Tuesday, September 11, 2007

Si Simoun

KABANATA 7

“SI SIMOUN”

Pabalik na siya sa bayan nang may mapansin siyang liwanag at makarinig ng mga yabag. Namatay ang liwanag ngunit lalong lumakas ang mga yabag. Di nagtagal, nabanaagan niya ang isang anino na tumigil sa kabila ng punong balite. Parang may hinahanap ito sa bulsa. Nang iayos nito ang kanyang pala, nakilala ito ni Basilio – ang mag-aalahas na si Simoun.

Tinatamaan ng liwanag ng lampara ang mukha ng mag-aalahas habang ito’y naghuhukay. Hindi nito suot ang malaking salamin sa mata na nag-pabago sa kanyang anyo. Nabigla si Basilio. Ang lalaking ito rin ang tumulong sa kanya sa paghuhukay ng paglilibingan ng kanyang ina labintatlong taon na ang nakakaraan. Naragdagan lamang ang kanyang gulang; puting-puti na ngayon ang kanyang buhok at mayroon siyang bigote’t balbas. Ngunit naroon pa rin ang pait sa kanyang mga mata, ang kunot sa noo, ang galit na kilos, ang malalakas na bisig bagama’t bahagyang namayat ngayon.

Tuwing mapag-uusapan ang tungkol sa pagkamatay ni Ibarra, itinatanong ni Basilio sa sarili kung sino ang mga lalaking dumating noon sa gubat. Ang lalaking namatay ay may dalawang sugat, na batay sa kanyang napag-aralan, ay likha ng baril. Kung gayon, iyon marahil si Ibarra na dumating sa libing ng kanyang nuno upang doon mamatay. Ang paghiling na sunugin ang kanyang bangkay ay maaring natutuhan nito sa mga paglalakbay nito sa Europa, kung gayon, sino ang pangalawang lalaki?

Patuloy sa paghuhukay si Simoun. Napansin ni Basilio na dina ito sinlakas na gaya ng dati. Humihingal ito, nahihirapan sa paghinga at madalas ang pagtigil upang magpahinga.

Nag-alala si Basilio na baka matuklasan din siya roon ng mag-aalahas kaya’t ipinasiya niyang magpakita. Tumayo siya sa pinagtataguan, at nagtanong:

“May maitutulong po ba ako?”

Parang nagulat na tigreng napalundag si Simoun. Dumukot ito sa bulsa saka nagbabantang tinitigan ang estudynate.

“Labintatlong taon na ang nakararaan, tinulungan ninyo akong mag-hukay ng paglilibingan ng aking ina. Ngayon, hayaan ninyong ako naman ang tumulong sa inyo,” wika ni Basilio.

Inilabas ni Simoun ang rebolber at ikinasa. “Sino ako, sa akala mo?” tanong nito.

“Isang taong pinahahalagahan ko, na ang mga kasawian ay akin ding ipinagluluksa.”

Katahimikan ang sumunod. Pagkaraan, ipinatong ni Simoun ang kamay sa balikat ni Basilio, at nagsalita: “Basilio, batid mo ang lihim na makakasira sa akin. Kung ibubunyag mo ito, masisira ang lahat kong balak. Dapat sana’y patahimikin kita. Ngunit pareho tayong inapi ng lipunan, at dapat tayong magtulungan.”

Sandaling tumigil si Simoun, saka nagpatuloy na nakatanw sa malayo.

“Ako nga ang naparito labintatlong taon na ang nakararaan. Biktima ng isang napakasamang sistema, naglakbay ako sa buong mundo at nagtrabaho gabi’t araw, upang magkamal ng malaking kayamanang kakasangkapanin ko sa pagsasagawa ng aking mga plano. Ngayo’y nagbalik ako upang wasakin ang sistemang iyan, madaliin ang pagkabulok nito, at ihulog ito sa bangin, sukdulang dumanak ng dugo at bumaha ng luha.”

Malamig at nagbabanta ang tinig ni Simoun nang magpatuloy:

“Nagbalatkayo akong mangangalakal at naglakbay sa mga bayan-bayan. Nasaksihan ko kung paanong pinagagalaw ng salapi ang lahat ng bagay. Nakita kong kung paanong nilalamon ng ganid ang isang patay nang sistemang panlipunan, tulad ng isang buwitreng nagpapasasa sa isang bangkay. Hindi na mabubuhay ang bangkay na itong maghiganti sa buwitre, ngunit mapadadali ang pagkabulok ng bangkay. Kaya’t lalo kong sinulsulan ang higit pagkaganid. Lalo kong pinalaganap ang kawalang-katarunagn at pagmamalabis upang mahirati ang mga tao sa kamatayan. Lalo kong pinagpahirap ang bansa upang mawalan ng kinatatakutan ang bayan. Nang hindi pa rin ito naging sapat upang mag-alsa ang taong bayan, ginawa kng hamakin at dumhan ang buwitre ang bankay na nilalamon nito. Ngunit nang maisasagawa ko na ang pagsabog ng kasamaan, bigla kayong lumitaw, kayong mga kabataan, lagi kayong nangangarap! Humihingi kayo ng pantay na mga karapatan, ng pamumuhay na tulad ng mga Kastila; sa katotohanan, ang hinihingi ninyo ay kamatayan, ang pagkawasak ng inyong pambansang pagkakakilanlan. Ano ang mangyayari sa inyo- isang lahing walang kaluluwa, isang bansang walang kalayaan. Lahat ng katangian ninyo ay hiram, at maging ang inyong mga kapintasan. Humihiling kayong maturuan ng Kastila upang dagdagan pa ang mahigit apatnapung wikang sinasalita sa buong kapuluan, nang sa gayon ay lalo kayong hindi magkaintindihan.”

“Kung mailalapit tayo ng wikang Kastila sa pamahalaan, makatutulong din ang wikang ito upang magkaisa ang mga pulo,” ang tutol ni Basilio.

“Isang pagkakamali,” putol ni Simoun. “Hindi magiging pambansang wika kailanman ang Kastila ang sapagkat hindi ito gagamitin ng taong-bayan. Bawat lipi ay may sariling paraan ng pagsasalita, tulad din ng pagkakaroon ng sariling paraan ng pandama. Aanhin ninyo ang Kastila, ang iilan sa inyo na makapagsasalita ng wikang ito? Kikitilin lamang ninyo ang inyong mga katangian at ipaiilalim sa iba ang inyong mga iniisip. Sa halip na maging malaya, lalo lamang kayong magiging alipin. Ang sinuman sa inyo na nakapagsalita ng Kastila ay mawawalan na ng pagmamahal sa sariling wika kaya’t malilimutan nang magsalita o magsulat sa wikang ito. Di iilan ang napansin kong nagkukunwaring walang nalalaman sa sariling wika. Mapalad kayo’t tanga ang inyong pamahalaan. Samantalang pinipilit ng Rusya ang mga taga-Poland na mag-aral ng wikang Ruso, samantalang ipinagbabawal ng Alemanya ang Pranses sa mga lalawigang nalupig sa Pransiya, dito’y pinipilit ng Espanya na manatiling buhay ang mga katutubong wika. Habang may sariling wika ang isang bansa, nananatili itong malaya, sapgkat ang tao’y malaya habang siya’y nakapg-iisip nang malaya.”

Tumigil ng pagsasalita si Simoun at hinagod ng kamay ang noo. Nagpatuloy ito:

“Maraming ulit nang binalak kong kausapin kayo, lapitan si isagani o si Makaraig. Minsa’y binalak kong patayin sila. Ito ang dahilan, Basilio, kung bakit ipinasya kong hayaan kang mabuhay. Kailangan ko ang iyong tuong. Ibig kong hikayatin mo ang iyong mga kamag-aral na itigil na ang pagmamahal sa Espanya at ang paghahangad sa pamumuhay-Kastila, sa pantay na karapatan. Kaululang isipin na mahihikayat ninyo ang mga namumuno; may sarili silang mga balak at walang mahalaga sa kanila kundi iyon lamang. Samantalahin ang paghamak n gating mga mananakop. Kung ayaw nila tayong ibilang sa bansang Espanya, lalong mainam. Manguna kayo sa paghubog ng sariling pagkakalilanlan, tangkain ninyong magtatag ng isang bansang Pilipino. Ayaw nila kayong bigyan ng pag-asa, kung gayo’y umasa kayo sa inyong sarili at sa inyong sikap. inyong sarili at sa inyong sariling sikap. Ayaw kayong bigyan ng representasyon sa Cortes, lalong magaling. Mabigyan man kayo ng representesyon, ano ang magagawa ng inyong kinatwan kundi ang malunod lamang ang kanyang tinig, habang pinapayagan ng kanyang pananatili roon ang mga pagmamalabis na pagkaraa’y maisasagawa pa rin? Habang sinisikil nila nag inyong mga karapatan, lalo kayong nagkakaroon ng karapatang labanan ang pang-aalipin at gantihan ang kasamaan ng ibayong kasamaan. Kung ayaw niang ituro sa inyo ang kanilang wika, linangin at palaganapin ang sariling wika. Sa halip na maghangad na maging probinsya lamang, maghangad na maging isang bansang malaya. Linangin ang malayang kaisipan, nang sa gayon, ang mga Kastila ay maituring ninyong mga manlulupig; at di magtatagal, kayo’y magiging malaya. Ito ang dahilan kung bakit hahayaang kitang mabubuhay. “

“Ginoo,” tug0on ni Basilio, “hindi po ako mahilig sa pulitika, at kaya lamang po ako pumirma sa petisyon ay sapagkat nakita kong makatutulong ang wikang Kastila sa aming pag-aaral. Iisa po lamang ang aking ambisyon: ang pagalingin ang sakit sa katawan ng aking mga kababayan. “

Ngumiti ang mag-aalahas. “Anon na ang sakit sa katawan kung ihahambing sa sakit ng lipunan? Baling araw ay magiging manggagamot ka, kung hahayaaan ka nila, ngunit higit na dakila ang manggagamot na makapagbigay-buhay sa ating naghihingalong bayab. Ano ang gingawa mo para sa iyong bayan? Hindi mo baa lam na walang halaga ang buhay na hindi iniuukol sa isang dakilang layunin? Tulad ito ng isang batong naligaw sa parang, gayong dapat itong maging bahagi ng isang gusali. ”

“Hindi ako naghahalukipkip lamang,” tutol ni Basilio. Ngunit bawat isa’y may sariling tungkulin sa lipunan. Ang pinili ko’y ang siyensiya.”

“Hindi siyensiya ang layunin ng tao,” tugon ni Simoun.

“Ang siyensiya ay panghabang-panahon, sapagkat higit na makatao, higit na unibersa,” sabi ni Basilio. “Kapag ang sangkatauhan ay naghango ng karunungan, kapag lahat ay malaya na, kapag wala nang mang-aalipin at wala ng alipin, ang mananatili’y ang pagpapaunlad ng siyensiya. At ang mga nagtuturo ng pagmamahal sa bayan ay ituturing na nangguguglo sa kaaayusang panlipunan.”

Malungkot na tumango ang mag-aalahas. “Totoo, ngunit kakailanganin munang mawala ang mang-aalipin at alipin. Kakailanganing matuto ang bawat isa na igalang ang karapatan ng iba. At bago maganap ito, kailangang dumanak ang dugo. Ang isang tao ay itinuturing na dakila, hindi sapagkat higit siyang maalam kaysa sa kanyang mga kapanahon, kundi sapagkat nahulaan niya ang mithiin ng mga ito.”

Nang matiyak ni Simoun na hindi nagising ng kanyang mga sinabi ang damdamin ni Basilio, ay magtanong siya nang ganito: “Ano ang ginagawa mo para sa iyong ina at kapatid? Sapat na bang dumalaw sa libingan at umiyak na tulad ng isang babae?”

Nasapol si Basilio. Galit ito nang tumugon. “Ano ang magagawa ko?

Ako’y mahirap. Makapagtatamo ba ako ng katarungan? Magiging biktima lamang akong tulad nila, parang isang pirasong bubog na ipukol sa bato.”

“Kung ihahandog ko ang aking tulong?”

“Mabubuhay pa ban g paghihiganti ang aking ina at kapatid? Ano ang mapal ko sa paghihiganti?”

“Makatutulong ka upang din a danasin ng iba ang iyong mga dinanas. Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin. Ang mga tao ay likas na masama kaya’t lagging magmamalabis kung hindi lalabanan. Ang mga taong umapi sa iyo ay lagging nagmamasid, araw gabi. Naghihinala silang kaya ka nila hahayaang umunlad sapagkat kinatatakutan ka nila at kinamumuhian. Likas lamang sa tao na kamuhian ang kanyang inapi, gaya ng sinabi nina Tasitus at Seneca. “

“Wala akong hinihingi kundi ang hayaan nila akong mabuhay…” tugon ni Basilio.

“At magmalaki ng mag anak na mapagmahal sa kapayapaan at nakahandang magpaalipin,” nangungutyang tugon ni Simoun. “Mahirap nang gawing tuwid ang likod na nahirati sa pagkahukot. Mabuhay ang mga pangarap ng isang alipin na ang tanging hinihingi ay isang pirasong basahang ibabalot sa kanyang mga kadena upang hindi ito maging maingay. Masdan ang huwarang Pilipino! Magiging mapalad ka kung makukuha mo ang iyong gusto.”

Nagtangkang magpaliwanag si Basilio, na hirati sa pagsunod sa baling maibigan sa init ng ulo ni Kapitan Tiago. Ipaliwanag niyang iisang bagay ang kailangan, edukasyon para sa lahat. Noo’y mag-uumaga na.

“Binata,” sabi ni Simoun na mag-aalahas, ang paniniwalaan, at hindi si Basilio, na isa lamang estudyante. Kung magbago ka ng isip, puntahan mo nah lang ako sa aking bahay sa Escolta.”

“Nagkamali kaya ako?” bulong ni Simoun sa sarili nang mapag-isa na. “nagbabalak kaya siya ng lihim na paghihiganti at di nagtitiwala sa akin? O maaari kayang ang maraming taon ng pagkaalipin ay kumitil na sa lahat ng dakilang hangarin , at wala nang natira sa kanya kundi ang likas na nasang mabuhay at magparami? Kung gayon, ang hulmahan ay kuping at kainlangang mabubuhay ay iyon lamang malalakas!”

At idinadagdag na parang may kinakausap may kinakausap: “Maghintay kayong magbigay sa akin ng pangalan at tahanan. Nawala na sa akin ang lahat: bayan, kinabuhayan, katiwasayan, maging ang inyong mga libingan, ngunit kayo. At ikaw, dakilang ispiritu, na nabuhay para sa iisang mithiin, at nagbuwis ng buhay nang walang hinihintay na gantimpala, maghintayka. Maaaring hindi kayo sang-ayon sa king piniling paraan,ngunit ito ang higit na mabilis. Nalalapit na ang araw, at pagsapit niyon, ako mismo ang maghahatid sa inyo ng balita.”

Christine C. Cabanlit

Jantzen Steve O. Tan

Ma. Elaine Santos

Alshamir Bryan Aripuddin

IV- St. Southwell

No comments: