Thursday, October 4, 2007

Iniibig ko ang Inang Daigdig

INIIBIG KO...
Ang punong may dulot sa atin ng sariwang bunga at lilim,
Ang nangaggandahang bulaklak na ang bango'y tangay ng hangin
Ang mga ibon at kulisap na may tuwang nag-aawitan,
At lahat ng hayop sa mundo, maging alaga't kawala man...
Ang mga ilog at batisan na gumiginday sa pag-agos,
Ang mga lawa't karagatang maraming isdang kinukupkop
Sa makukulay na korales at malaharding kalaliman,
Ang sariwang simoy ng hanging may bangong samyo ng palay
Na buhat sa mga bukiring nangagyuko ang gintong uhay,
Ang maningning na umaga't maluwalhating dapithapon,
Ang mabituing langit-gabing alaga ng sultang buwan
Kung minsa'y nagbibigay - daan sa mabiyayang tag-ulan.
Ang pagbangon pagkaumaga ng magilas na sultang araw upang sa ati'y ipakita
Ang mga ulap na busilak sa panganoring aliwalas na ang bihis ay murang bughaw,
Ang sandali ng mapayapang sa dapit - gabing pakikinig sa bawat bagting ng gitara
Na sumasaliw sa pag-awit ng puso nati't kaluluwa ng bagong diwa at pag-asa.

KAYA'T...
Ang lahat ng iniibig kong bahagi't sangkap ng daigdig
Ay aking pangangalagaa't ipagtatanggol hanggang langit
Dahil iisa ang planeta na ating mapananahanan...
At ang panggagahasa rito ng ila'y aking sasagkaan
Bilang tagasagip-daigdig, ako'y handang makipaglaban.


Tuesday, September 11, 2007

Sa Ilalim ng Kubyerta

SA ILALIM NG KUBYERTA

Puntahan naman natin ang ilalim ng kubyerta. Kung Ikukumpara sa itaas, ito ay higit na pangmasa. Karamuhan sa mga pasahero ditto ay nangakaupo samga bangko. Katabi nila ang isang katutak na tampipi, ilang kahon at basket at dalawa o tatlong maleta. May nagsisipaglaro ng baraha. May maingay sa nagkwekwentuhan sa gitna ng tsus-tsug ng makina at sipol ng busina. May mga mangangalakal na Inchik na nakahilatang natutulog. Masusulyapang naliligo sila sa pawis. Spagkat isang dukwang lang sa mga nakatrintas sa negosyante ang mainit na makinang nagpapatakbo sa barko, sumasanib sa kanilang balat ang usok ng langis na nagiging pabango na rin nila. Pabangong nakakasulasok sa kaprichosang pang-amoy ni Donya Victorina.

Sa ilalim ng kubyaerta, mapapansin mo rin ang ilang kabinataang ikutan nang ikutan. Masasalamin mo sa mga mukha nila ang lubos na katuwaan sa pantag-araw na pagsasara ng mga paaralan. Natutuwa rin sila sapagkat may magagandang kolehiyalang sakay ang bapor nila.

Nang mapansin ng mga kolehiyalang sinusulyapan sila ng maiingay na kabinataan, nagpapakahinhin-hinhin sila upang di mapintasan bibong lumapit st nagpakilala ang bubuyag sa kadalagahan. Pinamulahan ng mga pisngi ang mga kolehiyal. Bagamat ibinigay nila ang pangalan sa nakikipagkilala, itinago ng mga dalaga ang kanilang mga ngiti sa pamaypay na dala-dala.

Kung magmamasid pa tayo sa paligid, hindi makakaligtas sa ating paningin si Basilio at si Isagani, dalawang estudyanteng bihis na bihis na nakikipagusap sa isang animo don kung makatindig. Ang nasabing parang don kung uamasta ay walang iba kundi si Kapitan Basilio.

“Kumusta na ang kundisyon ni Kapitan Tiyago, Basilio?”

“Mabuti po naman, Kapitan. Ayaw po niyang paalaga. Sumusunod lamang po kapag pinilit ,ko. Isinasangkalan po niya ang payo ng ilan kaya inuutusan niya kong bisitahin ang bahay sa San Diego. Pero alam ko pong estratehiya niya ito upang malayang makahithit sa opyo.”

“problema ng henerasyon ngayon ang opyo. Alam ba ninyong gamit lang ito sa medisina? Ang tanging sinaunang tao noon ang nagdiskubre ng opyo. Pero hindi sila umabuso. Tanging mga Inchik lamang dito ang nagpapakalonod sa bisyo. Mga Inchik na hindi man lamang nakakabasa ng mga sinulat ni Cicero. Hindi man lang nakakatunghay sa mga natatanging pananaliksik pangkasaysayan sa daigsig ng mga tao.”

Sa pag-uusap ng tatlo, nabanggit ang Akedemya ng Wikang Kastila na ipinakikipaglaban ng mga kabataan.

“Naititiyak ko Isagani, Basilio, na hindi maitatayo ang Akadeamyang sinasabi ninyo.”

“Nagkakamali kayo Kapitan. Tuluy na tuloy po ang pagpaptayo nito. Ipinangako po ni Padre Irene ne lalakarin niya ito sa Kapitan Heneral. Hinandugan nga namin siya ng dalawang kastanyong kabayo!” pagbibigay diin ni Isagani

“A, mangyayari lang yan pagputi ng uwak. Ipapaputol ko ang mga daliri ko kung hindi sasalungatin iyan ni Padre Sybila ang balak ninyo!”

“Sasalingatin na niya kung sasalungatin!” galit na sinabi ni Basilio.

“Nag-aambag-ambag na po ang mga estudyante. May mga propesor na rin po kami. Kalahati ang bilang ng mga Kastila, kalahati rin ang mga Pilipino. Kilala po ba ninyo si Macaraig? Bukas palad po niyang inialok ang isa nilang bahay na gawing paaralan,” pagmamalaking balita ni Basilio.

“Nakaktuwa kung iisiping dati ay nasa Latin ang mga aklat namin kaya nagsisikap kaming mag-aral ng Latin. Pero ngayon nasa Kastila ang mga aklat ninyo, bakit hinihigpitan kayong mag-aral ng Kastila? Baka naman may kadahilanan kung bakit hindi kayo dapat mag-saral ng wikang ito? Kayong mga kabataan, tignan sana ninyo ang aming karanasang pinagdaanan. May mga gatas pamkayo sa labi. Kabataan nga ba kayong pag-asa ng inang bayan?” ngingisi sabi ni Kapitan Basilio na parang Emperador ng Romang tumalikod sa dalawa.

“Narinig mo ba ang makabayang kapitan, Basilio? Kung mahina-hina ang tuhod natin, baka mawalan tayo ng tiwala upang mgarap at gumawa.”

Mahina pa raw ang bagwis natin at karanasan sdaw ang dapat basihan sa tagumpay ng mga kabat6aan. Kung laging karanasan ang ihahain ni Kapitan Basilio, tiyak na makakasundo niya ang tiyuhin mong si Padre Florentino. Teka nga pala, Isagani, ano ang reaksiyon ng tiyo mo kay Paualita na nililigawan mo?”

“Mahbang sermon ang tinanggap ko. Hindi raw kanin na isusubo na iluluwa kapag napaso ang palalagay sa tahimik. Ipinagmalaki ko sa kaniya sa hindi ordinaryong yong babae si Paulita. Bagamat ulila sinabi ko sa kaniyang maganda ito at edukada.”

“At bukod diyan, Isagani, mayaman ito, ismarte st kagalang-galang. Walang maipintas dito maliban sa tiyahing bungangera na ay meteryosa pa.”

“Alam mo ba Basilio na pinakikiusap ako ni Donya Victorina na hanapin ko raw ang mawawala niyang asawa?”

“At nangako kang hanapin dahil mahal mo si Paulita, di ba?”

“Pero alam mo bang sa bahay ng tiyuhin ko nagtatago si Don Tiburcio?”

“Ha? Totoo ba ang sinabi mo?”

“Yan ang dahilan kung bakit ayaw pumanhik ng tiyuhin ko sa itaas ng kubyerta. Tiyak na tatanungin daw siya ni Donya Victorina kung bakit nakita niya nag esposo nitong sinamsamba- samba. Alam ma bang kaninang sumilip ako sa itaas ay namataan ako at inirapan ni Donya Victorina? Nagulat siguro siya na nasa ilalim lang ako ng kubyerta kasama anmg Indiong inaaglahi niya.”

Napahinto sa usapan ang dalawa nang masulyapang pababa ang mag-aalahas. Isang magiliw na pagbati ang narinig ng magkaibigan mula kay Simoun.

“Kumusta Senyor Basilio? Magbabakasyon ba kayo? Kababayan ba ninyo sila?”

“Siya si Isagani, Don Simoun. Kalalawigan ko siya pero sa kabilang bayan siya nakatira.”

Nainis ni Isagani nang tingnan siya ng mag-aalahas mula ulo hanging paa sa parang minamaliit siya.

“Kumusta ng lalawigan ninyo?” tanong ni Simoun nang ibaling ang tingin kay Basilio.

“Ku…kumusta? Bakit, hindi pa ba kayo napupunta roon?”

“Napunta…Kailan? Lintik na kukumustahin ko ba ang lalawigan ninyo kung napunta na ako dito? May nakapabulong sa aking naghihikaos daw amg mmga tao roon st di makakbili ng mga alahas sa hirap na dinaranas.

Lihim na napangiti ang mag-aalahas.

“Umiinom ng serbesa, Senyor Isagani, Senyor Basilio. Ako ang taya. Umiinom tayo sa ikauunlad at ikakayaman ng inyong lalawigan.”

“Ikinalulungkot naming hindi kayo mapagbigyan. Hindi po kami umiinom ng serbesa” pagpapaumanhin ng magkaibigan.

“Hindi kayo umiinom ng serbes? Ayon kay Padre Camorra, ang kawalan daw ng lakas ng bansang ito basa sa sobrang tibig na iniinom ng mag mamamayan ninyo.”

“Sabihin ninyo ksy Padre Caamorra na kung tubig sana ang iniinom niya at di serbesa,tiyak marami na siyang naiitabing pera. Nakapapapabawas din ang perang ibinibiling alak sa kaban ng simbahan.” May ngiti sa labing sinabi ni Basilio.

“At hindi lang po yan,” dugtong ni Isagani, “pakisabi rin po sa mahal na kura na hindi lang nakapagpapaalis ng uhaw ang tubig. Pumapatay rin ito ng malaking sunog. At kapag nag-iinit ito ay nagiging singaw na maaring maging dagat-dagatan. At dapat niyang tandaan na ang tubig ding ito ang lumunod sa sangkatauhan at yumanig sa pundasyon ng sandaigdigan.”

Napanganga si Simoun sa tinuran ni Isagani. Bagamat huminga mg malalim, hindi ito nagpahalata sa malaking paghanga sa binitawang salita ng dalawang binata.

“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yan kay Padre Camorra. Alam naman ninyo kung paano magbiro ang butuhing kura. Paano ko sasagutin kung tatanungin niyang kalian magiging singaw ans tubig st kalian magiging dagat-dagatan.”

“Kapag pinag-init ito ng apoy. Kapag nagkatagpo-tagpo ang mga agos ng tubig mula sa maliliit na ilug-ilugan patungo sa mga daang hinukay ng mga hindi nabigyan ng katarungan,” gumagaralgal ang tinig na sabi ni Isagani.

Ngingisi-ngising tumalikod sa dalawa ang mag-aalahas.

“Mukhang bulking paputok ka kannina , Isagani?”

“Ikaw rin, Basilio.”

“Alam mo bang malaking tao ang mag-aalahas?”

“Ha? Sino nagsabi?”

“May nakapagbulob\ng sa akin ns tragapayo yan ng Kaptan Heneral.”

“Kilalal ba niya si Kapitan Tiago, Basilio?”

“Hindi lang kilala. Sa unang araw pa lang na dumating yan ay pinuntahan kaagad nito ang may sakit. Nagbabakasakali sigurong makahingi ng mana.

“Malaking isyu ang ipinakikipaglaban ng mga kabataan. Ipapputol ko ang daliri ko kung hindi kakausapin ni Don Simoun ang Kapitan Heneral upang huwag aprubahan ang pinapangarap nating paaralan.”

Nagulat si Isagani nang lumapit ang isang katulong na bumulong sa binatang ipinatawag daw siya ng tiyuhin na nasulyapan niyang papunta noon sa silya nitong pahingahan.

Sinundan ni Isagani nang tingin ang tiyuhing naupo sa isang silyang may sandalan. Mapapansing ang bawat katutubong napadaan sa nakasandal ay aalis ng sombrero bilang paggalang.

Malamig magsalita si Padre Florentino. Kahit may katandaan na ay may kasiglahan pa rin ang kanyang katauhan. Kapansin-pansin malalapadang kaniyang mga balikat at siksik na siksik ang kaniyang pangangatawang handang makipaglaban sa sinumang kabataan kung lakas at lakas din lamang ang pinag-uusapan.

Marami ang nakapuna sa iginagalang siya ninuman, maging ng mahihirap o mayayaman. Para sa kaniya, walang liyang naghihiwalay sa marangya at maralita. Kapwa raw sila nililka ni Bathala na dapat pakiharapan, kaibiganin at igalang.

Ano ang pagkakakilala ng marami kay Padre Florentino bilang kura at bilang pribadong tao?

Alam ng llahat na mula sa makyamang angkan ang tiyuhin ni Isagani. Ayon sa sabi-sabi, hindi raw nito pinangarap ang maging alagad ng Diyos. Ang pagpasok daw nito s aseminaryo ay bunga ng utos ng kaniyang ina na matalik na kaibigan ng Arsobispo nial. May kasintahan si Florentino. Ito raw ang dahilan kung bakit nagpakatanggi-tangig itong pumasok ng se inaryo. Pero sa dahilang hawak ng ina niya nag susi sa kayamanan nila, yumuko siya sa kagustauhan ng nakasisilaw na ilaw ng tahanan.

Beinte singko anyos nang ordinahan siyang ganap na pari ng Arsobispo. Tuwans-tuwa ang ina niya. Nagluksa naman anag kasintahan niya.

Tatlong araw dinaos ang selebrasyon. Napuno ng handa ang mesang kainan,bumaha ang alak sa kanilang tahanan.

Litung-lito at hindi makapaniwala ang dalagang nagmamahal sa kaniya. Sa sobrang kahihiyan, napilitan itong magpakasal sa iosang binatang hindi naman nito minahal.

Sa labis na katuwaang makapagsuot ng sutana ang kaisa-isang anak niya, sumakit ang dibdib at namatay ang ina. Tumanggap ng malaking kayamanan si Padre Florentino. Pero kahit may malaking mana, malungkot pa rin siya. Nawala na ang kasintahan ay nilisan pa siya ng pinakamamahal na ina. Tuliro ang isip si Padre Florentino. Upang matakasan ang sobrang pangungulila, ipinangako niyang iaalay ang buong sarili sa ikabubuti ng mralita sa kanyang parokya. Napalapit siya sa mgamahihirap at napamahal sa mga nagdurusa.

Sa matapat na pagtulong sa inapi ng lipunan, nagging bukambibig ang pangalan ni Padre Florentino na tinawag na sugo ng kalangitan.

Sapagkat mainit ang mga mata ng pamahalaan sa sinumang tumulong sa mga katutubong nangangailangan, napilitang magretiro si Padre Florentino bilang kur paroko. Minabuti nitong tirhan ang malapalasyong tahanang malapit sa Dagat Pasipiko na ipinatayo ng kaniyang nasirang ina.

Sapagkat nag-iisa sa buhay, inampon niya ang walang pa noong kamuwang-muwang na si Isagani. May makakati ang dilang na nagsasabi na ang inampong sanggol ay anak daw ni Padre Florentino sa dating kasintahan. May nagpapatunay naman na anak daw ito ng pinsang naninirahansa lalawigan.

Habang nigninilay-nilay sa nakaraan, nagulat ang kura nang senyasan sg piloto ng barko at tawagin.

“Padre Florentino!” malakas na sabi nito, “Hinihintay kayo sa itaas ng mga ksama ninyo.

Gusto ng mg kurang makipagkwentuhan sa inyo!”

Mabilis na napatayo si Padre Florentino. Habang inaayos ang sombrero, tumangu-tango ito at nagpasabing, “Hayaan ninyo, at susunod na ako.”

Bago pumanhik, tinawag muna ni Padre Florentino ang pamangkin at pinagsabihang huwag siyang susundan sa pakikipagkwentuhan sa mga kura ng Simbahan.

casey richelle alvarez
kristine bernadette ang
peter gomer sescon
gellivie panganiban
yusoff khan damsid

Mga Alamat ng Ilog Pasig

Kabanata 3

MGA ALAMAT NG ILOG-PASIG

Tapos na ang pagtatalo at nagtatawanan na ang mga nasa kamara ng bapor ng dumating doon si Pari Florentino.

Itinanong ni Don Custodio kung saan nanggaling si Simoun na noo’y kararating lamang kaya hindi tuloy nakita ang magagandang tanawin sa paglalayag.

“Marami ang ilog at tanawin akong nasaksihan,” ang tugon ng mag-aalahas. “Wala nang may kabuluhan sa akin kundi iyong may mga alamat.”

Sa tinuran niyang yaon ay sinabi ng kapitan na may ilang alamat ang Ilog-Pasig.

Ikinuwento niya ang alamat ng Malapad-na-bato. Noong hindi pa dumarating sa Pilipinas ang mga Kastila ay sinasamba ng mga tao ang Malapad-na-bato, na umano’y tirahan ng mga espiritu. Nang mawala ang pananalig sa bato, iyo’y naging tirahan ng mga tulisan. Mula sa tugatog noon ay madali silang nakapangharang ng mga bangka. Nang malaunan, sa kapanahunan na ng kapitan, ay may mangisa-ngisa pa ring natataob na bangka sa tabi ng bato.

Pagkatapos maikuwento ang alamat ng Malapad-na-bato, sinabi ng kapitan na may isa pang makasaysayang alamat, ang alamat ng yungib ni donya Jeronima, na maaaring isalaysay ni Pari Florentino.

“Noon araw,” ang pasimula ni Pari Florentino, “ay may isang binatang nangakong pakakasal sa isang dalaga sa kanilang bayan. Naghintay nang mahabang panahon ang dalaga hanggang sa lumipas ang kanyang kabataan. Isang araw ay nabalitaan ng dalaga na ang kanyang katipan ay siya nang Arsobispo sa Maynila. Nagsuot-lalaki ang babae at nagsadya sa Arsobispo. Hiniling dito ang katuparan ng kanyang pangako. Ang kahilingan ng babae na kung tawagi’y Donya Jeronima, ay hindi naipagkaloob kaya ipinagpagawa na lamang siya ng Arsobispo ng isang yungib na sa labas ay napapalamutihan ng mga baging. Doon nanirahan si Donya Jeronima. Doon siya namatay at doon din siya inilibing. Ayon sa sabihanan ay nagging matabang-mataba siya kaya patagilid kung siya’y pumasok sa yungib. Siya’y napabantog na isang engkantada dahil sa ugali niyang paghahagis sa ilog ng mga kasangkapang pilak na ginagamit sa mga piging na dinadaluhan ng maraming ginoo. Sa ilalim ng tubig ay may isang lambat na siyang sumasagip sa mga kasangkapang nahuhugasan. Noong wala pang dalawampung taon ang nakaraan ay umaabot sa pintuan ng yungib ang ilog, ngunit unti-unti ring lumayo, gaya ng paglimot ng mga tao kay Donya Jeronima.”

Pagkatapos makapagkuwento ni Pari Florentino, at pagkaraan ng ilang sagutan tungkol sa kanyang isinalaysay ay ikinuwento naman ni Pari Salvi ang alamat ng Buwayang Bato.

“Noong araw,” anya, “ay maraming buwaya sa lawa at sa ilog. Ang mga buwayang iyo’y lubhang malaki’t matatakaw. Sinusugod nila ang mga bangka at pinalulubog sa isang palo lamang ng kanilang buntot. Minsan ay isang Intsik na hindi binyagan ang dumaan sa harap ng simbahan. Walang anu-ano’y humarap sa kanya ang dimonyong nag-anyong buwaya at itinaob ang kanyang bangka upang siya’y silain at dalhin sa impiyerno. Tumawag kay San Nicolas ang intsik at noon di’y naging bato ang buwaya.”

Pagkatapos ng salaysay ni Pari Salvi ay nagpahayag si Ben Zayb na kahanga-hanga ang alamat. Noo’y pumapasok na sa lawa ang bapor at ang tanawing bumati sa paningin ng lahat ay lubhang kahanga-hanga.

“Maalaala ko nga pala, Kapitan,” ani Ben Zayb, “ batid ba ninyo kung saan napatay ang isang nangangalang Guevarra, Navarra, o Ibarra?”

Lahat, maliban kay Simoun, ay tumingin sa kapitan.

“Ah, siya nga!” ani Aling Victorina. “Saan, Kapitan? Nakaiwan ba siya ng bakas sa tubig?”

“Tumingin kayo roon,” ang sabi ng kapitan. “Ayon sa pinunong nangulo sa pagtugis, si Ibarra ay tumalon sa tubig sa malapit sa Kinabutasan nang lumangoy sa ilalim ng tubig at sa tuwing lilitaw ang kanyang ulo upang huminga ay pinapuputukan siya. Sa dako pa roo’y hindi na siya nakita. Sa tabi ng pampang ay may nakakita ng kulay-dugo. Ngayon ang ika-labintatlong taon ng pangyayari.”

“Kung gayon, ang kanyang bangkay…” ang salitang di natapos ni Ben Zayb.

“Ay nakisama rin sa bangkay ng kanyang ama,” ang dugtong ni Pari Siyla. “Hindi ba siya’y isang pilibustero, Pari Salvi?”

“Iyan ang matatawag na murang libing, Pari Camorra,”
ani Ben Zayb.

“Palagi kong sinasabing pilibustero ang mga bumabayad ng mahal na libing,” ang patawang tugon ni Pari Camorra.

“Ano ang nangyayari sa inyo, G. Simoun?” ang tanong ni Ben Zayb. “Nahihilo ba kayo sa isang patak na tubig na katulad nito? Kayong matanda nang manlalakbay!”

Sumabad ang kapitan na may pagkagiliw sa mga pook na iyon.

“Huwag ninyong tawaging isang patak na tubig ang lawang ito,” anya. “Ito’y malaki kaysa alin mang lawa sa Suwisa at sa pinagpisan-pisang mga lawa sa buong Espanya. Nakakita na ako ng matatandang magdaragat na nangahilo rito.”


Ipinasa nina:
Nanding, Vanessa
Librando, Lucy
Saavedra, Jerbie
Macaso, John Michael
4 – St. Southwell

Kabesang Kales

Kabanata 4: Kabesang Tales

Nakatira sila dati sa gubat. Si Tandang Selo, Telesforo –kanyang asawa at tatlong anak. Isang araw hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan ang akala nila’y wala naman itong may-ari kaya’t dito sila ay nag tanim at kanila itong inararo. At dahil sa mga mikrobyo na naroroon sa gubat na yaon ay namatay ang kanyang asawa at panganay na anak dahil sa matinding lagnat na dulot ng malarya. Noong umpisa walang pumapansin sa kanila ngunit nang mag ani na sila sa unang pagkakataon, isang korporasyong relihiyoso na may-ari ng mga lupain sa karatig-bayan ang umangkin sa kanilang taniman at iginiit na sakop ito ng hangganan nila. Bagama’t hindi ito binawi kina Tales, pinagbayad naman sila ng taunang buwis na nagkakahalaga ng 20 o 30 piso.
Pumayag sila sa pag bayad hanggang sa tumaas ng tumaas pa ang singil at ginawa siyang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Dahil dito nalugi siya ng malaki sapagkat pag may mga hindi nagbabayad, siya din ang umaabono dito na galling rin mismo sa kanyang sariling bulsa. Isinali sa Itinaas ang upa sa dalawandaang piso. Dito na tumutol si Tales. Sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hinding-hindi niya ito ibibigay.
Sumampa siya ng asunto at inubos ang pera sa pag arkila ng mga abugado. Hindi na nakapag aral si Juli sa Maynila at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pag ka gwardiya sibil. Sa huli, dinukot si Tales at humingi ang mga tulisan ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibinenta nila Juli at tandang Selo ang lahat ng kagamitan nila ngunit kulang parin kaya namasukan si Juli kay Hermana Penchang upang punan ang 250 Piso na kulang.
4-Southwel Pangkat bilang 13
Krista Ayara A. Cabaron Phil Lorenz Somblingo
Irene Grace J. Reyes John Kenneth Dimaano