Tuesday, September 11, 2007

Ang Mitsa

Kabanata 19

Ang Mitsa

Dali-daling lumabas sa klase si Placido Penitente na sumusulak ang dugo sa galit dahil sa nangyari. Para niyang naririnig ang malakas na halakhakan ng kanyang mga kaklase at ang mapanuyang mga pananalita ng kanilang guro habang siya'y naglalakad. Pumapasok sa isip niya ang kung anu-anong balak na paghihiganti. Parang may tinig na bumubulong sa kanya na anya'y: “Placido Panitente, humayo ka't ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang kahihiyan at pagkalait ay hinuhugasan. ng dugo.” Muling nagngalit ang mga ngipin ng binata sa matinding galit at tuwirang binabangga ang mga tao sa lansangan na wari'y naghahanap ng away. Walang anu-ano'y nakita niya ang sasakyang kinasasakyan ng Vice-Rector na si Padre Sibyla at ni Don Custodio. Mangani-ngani niyang habulin ang pari at ihagis sa ilog. Napadaan si Placido sa Escolta at doo'y nadaanan niya ang dalawang paring Agustino na nagkakatuwaan sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig sana niyang pag-uundayan ng suntok ang mga ito kung hindi siya nakapagpigil. May naraanan siyang dalawang kadete na nakikipagkwentuhan sa isang kawani. Sinasagasa niya ang mga ito na agad-agad namang nagsitabi. Tunay na larawan siya ng isang naghahanap ng basag-ulo. Habang papatungo ang binata sa bahay na ari ng isang platerong pinangangaserahan niya, ay pilit niyang inaayos ang kanyang mga binabalak gawin. Naisip niyang umuwi sa sariling bayan at gumanti upang makita ng mga prayle na hindi siya maaaring api-apihin. Pumasok din sa isip niyang sulatan noon din ang ina at ikwento rito ang mga nangyari. Sasabihin niyang hindi na siya makapapasok sa klase sapagkat hindi siya pahihintulutanng makapasok ng mga Dominiko kahit na may Ateneo ang mga Heswita. Kung sakali man namang pahintulutan siya, tiyak babalik din siya sa Unibersidad sa susunod na pasukan. Nadatnan ni Placido sa kanyang tinutuluyang bahay ang kanyang inang si Kabesang Andang. Lumuwas ito mula sa Batangas upang dalawin ang aak at tuloy dalhan ito ng pera, pindang na usa, at mga panyolitong sutla. Balak dinniyang mamili. Ang mabalasik na anyo ni Placido ay hindi na lingid kay Kabesang Andang kaya pagkaraan ng kaunting batian ay nagtanong ito. Ipinagtapat ni Placido ang nangyari. Gayon na lamang ang paghihinagpis ni Kabesang Andang nang makitang buo na ang pasya ni Placidong tumigil na sa pag-aaral. “Ipinangako ko pa naman sa iyong ama na ikaw ay matiyaga kng aalagaan at pagtatapusin ng abugasya. Maraming hirap ang tiniis ko, mapag-aral ka lamang. Ano na lamang ang sasabihin sa akin ng iyong ama sa pagkikita namin sa kabilang buhay?” Lalong nagpuyos ang tindi ng paghihimagsik ng kalooban ni Placido. Pagkaraan ng mahahaba ring pangangaral ng ina, nagdahilan si Placido at umalis upang gumala sa mga lansangan. Hindi niya napansin ang paglakad ng oras sa kanyang paglilibot sa lansangan ng Sibakong,San Nicolas,Sto. Cristo't Tundo. Nakaramdam siya ng gutom at saka lamang niya napansing wala pala siyang pera. Naiabuloy niyang lahat sa mga ambangan sa pamantasan. Umuwi at doon ay dinatnan pa rin niya ang inang naghihintay sa kanya. Ayon kay Kabesang Andang siya ay patutulong sa prokurador ng mga Agustino upang maalis ang pagkagalit ng mga Dominiko kay Placido Penitente. “Tatalon na muna ako sa tulay o dili kaya'y magiging isang tulisan bago ako magbalik sa Pamantasan,” ang wika ni Placido. Nagapatuloy sa kanyang walang tigil na pangangaral si Kabesang Andang sa anak kaya walang magwa si Placido kung hindi ang muli ay umalis na lamang na hindi kumain ng anuman. Tinungo niya ang daungan ng mga bapor. Nang sumapit siya roon, binalak niyang magtanan at tumungo sa Hongkong at magpayaman doon upang kalabanin ang mga prayle. Naglibot siya hangang makarating sa perya sa paghahanap ng kaibigang magdaragat na maaring makatulong sa kanyang nais na makatungo sa Hongkong. Papalayo na sa perya si Placido nang makita niya si Simoun na nakakilala rin sa kanya. Isinalaysay ni Placido kay Simoun ang nangyari sa kanya at pagkatapos ay ipinahiwatig dito ang kanyang pagnanais na makapunta sa Hongkong. Isinakay ni Simoun si Placido sa kanyang karwahe at isinama sa kanyang patutunguhan. Nadaaan nila ang masaya at matamis na nagbubulungang sina Paulita at Isagani. Nainis si Simoun kay Isagani. “Sa ganyan lamang siya mabuti,” ang kanyang nawika. Nagpatuloy sa paglakad sina Simoun at Placido hanggang sa makrating sila sa maliit na bahay na siyang pagawaan ng mga pulbura sa pinamamahalaan ng dating guro sa San Diego. Nagulat si Placido sapagkat sanay na sany si Simoun sa palikaw-likaw na daang kanilang pinasok bago nila sinapit ang naturang maliit na bahay. “Nariyan na ba ang pulbura?” ang tanong ni Simoun sa isang lalaking nanaog mula sa maliit na bahay. “Nangasa bayong na po.” “At ang bomba?” “Nakahanda na rin po.” “Mainam.” Inutusan ni Simoun ang guro na makipagkita nang gabing iyon sa tinyente at kabo ng mga militar, gayundin kay Kabesang Tales. “Kailangang-kailangang huwag mag-aksaya ng panahon,” ani Simoun at saka inabutan ng ilang salaping ginto ang lalaki. “May nabago po ba sa naunang pinag-usapan?” ang wika ng lalaki sa wikang Kastila. “Oo, sa linggong darating na ito gagawin.” “Sa linggong darating! Akala ko po ba'y sa pagpasok na ng kwaresma? Ang mga arabal ay hindi pa handa!” ang nagugulumihanang wika ng lalaki. “Ang mga arabal ay hindi na natin kailangan. Sapat ng para sa akin ang mga tao ni Kabesang Tales, ang mga naging karabinero, at ang isang rehinsyento. Kung ipagpapaliban pa natin ay baka mamatay na si Maria Clara. Kaya lumakad na kayo agad!” Gulat na gulat si Placido sa maikling usaping narinig. Nakangiting nagpaliwanang ang mag-aalahas. “Ang lalaking mahusay magsalit ng Kastila ay ang gurong inalis sa tungkulin at ipinatapon dahil lamang sa bintang na ginugulo ang katahimikan ng bayan at dahil din sa naging kainbigan ni Ibarra. Tinulungan ko siya at ginwa kong kastilyero,” ang pagpatuloy ni Simoun. Nagbalik ang dalawa sa daan. Isang Kastilang may tungkod na nasa harapan ng isang munting bahay na tabla ang nilapitan ni Simoun. “Maging handa na kayo!” ang sabi ni Simoun. “Lagi akong handa!” “Sa darating na linggo na!” “Tuloy na tuloy na ba?” “Sa unang putok ng kanyon!” Hindi makapaniwala si Placido sa kanyang mga narinig. “Nagtataka kayo marahil kung bakit gayong bata pa ang Kastilang aking kausap ay may iba't ibang sakit na ng katawan. Dati siyang mataba, kasingkatawan mo, ngunit naipatapon siya ng kanyang mha kaaway sa Bulabak at doo'y gumawa siya ng mabigat na gawain. Nagkarayuma siya at sa tuwina'y nilalagnat. Nagkaasawa siya ng isang mangandang babae,” paliwanang ni Simoun. May dalwang oras halos na nag-usap sa bahay ni Simoun ang mag-aalahas at ang binata bago umuwi si Placido sa pinangangaserahan. Nang mapag-isa si Simoun, gulo ang isip niyang nahiga. Iniisip niya ang paghihiganting kanyang gagawain subalit nagkaroon ng sandaling wari'y sinusurot siya ng kanyang budhi. Parang nakikita niya ang mukhang nanunumbat nina Don Rafael at Elias. Sa wakas ay ipinasya niyang huwag nang iurong pa ang kanyang balak. Buong bait na pinakinggan ni Placido ang nangangaral na ina kinabukasan. Hindi siya tumutol munti man sa mga pangaral at mungkahi nito. Pinayuhan niya pagkatapos ang ina na agad bumalik sa lalawigan sa dahilang kapag nabalitaan daw ng prokurador na naroon si Kabesang Andang tiyak na hihingan pa ito ng regalo at pamisa.

Rousell Lacson

Janelle Atilano

Nygel Pia

Victor Velasco

IV-St. Jerome

No comments: