Tuesday, September 11, 2007

Ang Nagpapalagay

Kabanata 20
Ang nagpapalagay

Nasa kamay na ni Don Custodio ang usapin ng kabataan. Ilang araw na ang nakalilipas ngunit hindi siya makabuo ng kapasyahan. Ibig niyang pagbigyan anf lahat -- mga prayle, mataas na kawani, ang kondesa at maging ang pansarili niyang simulain. Sumangguni si Don Custodio kay ginoong pasta. Lumabas siyang hilo at lito sa dami ng payong magkakasalungat at di mangyayari. Hindi rin nakatulong si Pepay. Sinayawan lang siya nito at pagkatapos ay hinigan ng dalawampu't limang piso para sa tiyahin niyang ulit na niyangidinahilang namatay. Sino ba si Don Custodio na pinagkatiwalaan ni Padre Sibyla sa usapin ng mag-aaral? Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo ang buo niyang pangalan. Utang niya ang kanyang kabantugan kay Ben Zayb, isang mamamahayag Buena Tinta ang taguri sa kanya-- mahusay na tagasulat ng papeles. Hindi siya magaling; ang totoo'y may kahinaan siya. Lagi siyang laman ng pahayagan dahil sa kanyang pakikipagtalo sa mga bagay na may kababawan tulad ng sumbrerong nararapat: de honga, de copa o salakot. Batambata pa si Don Custodio nang dumating sa Maynila. Dahil sa may maganda siyang hanapbuhay, nakapag-asawa siya ng isang maganda at mayamang mestisa. Sa tulong ng salapi ng kanyang maybahay at ng taglay niyang talino at pagkapangahas, nagtagumpay siya sa negosyo at sa mga tinanggap na pagawa ng pamahalaan at ayuntamiento. Nahirang siya sa iba't ibang pusisyon na wala siyang alam. Halos mabaliw-baliw naman sa pagsuob sa kanya ng papuri ang mga pahayagan. Mahilig siya sa pagtatalumpati lalo na sa pagtutol sa isang kasama na kinabubugnutan niya. Pinabalik siya sa espaƱa upang doon magpagaling ng sakit niya sa atay. Walang pumansin sa kanya sa Corte sapagkat kulang siya sa pinag-aralan. Pinagtatawanan lamang siya at itinuring na Indiano o isang karaniwang tagabukid kahit marami siyang brilyante. Kaya lamang siya nilalapitan ay upang utangan ng mga nanghuhughog sa kanya. Isa pang hinahanap ni Don Custodio ay ang mga masunurin niyang bataan na natitiisan at pinagbibigyan ang kanyang mga kapristo. Hindi rin siya hiyang sa malamig na klima sa Madrid. Kaya bago natapos ang taon, bumalik na siya sa Pilipinas upang huwag siyang magkasakit sa baga.Muling namayagpag si Don Custodio pagdating sa Pilipinas. Ang mga Pagkukurong narinig niya sa Corte at pagupitan sa piling ng mga pulitikang tindahan ay isianalaysay niya na waring kanya. Ipinamarili niya na walang pangyayari sa Madrid na nalilihan sa kanya, na sinusunod ang kanyang mga payo at mungkahi at hinihingi ang kanyang mga pagkukuro. Inari ni Don Custodio na siya'y isang liberal. Di niya tinanggap ang mga tungkuling iniaalok sa kanya upang di siya magkaroon ng utang na loob sa mga conversador. Karamihan sa nakakapulong niya sa pangkating liberal. Marami siyang balak na pagbabago. tulad ng ginawa sa Paris, nais din niyang latagan ng tabla ang mga lansangan sa Pilipinas at ipako tulad ng ginawa sa mga sahig sa bahay. Iminungkahi rin niyang gawing tatlong gulong ang mga sasakyan upang maiwasan ang mga sakungang dulot ng mga sakunang dulot ng mga sasakyang dalawa ang gulong. Nang siya ay nasa Junta de Sanidad, iniutos siya na paasuhan lahat ng mga sulat at telegrama na buhat sa mga bayang may sakit na nakahahawa. Sa habag niya sa mga bilanggo na nagtatrabaho sa init ng araw, at upang makatipid ang gobyerno, iminungkahi ni Don Custodio na magbahag na lamang ang mga bilanggo at sa gabi pagtrabahuhin. Tungkol naman sa palagay niya sa mga indiyo, sinabi niyang "Sadyang walang bagay na likas ang mga Indiyo. Mahal ko sila ngunit di sila dapat purihin. Lalaki angkanilang loob at magiging sawimpalad lamang sila. Kapag may indiyong napapabantog sa medisina, kimika at pilosopiya, ipinalalagay niyang ang nasabing Indiyo ay may dugong banyaga." "Mahal ko ang mga Indiyo. Para akong ama at tagapagtanggol nila. Ngunit may mga ipinanganak upang mag-utos at ang iba ay upang maglingkod. Upang masupil ang isang bayan, kailangang itanim sa isip nila na sila'y nasa ilalim ninyo. Sa unang araw, sila ay magtatawa; sa ikalawa ay tututol; sa ikatlo ay mag-aalinlangan; sa ikaapat ay maniniwala na. Iyan ang lihim ng karunungan sa pamamahala-- ang sila'y pamalagiin sa kinalalagyan." Ipinagmamalaki ni Don Custodio na siya's saradong Katoliko. Ngunit hindi siya naniniwala sa himala. Hindi rin siya naniniwalang hindi nagkakamali ang Papa. Kumakain siya ng karne sa panahon ng Kuwaresma maliban kung Biyernes Santo. Ngunit kapag indiyo ang hindi naniniwala sa himala, hindi naniniwala sa Papa, galit na galit si Don Custodio. Hindi siya nangungumpisal at kung sumisiba'y sa pinakamaikling misa, ang misa ng mga sundalo. Itinuring ni Don Custodio na ang mga prayle ay isang samang kinakailangan. Ang mga Ingles o Olandes ay gumagamit ng mga latigo upang mapasunod ang mga nasasakupan. Iba ang pamamaraan ng mga Kastila-- na malumanay ngunit lalong matibay-- sa tulong ng mga prayle na higit pa sa pamalong Ingles ang bisa. Ngunit siya, Si Don Custodio, ay gumagamit ng yantok sa paglatigo sa mga Indiyo. Ang mga pahayag ni Don Custodio ang humahawak ng usapin ng Akademiya ng Wikang Kastila. Labindalwang araw nang nasa kanya ang usapin. Patuloy ang pagpapadala ng mga prayle ng handog sa pangambang pumanig si Don Custodio sa mga mag-aaral. Hindi malaman ng Don ang isasagot nang usisain siya ng mataas na kawani tungkol sa usapin. Ngumiti nang mahiwaga ang mataas na kawani. Ang ngiting ito ang hindi makapagpatahimik kay Don Custodio. Namatan ng Don Custodio ang mga pulang kuwaderno na nasa estanteng kamagong. Ang nakasulat sa mga kuwadernong ito ay nanggaling sa kanyang utak nang mga sandaling siya'y inspirado. Inisa-isa niya ang mga kuwaderno. Pinakamakapal ang may pamagat na " mga balak na pinapanukala." Ang pangalawa na makapal din ay may pamagat na "Mga Balak na Pinagaaralan." Ang sumusunod ay ang " Mga Balak na Ipinaghihintay pa ng panahon," "Mga Balak na Iniharap," "Mga Balak na pinaliwalang Halga," "Mga Balak na Isinakatuparan Na." May isang kapirasong papel na naninilaw na nakaungos sa pagitan ng isang kuwaderno. Nang ito'y kanyang buksan, ito'y ang kanyang panukalang Paaralang Artes y Oficios na nasa kamay na ng mga Paring Agustino. "Narito lamang pala ang kalutasan! Kung gayo'y yari na ang aking pasya!" "Eureka!" Anim na ulit niya itong binigkas nang buong kasiyahan. Buong siglang nagtungo siya sa kanyang mesa at nagimulang sumulat.







Group leader: Abdul Raoph G. Deki
Group mates: Rei robert Aguirre
April Joy Francisco
IV-St. Jerome

1 comment:

Unknown said...

Hindi ba ito yun nakasulat sa libro na hiyas ng lahi? Nagplagerize ba kayo?