Tuesday, September 11, 2007

Sa Pagkahati ng Maynila

KABANATA 21

Sa Pagkahati ng Maynila

Sa dami ng naghahangad manood sa operetang Pranses, maaga pa’y ubos na ang ticket. Ang mga hindi nakabili ay nagkasiya na lang sa pag-aali-aligid at panonood sa mga nakikita sa labas.

Ang Kastilang si Camaroncocido na tagapagbalita ng mga itatangal at tagakabit ng kartel sa dulaan at ang kapatid sa hanap-buhay na si Tio Quiko ay nag-uusap tungkol sa mga sang-ayon at di sang-ayon sa itinatanghal.

Dahil sa dalawang grupong nag-iiringan, nagkaroon ng pulong at tuligsaan. May sumisigaw pa ng insureksiyon at rebolusyon. Sa wakas ay ibinigay din ang permiso sa pagtatanghal. Nabalita sa bawat tahanan, sa mga opisina, halos lahat ay nag-aaral ng mga salitang Pranses para madaling maunawaan ang panonoorin.

Nagmemorya sila ng oui, sil vou plait, monsieur at iba pang mga salita. Pati galaw halos ng mga Pranses ay ginagaya rin.

Samantala, balisa naman ang mamamahayag na Ben Zayb dahil sa siya ang pinagagawa ng synopsis ng pagtatanghal. Naalaala niya nang siya’y may nagawang pagkakamali lang sa baybay ng pangalan ng isang soprano. Pinagsabihan siya ng mga kalabang diyaryo ng ignorante, utak ipa, at kailangang magbasa ng mga dyaryong Italiano.

Kabilang si Padre Camorra sa nagsasabing wala namang masasama sa panonoorin. Sang-ayon din sa kanya si Ben Zayb, mga ayudante ng Heneral, mga klerk at pasosyal na nais makapanood ng pranses na palabas.

Kabilang sa mga sumasalungat ang mga babae. Nang umalis si Camaroncocido sa lugar ng tanghalan, sa isang eskinita narinig niya ang pagbubulungan ni Simoun at ng isang sundalo. “Tandaan mo, ang magiging hudyat ay isang putok,” sabi ng mag-aalahas sa sundalo. “Sabihin mo sa mga kasama mo na utos iyan ng Kapitan Heneral. Kapag nagawa ninyo ang utos, itataas ang inyong ranggo.”

Muling nakarining si Camaroncocido ng nagbubulungan sa iba namang eskinita. “Ang mga prayle ang sundin natin. Mas malakas at makapangyarihan. Ang Kapitan Heneral ay pinapalitan at ipinadadala sa malayo.”

Samantala sa labas ng teatro ay naroon si Tadeo na nagmamalaki sa mga kababayan ng pagkakilala niya sa mga importanteng mga tao.

Hangang-hanga naman ang probinsiyano. Namalagi siyang nasa kaliwa ni Tadeo. Ipinakilalang lahat sa kanya ni Tadeo ang mga dumarating at kung hindi niya kilala’y umiisip na lamang ng pangalan at katakata ukol sa mga iyon.

Kung sinu-sinong mga tao ang ipinakilala niya sa kasama. Bawa’t isa’y binigyan niya ang kaugnayan sa sarili o kung di man ay pinatungkulan ng isang pangyayaring lalo at lalong nakabilog sa ulo ng tagalalawigang kasama.

“Hayun ang mananayaw, si Pepay.” ang turo niya nang Makita naman ang dalaga. “Hindi na iyan nagsasayaw ngayon sapagka’t pinagbawalan ng isang ginoong kaibigan ko. Ssh! Tingnan mo ang mga taong iyong may lapis at papel,” at tinuro ang isang Kastila. “Iyon ay si Ben Zayb. Siya’y isang magaling na manunulat at kaibigan ko!”

“Siya nga! At ang pandak na iyong may maputing balbas?”

“Iyon ang kawaning humirang sa tatlong anak na babae, iyong tatlong kasama, na katulong niya sa tanggapan, upang mapasama sa mga pinasasahod ng Pamahalaan. Napakatalino niyon. Kapag nagkamali’y iba ang sinisisi. Ang ginugugol niya sa pamimili ay salapi ng Pamahalaan. Matalino, oo, lubhang matalino.”

May itinanong na muli ang probinsiyano nguni’t hindi siya pinansin ni Tadeo. Ang binata ay matamang nakatingin kay Paulita Gomez na noo’y dumarating na kapiling si Aling Victorina at si Juanito Palaez. Isang palko ang inihandog nitong huli sa mag-ale.

Patuloy ang sunud-sunod na pagdating ng mga karwahe. Dumating ang mga Pranses na magsisiganap at pumasok sa isang tanging pinto, kasunod ang kanilang mga tagahangna.

Nang makapasok si Paulita sa dulaan ay pagpatuloy sa pagkukuwento si Tadeo.

“Hoy! Kilala ko ang ginoong iyon! Si Padre Irene na nakabaltkayo ay may bigote. Kilala ko ang kanyang ilong. Laban na laban siya sa pagtatanghal!”

Dumating sina Macaraig, Pecson, Sandoval at Isagani at niyaya si Tadeong manood ng opereta.

Leah L. Aquino

Feriza R. King-King

Katrina Reiko Chua

IV- St. Jerome

No comments: