Tuesday, September 11, 2007

Panaginip

Kabanata 24: Mga Panaginip Malungkot na naglalakad si Isagani sa Paseo de MariaCristina, papunta sa Melicon upang makipagkita kayPaulita Gomez. Palubog na ang araw at ang mga tanawing dati’y umaakit sa kanya ay nawalan na ng halaga dahil sa mga nangyari sa dulaan. Hihingan niya ng paliwanag ang kasintahan. Alam niyang mapagmataas at mapagmalaki ang dalaga kaya inaasahan niyang makikipagkalas ito sa kanya. Dala niya ang dalawang liham ni Paulita sa kanya… mga alaalang labis niyang minahal at iningatan. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang dalawang Heswitang naging guro niya. Tahimik siyang nagpugay sa mga ito. Natanaw niya si Ben-Zayb na maykausap at naulinigan niyang pinag-uusapan ng mga ito si Simoun. Nagkasakit daw ang mag-aalahas kaya hindi nakadalo sa dulaan. Ayaw nitong tumanggap ng bisita kahit ang mga ito ay tauhan pa ng Kapitan-Heneral. “Iyon,” ang sabi ni Isagani, “mayaman kasi kaya maraming dumadalaw samantalang ang mga kawal na sugatan sa pakikipaglaban ay hindi man lamangmapagukulan ng pansin.” Naawa siya sa mga sugatang kawal na walang dumadalaw gayong tumupad sila sa tungkulin at nagtanggol sa bayan. Sa kanyang pagmumuni-muni ay naalaala niya na magdaos sila ng isang piging dahil sa pagkabigo nilang makapagtayo ng Akademya ng Wikang Kastila na malaon na nilang pinapangarap. Madilim na ang kapaligiran at lumalalim na ang gabi. Nawalan na siya ng pag-asang Makita at maka-usap si Paulita. Maya-maya’y nakarinig siya ng mga yabag ngkabayo at natanaw niya ang karwaheng sakay sina Paulita, Donya Victorina, at Juanito Pelaez. Ang lahat ng hinanakit at alinlagan ay napawing lahat sa puso ng binata nang pag-ukulan siya ni Paulita ng isang napakatamis na ngiti. Agad siyang nilapitan ni DonyaVictorina upang magtanong tungkol kay Don Tiburcio de Espadaña. Walang masabi ang binata bagama’t alam niyang nagtatago ito sa bahay ng kanyang amaing si Padre Florentino. Sinabi ni Donya Victorina na kailangan makita niya ang asawa sa lalong madaling panahon sapagkat hindi siya makapaghihintay ng sampung taon. Kaya hindi nangyari ito ay ipahuhuli niya ang asawa sa mga sibil. Naisip ni Isagani na may balakpang mag-asawa si Donya Victorina at naawa siya sa lalaking nagugustuhan nito. Nagtanong ang matanda kay Isagani. “Ano ang masasabi mo kay Juanito Pelaez?” Kahit inakala ni Isagani na kaagaw niya si Juanito kay Paulita ay hindi niya ito siniraan sa matanda. Pinuri niya ito ng labis namang ikinatuwa ni Donya Victorina. Nahulog ang pamaypay ni Paulita sa dalampasigan. Nagkaroon ng pagkakataong magkausap at magkaniig sina Isagani at Paulita. Naiwan sina Donya Victorina at Juanito Pelaez. Sinumbatan ni Paulita si Isagani na parang siya naapi at nagpakita ito ng pagdaramdam. “Bakit ka nagpunta rito? Naririto at namamasyal angmga artistang Pranses.” “May usapan tayong magkikita rito,” sagot ng binata. “Hindi mo man lamang ako pinansin sa dulaan kagabi.Nalibang ka sa panonood sa mga artista.” Sadyang matalino si Paulita. Nagkapalit na sila ng kalagayan ng binata. Sa halip na si Isagani ang humingi ng paliwanag sa dalaga ay siya pa ang nagpapaliwanag dito. Ipinagtapat ni Paulita na ang kanyang tiya ang nagyaya sa dulaan sapagkat may lihim itong pagtigin kay Juanito. Sinabi rin ni Isagani ang kanaroroonan ni Don Tiburcio. Hiniling niya sa dalaga na ipaglihim ito. Ang pag-uusap ng magkasintahn ay napadako sa baying pinakamamahal ni Isagani. Ang bayang ito na nalilibot ng mga bundok at nasa tabing-dagat. Tuwingbabangggitin at pag-uusapan ang pook na ito ay nagliliwanag at nangingislap ang mga mata ng binata. “Oo, sa mga parang ng aking bayan ay Malaya akong katulad ng hangin. Hindi ako maaring ipagpalit ang pook na ito sa alinmang lungsod sapagkat dito akonakaranas ng tunay na kalayaan. Dito ako nakapag-iisip, nakapagsasalita , at nakakikilos nang malaya at hindi kumikilala ng mga manlulupig.” Nakadama ng panibugho si Paulita sa bayang labis na mina-mahal ni Isagani. Marami siyang naririnig na pumupula sa bayang ito at kung minsan ay kasama siyasa mga dumudusta rito. Pinayapa naman kaagad ni Isagani ang kalooban ng dalaga. “Minamahal ko ang aking bayan noong hindi pa kita nakikilala ngunit nang makilala kita, ikaw na lamang ang aking inibig nang buong katapatan,” wika niIsagani. “Nitong mga huling araw ay napuna kong namamanglaw ang aking bayan. Magiging masaya ito at maituturing kong paraiso kung makakasama kita roon. Iyayapak mo ang iyong mga paa sa batuhan at mauupo tayo sa talampas habang malayang humihihip ang hangin.” Nabatid ni Paulita na napakalayo ng pook na binabanggit ni Isagani at magdaraan sa mga lugar na maraming linta. Natakot ang dalaga at sinabi sa binata na magtu-tungo siya rito kung nakasakay sa isang sasakyan. Natuwa ang binata at naglahong lahat ang kanyang mga alalahanin. “Hindi magtatagal at ang buong kapuluan ay magkakaroon ng mga daang-bakal na magagamit upang marating ang lahat ng pook sa bayang ito. Magkakaroondin ng mga pagawaan at mga nagtata-asang mga gusali. Waring naririnig ko ang sipol ng bapor sa daungan, ang pagdating ng mga mangangalakal, ang mga pandigmangsasakyan na magtatanod sa mga baybayin at magtatangol sa atin,” patuloy na wika ni Isagani. “Magkatotoo sana, ngunit kailan? Baka matanda na ako’y hindi pa nangyayari ang mga sinabi mo.” “Oh! Maraming maaring mangyari sa loob ng isang taon. Hindi mo alam ang maaring gawin ng mga taong magigising matapos ang daan-daang taong pagkakaidlip,”sagot ni Isagani. “Panaginip! Panaginip lamang ang lahat ng iyan. Nabalitaan kong marami kayong kalaban at ayon kay Tiyaay mananatiling alipin ang bayang ito.” “Ang tiya mo ay hangal sapagkat hindi siya mabubuhay nang walang alipin. Marami kaming kalaban ngunit batid kong kami’y magtatagumpay.” “At kung walang mangyari?” tanong ng dalaga. Sumama ang loob ng binata sa tanong dalaga. “Makinig ka, Paulita. Batid mo kung gaano kita kamahal; alam mong isang titig mo lamang ay nalilimot ko ang akingsarili. Kung kami’y walang mapala, titigan mo akong muli at matamis kong tatanggapin ang kamatayan. Sabihin mo lamang sa lahat na ang iyong iniibig ay namatay sa pagtatanggol sa kanyang bayan.” Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang sumigaw si Donya Victorina. “Uuwi na tayo, iha.” Inanyayahan ni Paulita si Isagani na sumabay sa kanilang pag-uwi. Hindi na niya hinintay na ulitin pa ng dalaga ang kanyang paanyaya. Magkalapit sa upuan ang magkasintahan. Ang lahat ng sama ng loob niya sa dalaga ay naglaho. Maligayang-maligaya siya at hindi niya namalayan na nakarating na sila sa Sta. Cruz.

Ipinasa nina:
Mae Felrose D. Eleno
Francess Isabel Santos
Ivan John Yao
Kenneth Brylle Uy.IV - St. Ignatius

Ipinasa kay:Gng. Shateen D. Seraña

No comments: