Tuesday, September 11, 2007

Ang Pagtatanghal

KABANATA XXII

(ANG PAGTATANGHAL)

Alas ocho’y medya ang nakasulat na simula sa programa ngunit mag-aalas nwebe na ay hindi pa ito iniumpisa sapagkat wala pa raw ang Kapitan Heneral. Ang artilyero at ang mga tao ay naiinis na sa klase ng musikang tinutugtog ng orkestra at naiinitan na. Totoong parang sardinas ang loob ng tanghalan.marami ang nakatayo, marami rin ang pawisan at nagtutulakan. Bukod sa upuang nakalaan sa kanyang Kamahalan, may lima pang upuang walang laman na pinagbubulungan ng lahat na naghuhulaan.

May pumapalo ng tungkod sa paligid. Isang malaking problema sa may-ari ng tanghalan kung paano ipaliliwanag ang mga reserbadong upuan sa mga mamamayan. Nakahinga lang ito ng maluwag-luwag nang isang ginoo ang humahangos na sumalampak sa isa sa mga upuang pinagtatalunan. Hindi pala alam ng ginoo na ang silyang upuan ay matagal nang reserbado ni Don Primitivo. Katulad ng dapat asahan, nang dumating ang don ay ipinakipaglaban ng ginoo ang karapatan. Una raw siyang dumating kaya ang silya’y kanyang inaangkin. Naging parang sabungan ang loob ng dulaan. Umaaktibong nagsigawan si Don Primitivo at ang ginoo na totoong ikinatuwa ng lahat ng tao.

Kahit nagsumbong ang don sa tagapamahala ng teatro, hindi pa rin niya napaalis sa silyang kinauupuan ang ginoo. Sa pagmamatigas parang Senador ng Romano sa pagkakaupo ang ginoo, na sa tibay ng dibdib ay umani ng mga papuri sa mga tao. Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao naang napansin nilang huminto ang balseng tinutugtog, na kaagad hinalinhan ng Marcha Real na alay sa panauhing pandangal. Nagtinginan ang lahat bilang paggalang sa pagdating ng Kaniyang Kamahalan, isang hudyat na magsisimula na ang pagtatanghal.

Kapansin-pansing tinatanaw ng mga estudyante ang kinaroronan ni Pepay. Alam nilang ibinilin ni Macaraig sa mananayaw ang paghihikayat na gagawin kay Don Custodio. Si Pepay ang huling kartada upang aprubahan ang pakiusap nilang pagtatayo na akademya. Sinulatan ng mananayaw si Don Custodio nang hapong iyon. Nakikipagtipan siya sa teatro. Bagamat salungat ang Dakilang Tagapayo na manood, napahinuhod ito ng mananayaw na sumilip man lanh daw sila sa tanghalan.

Nang makitang pumasok ang Tagahusga sa teatro, pailalim na tiningnan ni Don Manuel ang kabangga niya sa ayuntamiento. “Bakit ako naririto?” malakas na paliwanag ng Dakilang Tagapayo nang malamang nasa likod lamang niya ang kalaban. “Naririto ako dahil gusto kong aktuwal na pagpasyahan ang kalaswaan o kasiningan na ipinalalabas sa tanghalan!”

“Kasinungalingan! Hindi ito lugar na dapat makipagtagpo sa isang kaibigan!” Dahil pagparunggitan ng dalawang magkalabang nagtatalikuran, napangiti si Pepay sa napapakinggan. Inakala ng mga estudyanteng ang ngiti ni Pepay ay pagpapahayag na nakamtan na nila ang bandila ng tagumpay sa kahilingang ipinakikipaglaban.

Nangislap ang mga mata na Macaraig na humahangos na nagbalita si Sandoval na pinahintulutan na raw ng kataas-taasang Lupon sa Pagtuturo ang pagtatayo ng paaralan. Lahat ng kabataan ay nasiyahan, maliban kay isagani na di man lang nangiti. Nagkausap kasi sila ni Paulita na mauuna na siya sa teatro upang husgahan kung malaswa o masining ang panoorin. Nagulat na lamang ang binata nang malamang nauna pa sa kaniya si Paulita na kasa-kasama si Juanitong karibal niya.

Hindi mailarawan ang panibughong masasalamin sa mga mata ni Isagani. Gusto niyang magiba n asana ang dulaan at pati siya ay matabunan. Gusto niyang surut-surutin ang kasintahan. Gusto rin niyang hamunin ang karibal na sa pakiwari niya ay pangisi-ngisipa kung tumingin sa kanya.

Pero sapagkat suko sa langit ang pag-ibig niya sa dalaga ay nagdalawang isip siya. Nagkasya na lamang ang binata sa pananahimik at sa paminsa-minsang pagsulyap sa dalawang kaluluwang aliw na aliw sa paghuhuntahan habang nakaupo at nagbibiruan.

Nang itinaas ang talon ay nakatutulig na palakpakan ang narinig. Lalong lumakas ang palakpak nang lumabas ang isang grupo ng mga dalagang Pranses na masisiglang nagsisiawit. Sila ang mga magbubukid ng Corneville na naglalantad sa mabibilog at maupuputing binti at hita. Nagsimulang magtala ng kanyang mga puna si Don Custodio. Kapag itinataas-taas ng mga mananayaw ang kanilang binti ay susulyap kaagad ang tagahatol kay Pepay Gusto niyang tiyakin na hindi gumagaya sa nang-aakit na pagsasayaw ang kaniyang “Dakilang Mananayaw”.

Sa kapakanan ng mga kaibigan, isinasalin ni Tadeo sa Kastila ang mga salitang Pranses. Tagapagsalin naman nina Paulita at Donya Victorina si Juanito na nagpapasiklab sa dalawa. Sa mga mananayaw unang nagpakilala si Gertrude. Habang nagsasalita ay malagkit nitong sinulyapan ang ngingisi-ngising Kapitan Heneral, na di mapakali sa tila init na init na pagpapaypay ng Kondesang kaniyang pinakamamahal “daw”.

“Magsasayaw ng Can-Can yan mamaya,” bulong ni Isigani sa mga kaibigan. “Ha? Si… Sigurado ka?” tanong ni Macaraig. “ Yun ang sabi niya.” Paniniguro ni Isigani na nagkamit ng unang pwesto sa klase nila sa Pranses.”

Sa pahayag na magsasayaw ng Can Can ang mga mananayaw, lalong pinag-igi nina Tadeo, Macaraig at Sandoval ang pagkakaupo. Parang nanliliit sa kahihiyan si Isagani. Kung siya ang masusunod, ayaw niyang panoorin ng Can Can ang minamahal at iginagalang na paraluman. Sa sobrang galit sa karibal, iniisip ni Isaganing hamunin ito kinabukasan upang makipagpatayan sa binatang nagwasak sa kanyang katinuan. Totoong mahal na mahal niya si Paulita. Hindi siya tutugot hanggat di niya napapaghigantihan ang karibal na humahadlang sa kanilang dati’y matapat pagsusuyuan.

Hindi pansin man lamang ng mga kaibigan ang kalungkutang nararanasan ni Isagani sa kaniyang kinauupuan. Salat daw sa katotohanan ang ipinahayag ni Isagani kani-kanina. Ano raw bang lenggwaheng Pranses natutuhan niya? Sa halip na sayaw na Can Can, si Serpollete na makapal na nakokoloretehan ang bumalaga sa tanghalan. Kumanta-kanta ay sumayaw-sayaw siya. Kapansin-pansing isang bigotilyong Kastilaloy ang napapalaklak at napahiyaw gayong nasa kalagitnaan pa lang ng kanyang pagsasayaw ang Pranses na gumiling-giling sa tanghalang naiilawan.

Mabilis ang mga mata ni Tadeo, masusing sinipat-sipat niya ang bigotilyong ginoo. “A… Aba!Si Padre Ireneo de Bigotillo pala!”

“Ta… Tama ka.” Sagot ni Sandoval. “Di ko kaagad napagsino kung saan ko siya nakita. Alam mo ban a nakikipag-usap pa siya sa mga artista kanina? Mismong sa silis bihisan ay nagsumiksik siya. Ayaw naman niyang magpakilala at de bigo-bigote pa, mapalapit lang sa mga artista.”

Nagparunggit si Padre Irene na utyos daw ni Padre Salvi ang panonood niya sa teatro. Susuriin daw niya ang kasiningan o kalaswaan ng opereta sa malayuan at sa malapitan. Sapagkat biha siya sa Pranses, natural lang dawn a kailangang marinig niya pati ang mga bulong ng mga artista. Kailangang-kailangan daw na makausap niya ang bawat isa upang magkaroon ng silbi ang kanyang pag-iimbestiga.

Kau-kausap ng isang abenturerong marino si Serpolette nang mapuna ng mananayaw sa puwang ng pintuan.Dali-dali niya itong binuksan at hinatak ang bigotilyong kura na sa pakiwari ay kilalang-kilala niya.

“Tiens, tiens, Toutou!Mon lapin!”

Hinawakan ni Serpolette sa bisig ang dakilang Imbestigador na nag-aalangang pumasok sa silid bihisan.

Parang natuklaw ng aha sang kura nang malantad sa kaniya ang dalawang nakabibighaning dalaga.

“Chut, chut!” nahihiyang sabi ni Padre Irene na gusto sanang lumabas na.

“Mais comment! Toi ici grosse bete! Et moi qui t`croyais.”

“Fais, pas d`tapage, Lily! Il faut m`respecter! `suis ici I’Pape…!

Hindi mapigil-pigil ni Padre Ireneng pahintuin si Serpolette na nakadaupang palad na sa Pransiya at kilala niya sa tunay sa pangalan niting Lili. At sino naman kaya ang hindi makakakilala kay Padre Irene na lagging susunod-sunod sa kanya sa silid bihisan ng mga teatro sa Paris na pinagtanghalan na niya?

Balikan nating muli ang mga kabataan. Mapapansing inip na inip na sila sa Can Can. Lalabas na sana ang mananayaw upang ipakita ang pinananabikan ng kalalakihan nang mapansin ng impresaryong isa-isang nagpasukan ang nga imbestigador ng gubyerno. Biglang naiba ang takbo ng opereta. Sa halip na masilayan ang Can Can, ito ang narinig sa mga mang-aawit na pasayaw-sayaw:

“Scit,scit,scit,scit,scit,scit,

Disputez-vous battez-vous

Scit, scit, scit, scit, scit, scit.

Nous, allons, compter les coups”

Huminto ang musika. Lumabas ang mga imbestigador. Nagpatuloy ang dayalogong Pranses. Nag-usap ang mga mananayaw. Naggirian sila sa tanghalan. Nagsigawan. Nagsabunutan. Nagaway-away. Gusto nilang iparating sa kinaukulan na kasama ang pagkakagulo sa pagtatanghal. Pero kung susuriin, wala ang mga iyon sa iskit na kanilang iniingatan. Pamuling nagusap-usap ang mga artista.

Para silang mga Intsik sa pansiterya, di ba?” puna ni Pecson.

“ Ang Can-Can, nasaan, nasaan?” tanong ni Macaraig.

“Hindi na yata matutuloy. Nagdatingan ang mga imbestigador. Sa ibang lugar na raw itatanghal ang Can-Can,” paliwanag ni Sandoval.

Ilang sandali pa at nag hahabaan na naman ang mga nguso ng kababaihan.Pumasok kasi sa teatro ang isang babae kasunod ang kanyang esposo. Ginaygay nila ang makipot na daan patungo sa kanilang likmuan. Naupo silang parang hari at reyna. Nang mapansin ng bababeng hindi pala siya ang pinakahuli sapagkat may isa pang bakateng upuan, nagsalubong ang kaniyang kilay sa galit at kahihiyan. Sinigaw-sigaw an niya ang esposong animo sunud-sunuran sa asawang iginagalang. Sa lakas ng sigaw, ang mga tao ay nagsutsutan.

Sa pagpapatuloy ng palabas, lalong pinagyabangan ni Juanito si Paulitangh kasa-kasama. Sapagkat minemorya ang sumaryo ng opereta, lagi niyang isinasalin ang mga dialogo ng mga artista. Minsang umakma at minsang sumaliwa ang interpretasyon niya. Nilogna lang ng binata ang mga ulo ni Paulita at ni Donya Victorina, na kapwa napanganga sa husay ng interpreter niya.

Kapansin-pansing sumama ang loob ng dalaga nang matanawang ganadung-ganado sa panonood si Isagani niya. Nang itaas ang telon para sa ikalawang yugto ay tumambad na muli ang kagandahang nakakamagneto ni Serpolette kasama ang makalaglag matsing na si Germaine at ang estupidong tsuper na si Grenicheux. Nagdula-dulaan at nagkanta-kantahan sila. Sa saliw ng nakakakiliting himig ng orkestra ay naghabulan, naghampasan at nagsampalan sila sa tanghalan.

“ Pinakamahusay si Serpolette!” pahayg ng isa.

“Si Germaine ang pambato ko. Nakakapangilig ang kulay gintong buhok nito!”

“Pero wala siyang kaboses-boses!”

“Ano ba ang boses! Katawan at biloy ang basihan ko.”

“Para sa akin, doon ako sa matangkad.”

“Magsitigil kayo!” si Ben Zayb yon,“Walang, tunay na artista isa man sa kanila! Walang boses si Serpolette! Walang itinagong ganda si Germaine! Wala ring pang-akit ang musika. Sa kabuuan, walang kasiningan ang opereta!”

Naging usap-usapan anh isang bakanteng upuan.Kumpirmado ang bulung-bulungan na ang may-ari nito ay si Simoun.

“Pe…Pero nakita ko si Senyor Simoun na kau-kausap si Monsieur Jouy nang mag-aalas singko ng hapon.” Pagbibigay diin ng isang ginoo.

“Hindi nga ba niregaluhan pa mismo ni Simoun ng mamahaling kwintas ang mananayaw?”

“Si…sino sa kanila?”

“Anong sino sa kanila? E di yung may pinakamagandang katawan, sino pa!”

“Hindi ba lahat ay may magandang katawan?:

“Yung may magandang katawang patay na patay ang Kaniyang Kamahalan!”

Sa grupo ng mga kabataan, naiwan sina Isagani, Pecson at Sandoval. Mapapansing nilapitan ni Tadeo si Don Custodio upang libangin nang sa gayon ay makausap naman ni Macaraig si Pepay na kilala sa pagkunday-kunday.

Nang mapansin ni Sandoval na tatanaw-tanaw sa kaniya ang ilang kadalagahan,lalong pinagbuti nito ang komentaryo sa lenggwaheng Pranses. Binigyang diin niya na higit na matamis bigkasin ang Kastila. Na hindi niya maisip kung paano magkakaroon ng mga orador na Pranses kung wala namang aliw-liw ang mga talata ng wikang ito kapag binigkas na ng isang mananalumpati. At sapagkat wala ngang aliw-iw,pinangalandakan hinding-hindi raw makakayang isawika ng isang orador ang bawat damdaminin ng liping Pranses. Dapat daw tandaan na dumadaloy sa wika ang ibat-ibang damdaminng sambayanan:ang pait, ang tamis, ang pagaagam-agam.

Napahinto lamang sa nag-uumalabna komentaryo si Sandoval nang matanawang dumarating si Macaraig. Napansing hawak-hawak nito ang isang liham na kanina’y tangan-tangan ng Dakilang Mananayaw. Iniabot ni Macaraig ang sulat kay Sandoval. Habang binabasa ng binata ang liham ay pinaligiran siya ng mga kaibigan.

Ganito ang lamanng liham:

Sa Pinakamamahal kong Pipit:

Nahuli ang liham mo.Naibigay at naaprubahan na ang ulat ko. Pero nabasa ko ang nasa isip mo. Matuwa ka sapagkat ibinatay ko ang desisyon sa hangad ng mga kabataang tinutulungan mo. Pupunta ako mamaya sa teatro. Hihintayin kita sa labas ng tanghalan.

Nagmamahal,

Custudioning.”

“Napakabuting tao niya!” sabi ni Tadeo.

“Wala kang mapipintas!” dugtong ni Sandoval, “Pe…Pero bakit lulugu-lugo ka yata Macaraig?”

“Planchado na nga sanang lahat.pero,pero ni…nilinaw ni Padre Irene na…na…na sinang-ayunan daw ang ating kahilingan.Pero…Pero ilalagay daw ang pamamahala ng Akademya sa isang relihiyosong samahan kung hindi tatanggapin ng mga Dominiko ang pamamatnubay.”

“Ha?”malalim na napabuntunghininga ang lahat.

“Upang maging aktibo raw tayong kabataan,tayo raw mismo ang maniningil ng abuloy na iiintrega naman sa tesorero na sila rin ang magtatalaga mula sa listahan nila!”

Aba,aba, Cabesa de Barangay pa pala ang magiging papel natin sa Akademyang ating ipinakikipaglaban!”

“Matuwa raw tayo, sabi ni Padre Irene. Ipinapayo niyang magsipagdiwang daw ang kabataan. Isang selebrasyon daw ang idaos natin. Magsindi raw tayo ng mga sulo at pumarada upang ipadama ang walang hanggan nating pasasalamat sa pamahalaan.”

“Tama! Magaling! Magdiwang tayo matapos hambalusin!”

“Sa halip na pagsasaya,dapat tayong umawit kasaliw ng punebre. Inilibing ang ating karaptan. Ipaglukasa natin ang ating kasawian! Magtalumpati tayo nang bumangon ang patay. Totoong napakalungkot ang sinapit ng kabataan. Kaawa-awa ang bansa ng isang libo at isang kamangmangan!”

“Hintay mga kasama! Higit sigurong angkop ang magdiwang tayo s pansiterya habang sinisilbihan ng mga Intsik na walang kamiseta!”

Pumayag ang magkakaibigan sa suhestisyon ni Pecson. Habang itinataas ang tabing ay walang pakundangang nagtayuan ang kabataan. Wala silang pakialam kung ipalalabas pa ang Can-Can sa nagliliwanag ng tanghalan. Nawalan na sila ng ganang suriin ang kasiningan ng pagsasayawan at pagkakantahang kanilang inaasam-asam. Kung wala ang Akademyang ipinakikipaglaban,wala ring kwentang panonoorin ang Can-Can sa tanghalan.

Arvey Sherika C. Dolotina

Kriza Jan T. De Leon

Bensaud De Guzman

Lyle Kenneth Mabalot

No comments: