uupo sa isang parte ng simbahan at panay na nagdede-quatro. Ang kabilang grupo naman ay sa kabilang panig at nangakabuka ang mga paa na parang nangasakay sa kabayo.
Natakot tuloy ang mga gwardya sibil na baka raw may tunay na digmaang nangyayari. Iniutos ng kapitan Heneral na sapagkat maraming pera ang ikinukontribusyon ng mga intsik, at mas malaki ang kinikita, ang mga manerismo nitong mga ito ang dapat gayahin bilang modelo.
Sa totoo lang, hindi ang mga intsik, hindi pilipino, hindi kastila ang mga tuso sa pagnenegosyo. Ang nangunguna sa pagkatuso ay ang pamahalaan na kumikita nang malaki nang walang puhunan.
Nagkasarilinan si Simoun at si Quiroga at naihinga ng intsik ang maraming problema niya. Lalong-lalo na ang mga pautang na hindi binabayaran.
Ipinangako ni Simoun na tutulong siya at sya mismo ang maniningil. Binawasan niya pati ang utang ni Quiroga sa kanya sa kundisyon na magtitinda ito ng mga kontrabandong mga kalakal, gaya ng baril.
Napag-usapan din sa tipon-tipon ang mga sapatos na susuriin, sapatos ng mga kastilang sundalo at hindi ng mga indiyo na di nga dapat pagsapatusin. Nabanggit din ang perya sa Quiapo na pagtatalanghan ng mahika ng amerikanong si Ginoong Leeds.
Nagpaalam ang magkakasama at tutungo sa plaza para masiguro ang mahika ng amerikano, kung sino talaga ang nakakapagsasalita sa misteryosong ulo-mahika o demonyo?
"Anong salamin ang sinasabi mon Ben Zayb? asa loob ng kahon ang ulo. Sa palagay, napagtatrabaho ng madyikero ang espiritu para makapgsalita ang demonyo?" sabi ni Padre Camorra.
Tumanggi si Padre Salivi sa payo ni Simoun na manood ng mahika ng Amerikano. Ano na lamang daw ang sasabihin ng mga nasasakupan? Makipagsiksikan sila sa isang mababang klase ng panoorin?
"Tayka, Padre Salvi," sabi ni Ben Zayb, "hindi naman tayo makikipagsiksikan. Pakikiusapan natin si Ginoong Leeds na huwag papasukin ang sinuman kapag tayo ang nanonood."
Pumayag sumama ang lahat at nagtuloy sila sa plasa para tiyakin nga kung ang nagsasalita sa mahiwagang ulo ay mahika ng Amerikano o lakas ng demonyo.
Ipinasa nina:
Marie Joneth F. Carrillo
Fatima Aira A. Dangpalan
Andrea Flor V. Barlas
Jeff Angelo F. Taclob
IV - St. Jerome
Ang Perya sa Quiapo
Ang Perya sa Quiapo
Maganda ang gabi dahil sa buhay na buhay na kapaligiran ng plasa. Dahil sa malamig na simoy ng Enero, sinasamantala ng marami ang pagpunta sa peryahan. At habang naroon, sila ay natutuwa sa panonood ng palabas at sa pakikinig ng musika.
Napapalamutian ang buong plasa. Makikita sa mga nakahanay na tindahan ang mga kumpol ng bola, ang mga maskara, ang mga laruang lata at tren, ang mga munting kabayo, at ang marami pang iba.
Sa isang konsyerto, naghahalo ang tunog ng tila pumupugak na mga instrumento. Paaro’t parito ang mga tao. May nagtutulakan at may nagkakapatiran. Nagbubungguan ang ilan habang nakatanga sa mga nakahanay na tindahan. Kailangang mahinay lang ang takbo ng karwahe kaya konsumido ang mga kutsero na nagmamadali para maihatid kaagad ang pasahero. Naroon din ang mga fraile, ang mga military, ang mga empleyado, ang mga estudyante, ang mga Intsik, at ang mga dalagita at dalagang may kanya-kanyang tsaperon. Nagbabatian ang nagkakasalubong o hindi man kaya ay nagkikindatan. Ang mga nag-uusap ay walang mapagsidlan ng saya.
Napapalatak si Padre Camorra sa kanyang nasasaksihan. Napapahinto siya at tumititig sa mga dalagang nakakasalubong at tila babaeng naitutulak si Ben Zayb sa tindi ng pananabik na sana ay maging kura siya ng Quiapo. May kapilyuhang bubungguin niya ang mga nakaksalubong na mga dalaga. Ang katuwaan ng fraile ay nagsisimula pa lamang.
Nang matamaan ang isang naksisilaw na binibini, biglang nakurot ni Padre Camorra si Ben Zayb. Walang mapagsidlan ng tuwa ang fraile-artilyero nang masilayan ang maringal na kagandahan ni Paulita Gomez, ang nobya ni Isagani.
Namumukod-tangi ang kagandahan ni Paulita Gomez sa lahat ng mga dalagang nandoon. Marahil, lalo siyang nagiging kaakit-akit sapagkat nababalutan ng mamahaling kasuotan ang katawan, at alaga ang sarili na tulad ng isang mamahaling kristal. Ang panghalina ng dalaga ang tila nagpapasama sa loob ni Isagani. Maraming matang nakatingin sa kanila. Nasisiyahan naman ang nobya na ang pangngiti ay may bukas ng pagkasalawahan.
Lalong nakuba si Juanito nang matanaw si Paulita. Bumati ang kuba, este si Juanito, at walang anuman siyang tinugon ng dalaga. Tinawag ni Donya Victorina ang bumati. Mas gusto ng ginang si Juanito kaysa kay Isagani.
“Kay gandang dalaga!” ulit ng fraile-artilyero. “At ako ang propesor ng nobyo, ang tumulak sa akin.” At dahil ibig sundan ang dalaga, muntik nang iwanan ni Padre Camorra ang mga kasama kung hindi siya napigilan ni Ben Zayb. Napabuntunghininga na lamang ang fraile.
Nagpatuloy sa pamamasyal ang pangkat hanggang makarating sila sa isang tindahan ng mga estatwang kahoy. Makikita sa mga estatwa ang iba’t ibang laki at hugis ng magkakaibang lahi ng tao, at ang pagtatrabaho ng mga nasa kapuluan. May mga estatwang Indio, mga Kastila, mga Tsino, mga mestiso, mga fraile, mga paring Pilipino, mga gobernadorcillo, mga empleyado, mga mag-aaral, mga gwardya sibil, at mga marami pang iba. Tila mas hilig ng mga eskultor na umukit ng mga fraile na nasa sandali ng kanilang kabanalan. Pulido at buhay na buhay ang pagkakagawa na nagpapakita ng kanilang dakilang anyo at layunin. Nakapagtataka na kakaiba ang makikitang mga estatwa ng mga fraile sa Europa. Inilalarawan sila na natutulog sa ibabaw ng bariles ng alak, nagsusugal habang tumutungga ng alak.
Hindi nagustuhan ng pangkat ang mga estatwang nakahanay sa tindahan. Minaliit nila ang kakayahan ng mga Pilipino sapagkat may sarili silang pamantayan tungkol sa sining. Kinakailangan daw na magkaroon ng pitong ulo at apat na ilong ang isang estatwa o pigurin para matawag na sining. Nalungkot naman si Padre Camorra sapagkat hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang pamantayan. Kaya ipinagpilitan niyang humingi ng tatlumpong hita para sa isang manyika.
Halos lkasunod ng kanyang mungkahi ang pagtatalo ng grupo kung may kakayahan o wala ang mga Indio sa eskultura at kung dapat ngang linangin o hindi ang nasabing sining. Pinutol naman ni Don Custodio ang pagtatalo sa pamamagitan ng pagsasabi na may kakayahan ang mga Indio ngunit dapat lamang nilang ilaan sa paggawa ng mga santo.
Nagpatuloy ang kanilang biruan tungkol sa kung sino ang inilalarawan ng bawat pigurin o estatwa hanggang sa mapako ang usapan kay Simoun na napakakuripot daw kaya hindi nito bibilhin ang pigurin na kamukha niya.
Matapos istorbohin nang gayon na lang ang nasa tindahan, umalis ang pangkat nang walang binili kahit isa man lang. Nagpatuloy sila sa paglakad papunta sa pwesto ni Mr. Leeds, ang nagpapalabas ng pugot na ulo, ang espinghe.
Nagpatiuna si Ben Zayb na handing gamitin ang kanyang impluwensya para makapanood ng palabas na libre na hindi kasama ang madla. At muli siyang nagpaliwanag nang nakalilito tungkol sa optika, ang dahilan ng paglabas ng pugot na ulo.
Lou Marielle Tan
Krizia Abrenica
Carlo Ong
Ahmed Imlan
Kadayaan
“KADAYAAN”
Ang pulutong ay buong pakundangan sinalubong ni Mr. Leeds, isang Yangking mahusay mangastila dahil sa matagal na paninirahan sa Timog America. Siya’y pumayag na siyasatin ng mga dalaw ang lahat bago gawin ang pagtatanghal.
Ang loob ng bulwagan ay nababalot ng pilos na itim at natatanlawan ng mga ilawang de aguardiente. Ang loob na iyo’y nahahati ng isang halang na may takip na tersiyopelong itim. Ang isang hati’y puno ng mga nanonood at ang ikalawa’y kinalalagyan ng isang mesang may takip na damit na itim na puno ng bungo at iba pang larawang mahiwaga. Ang buong tanawin ay nakapangingilabot sa masayang pulutong.
Hiniling ni Ben Zayb na pahintulutan siya ni Mr. Leeds na magsiyasat sa mesa. Hindi na niya hinintay ang pahintulot. Dali-daling itinaas ang damit na itim at kinapakapa ang ilalim ng mesa. Wala roon ang salaming inaasahan niyang matagpuan. Tumingin-tingin sa lahat ng sulok ang mamamahayag.
“Nasaan ang mga salamin?” ang tanong ni Pari Camorra.
Nagsiyasat na mabuti si Ben Zayb. Hinupu-hipo ang mesa, itinaas ang takip nito at saka inilagay ang kamay sa noo na mandi’y may iniisip.
“May nawala po bas a inyo, Ginoo?” ang tanong ni Mr. Leeds.
“Ang mga salamin, nasaan ang mga salamin?”
“Hindi ko alam kung nasaan ang inyong salamin. Ang sa aki’y naiwan ko sa fonda. Kayo’y namumutla at masama ang anyo.”
Nang marinig ng marami ang pangungutya ng Amerikano ay pinagtawanan nila si Ben Zayb kahit na sila’y alinlangan din. Bubulong-bulong na bumalik sa kanyang upuan ang napahiyang mamamahayag.
Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto. Pagkaraan ng ilang sandali’y bumalik na dala ang isang kahong kahoy na may lilok ng mga ibon, hayop, bulaklak, ulo at iba pa. Ang kaha ay maitim at bukbukin. Walang katawa-tawang ipinaliwanag ni Mr. Leeds na ang kahang yao’y natagpuan niya sa libingan nasa isang liblib na silid sa piramide ni Khufu., ikaapat na liping ng mga Faraon. Ang kaha ay pinasiyasat niya sa mga nanonood. Muli na namang naghanap ng salamin si Ben Zayb.
“Amoy-bangkay!” anang isang babae at saka namaypay ng katakut-takot.
“Sing-amoy ng apat na libong taon!” ang bulalas naman ng isang manonood.
Hinanap ng tingin ni Ben Zayb ang bumigkas ng huling kataga. Nakita niya ang isang militar na nakabasa ng kasaysayan ni Napoleon. Nainggit si Ben Zayb kaya nagbitiw ng isang salitang patama kay Pari Camorra.
“Amoy-Simbahan!”
Nagpatuloy sa pagsasalita ang Amerikano.
“Ang kahang ito ay may lamang isang dakot na abo at kaputol na papirong kinatatalaan ng ilang sulat. Tingnan ninyo ang abo, nguni’t ipinamamanhik kong huwag lamang kayong hihinga nang malakas sapagka’t kapag natapon kahit kaunti ay magiging sira-sira ang ating espinghe.
Naniwala ang mga nanonod sa kabulaanang tinuran ni Mr. Leeds. Isa ma’y di nangahas na huminga nang idaan ang kaha at muling nagpaliwanag.
“Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong gawin kaya sinayasat ko ang papiro. Doo’y may dalawang salitang di ko batid ang kahulugan. Tinangka kong bigkasin nang malakas datapwa’t babahagya ko pang nabigkas ang unang salita’y biglang dumulas ang kaha sa mga kamay ko, nahulog ito sa lupa, at di ko magalaw. Gayon na lamang ang aking sindak nang buksan ko ang kaha at matagpuan ko sa loob ang isang ulo ng taong nakatingin sa akin nang walang kakisap-kisap. Sandaling nanginig ang buo kong katawan nguni’t naisip kong baka iyo’y isang malikmata lamang kaya nagbalik ang kahinahunang ng aking loob. Binasa ko nang malakas ang pangalawang salita. Muling naging abo ang ulo at ang takip ng kaha ay nalapat.
Maingat na lumapit sa mesa ang Amerikano at ipinatong dito ang mahiwagang kaha.
“Ang takip, Mister!” ang di napigilang turing ni Ben Zayb. Itinaas ng kanang kamay ni Mr. Leeds ang kaha at hinawi ng kanyang kaliwa ang takip kaya naiwang nakalantad sa nanonood ang tatlong paang bakal ng mesa.
“Mga ginoo,” anang nanginginig na tinig ng Amerikano sa gitna ng katahimikang naghahari,”sa pamamagitan ng isang salita’y bubuhayin ko ang sandakot na abong iyan upang makausap ninyo ang isang nakakatalos ukol sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa maraming bagay na darating.”
Isang sigaw na nakapangalisag sa buhok ni Ben Zayb ang binitiwan ni Mr. Leeds.
“Deremof!” ang sabi niya.
Naggalawan ang mga tabing sa panooran, nagdilim ang mga ilawan, humaginit ang mesa at saka pagkatapos ay isang mahinang daing ang narinig mula sa loob ng kaha.
Nasindak ang lahat. Isang babae ang kumapit kay Pari Salvi.
Kusang nabuksan ang kaha. Natambad sa paningin ng mga nanonood ang isang ulong anyong bangkay na may mahaba’t makapal na buhok na itim. Dahang-dahang idinilat ng ulo ang kanyang mga mata, pinagala ang paningin sa lahat ng nanonood at saka itinitig sa nadidilat na mga mata ni Pari Salving noo’y tila nakakita ng isang multo. Nanginig ang Pari.
“Espinghe, sabihin mo sa lahat kung sino ka!” ang utos ni Mr. Leeds.
“Ako’y si Imuthis. Ipinanganak ako noong panahon ni Amasis at pinatay noong nasasakop ang Persia, nang si Cambises ay pauwing galing sa sinamang pagsalakay sa kalookan ng Lybia. Nang matapos ako sa pag-aaral ay naglakbay ako sa Gresya, Asirya at Persia. Papauwi na ako sa aking bayan nang maparaan ako sa Babilonya. Isang kakila-kilabot na lihim ang nabatid ko roon --- ang lihim ng magong si Guamata, ang di tunay na Simerdis na namamahala sa tulong isang pagdaraya. Siya’y nangambang isumbong ko kay Cambises kaya binalak ang aking ikinasawi sa tulong ng mga saserdoteng taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa aking bayan. Sila’y pikit-matang sumusunod sa utos ni Guamata, sapagka’t natatakot sila sa akin na baka ko ibunyag sa bayan ang kanilang panlilinlang. Upang maisakatuparan ang kanilang pakana ay kinasangkapan ang mga udyok ng puso ng isang batang saserdote sa Abidos na ipinalalagay ng lahat na banal.”
Sumunod ang isang kahambal-hambal na katahimikan.
Nagpatuloy ang ulo sa pagsasalaysay ng mga pailalim na pagdaraya ng mga saserdote. Kahit na ukol sa ibang pananampalataya ng ibang panahon ang isinasalaysay ng ulo, ay nakaramdam ang mga paring kaharap sapagka’t ang mga pagdarayang yao’y kahawig ng sa kasalukuyang kalagayan. Naginginig si Pari Salvi na sinusundan ang tinig ng espinghe na mandi’y nakahahalina sa kanya.
“Anong paraan ang ginawa sa iyo ng mga pari sa inyong bayan?” ang tanong ni Mr. Leeds.
Isang nakalulunos na daing na wari’y galling sa kaibuturan ng kanyang puso ang binitiwan ng espinghe. Napuno ng luha ang kanyang mga mata. Nanginig ang mga nanonood at nangalisag ang kanilang buhok. Naniwala silang hindi daya ang palabas.; na ang ulo’y ginawan nga ng kataksilan, at ang isinalaysay niyon ay sariling kabuhayan.
“Ay!” ang buong lungkot na wika, “ako’y umiibig sa isang dalagang anak ng pari. Siya’y kasinglinis ng liwanag at kapara ng bagong namumukadkad na loto. May hangad sa kanya ang batang pari sa Abidos. Nagmunakala ito ng isang pagkakagulo at sinangkalan ang aking pangalan sa tulong ng ilang papiro kong nakuha sa aking irog sa pamamagitan ng lalang. Nangyari ang pagkakagulo nang si Cambises ay papauwing nagngingitngit dahil sa nabigong pagsalakay. Ako’y isinakdal na isang taksil at ipiniit. Nakatakas ako nguni’t napatay rin ng mga umuusig sa lawa ng Moeris. Mula sa kabilang buhay ay nakita ko ang ginawang pag-usig at paghibo ng batang pari sa Abidos sa birheng nagkanlong sa simbahan ni Isis sa pulo ng Philos. Ah, saserdote, saserdote sa Abidos! Nabuhay akong muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Pagkaraan ng mahabang panahong pananahimik ay tinatawag kitang mamamatay, mapagparatang at lapastangan sa Diyos!”
Isang halakhak na mandi’y mula sa libingan ang isinunod ng ulo.
“Huwag! Maawa!” ang paimpit na tugon ni Pari Salving iniunat ang dalawang kamay na tila mabubuwal.
“Ano ang nangyayari sa inyo, Pari Salvi? Masama pa ba ang inyong katawan?” ang tanong ni Pari Irene.
“Ang init sa salas…ang amoy…”
“Mamamatay! Mapagparatang! Lapastangan sa Diyos! Isinusuplong kita!” ang ulit ng ulo muling humalakhak.
“Maawa! Buhay pa!” ang ulit ni Pari Salvi at tuluyang hinimatay.
Naghima-himatayan ang ibang babae na nag-akalang yaon ang dapat nilang gawin.
Nagkagulo sa salas. Ang paghihimatay ni Pari Salvi ay ibinintang ni Pari Irene sa sopas na pugad ng langay-langayan kinain nito.
“Wala namang nakain!” ang sagot ni Don Custodi. “Nagayuma siya ng ulo…”
Parang patay si Pari Salvi. Nang makita ng mga babaing walang sumaklolo sa kanila ay kusang nagbalik-diwa na sila. Samantala’y naging abong muli ang ulo. Inilagay ni Mr. Leeds ang damit na itim sa ibabaw ng mesa at saka yumuko sa mga nakinig sa kanya.
Nang lumalabas na ang mga nanood ay sinabi ni Don Custodiong dapat ipagbawal ang gayong uri ng palabas.
“Lalo na kung ganyang hindi ginagamitan ng salamin.” Ang dugtong ni Ben Zayb.
Bago nilisan ni Ben Zayb ang pook na yao’y muli niyang siniyasat ang mesa nguni’t hindi niya natagpuan ang salamin.
Kinabukasa’y isang lathala ang sinulat ni Ben Zayb na tumutukoy sa mga karunungan lihim at sa espiritismo. Isang utos ng gobernador eklesiyastiko na pumipigil sa palabas ang madaling nanaog. Nguni’t si Mr., Leeds ay wala na at napasa Hongkong na taglay ang kanyang lihim.
-FERNANDEZ, GIANA MAE
-FLORES, MICHELLE JOY
-BUCAO, YVAN KRIS
-BELLO, BAN FOSTER
IV- ST. JEROME
Labels
- Balangkas
- El Filibusterismo
- Kabanata 1
- Kabanata 10
- Kabanata 11
- Kabanata 12
- Kabanata 13
- Kabanata 14
- Kabanata 15
- Kabanata 16
- Kabanata 17
- Kabanata 18
- Kabanata 19
- Kabanata 2
- Kabanata 20
- Kabanata 21
- Kabanata 22
- Kabanata 23
- Kabanata 24
- Kabanata 25
- Kabanata 26
- Kabanata 27
- Kabanata 28
- Kabanata 29
- Kabanata 3
- Kabanata 30
- Kabanata 31
- Kabanata 32
- Kabanata 33
- Kabanata 34
- Kabanata 35
- Kabanata 36
- Kabanata 37
- kabanata 38
- Kabanata 39
- Kabanata 4
- Kabanata 5
- Kabanata 6
- Kabanata 7
- Kabanata 8
- Kabanata 9
- Kaligiran
- Komunikasyon - outline
- Saklaw
- talumpati
- Talumpatian Piyesa
- Tauhan