Tuesday, September 11, 2007

Tawanan at Iyakan

Kabanata 25

tawanan at iyakan

Nagtipon-tipon sa “Pansiteria Macanista de Buen Gusto” ang labing apat na binata upang idaos ang piging na iminungkahi ni Padre Irene at upang ipagdiwang ang kabiguan ng balak na pagtuturo ng wikang kastila sa kamay ni Don Custodio. Ang lahat ng mesa ay para sa kanila lamang. Sa dingding ay nakadikit ang sumusunod na pahayag. Masayang nagtatawanan at nagbibiruan ang mga binata ngunit halatang pilit na pilit lamang ang kanilang pagsasaya. May panginginig ang kanilang mga mata dahil sa labis na sama ng loob sa naging pasya ni Don Custodio. Makikita sa bawat mesa ang apat na pinggan na ang bawat isa ay may apat na uri ng kakanin. May apat na tasa ng tsa na may takip at dalawang kopang bubog sa harap ng bawat upuan. Sinisiyasat ng mabuti ni Sandoval ang lahat sa Pansiteria. Nilalahasan ang lahat ng pagkain at tinitingnan ang listahan ng halaga. Sa ibang grupo ay naging usap-usapan si Simoun. Nang lumaon, ang usapan tungkol kay Simoun ay pawang pala-palagay na lamang. Nakita rin ni Sandoval ang isang tulang nakasulat sa malalaking titik na nakadikit sa dakong itaas ng Pansiteria. Inihambing niya ito kay Don Tiburcio dahil hindi tama ang sukat at sinabing iyon ay iaalay ni Isagani kay Donya Victorina. Larawan ng kasiyahan si Isigani nang dumating sa piging. Ang tanging wala roon ay si Juanito na kahit kailan ay hindi nakararating sa takdang oras.

"Sana'y si Basilio na lamang ang inanyayahan natin sa halip na si Juanito, nalaman sana natin ang tungkol sa batang nawawala.......sa mongha!.”

Samantala, iminungkahi ni Macaraig na ihandog kay Don Custodio ang pansit-langlang. Tinawag nila itong "Panukalang Sopas" bilang pantungkol dito. Tatlong ulam pa ang pinili ng binata. Ang lumpiang intsik na may lamang baboy ay ipinatungkol kay Padre Irene. Ang tortang alimango naman ay inihandog sa mga prayle. Labis itong tinutulan ni Isagani sapagkat sa ngalan ng mga prayle, may itinatangi siya. Pagdating sa pansit, ipinatungkol nila ito sa pamahalaan at bayan sapagkat kinakain at nilalasahan ng lahat tulad ng pagtalima at paniniwala nila rito.

Isang buto ng manok ang itinaas ni Pecson at nagwika,

"Igalang ang mga bata at ang mga namatay!"

"Ialay natin ang pansit kay Quiroga na isa sa apat na makapangyarihan sa Pilipinas," wika ni Isagani.

"Huwag kayong maingay, mga kasama. Maraming nanonood sa atin at may tainga ang dingding," wika ng isang binata.

Napagkasunduan ng lahat na bumigkas ng talumpati ni Tadeo na hindi siya nakahanda kaya't iniisip niyang bigkasin ang isang talumpating natutuhan sa paaralan. Tinawag siyang isang manghuhuwad nang ulitin niya ang talumpati ng pangulo ng Liceo. Gayunpaman ay ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsasalita.

"May isang ulam, na ngayon ay tampulan ng paghamak at pagkutya ng lahat, ulam na pinag-aagawang sandukin ng dayong dayukdok na matatakaw sa mga lupaing nasa kanluran," sabay turo kay Sandoval. Nagkasagutan ang mga nasa harap kaya't naupo na si Tadeo. Habang hinihintay pa nila ang ibang ulam ,hiniling nilang magtalumpati si Pecson. Magalang na tumango si Pecson at pinatamaan niya sa kanyang talumpati ang mga prayle.

"Mawawala ang kabayanihan kapag wala nang prayle, alisin ninyo ang mga prayle at mawawala ang mag indiyo. lahat ng ating iniisip at ginagawa ay utang natin sa mga prayle. Ang Pilipinas, kapag walang prayle ay walang indyo. Ano ang mangyayari sa kahabag-habag na pamahallan sa kamay ng mga intsik?"

"Kakain ng tortang alimango,"ang wika ni isagani na nayayamot na sa sinabi ni Pecson. dahil sa hindi pa dumarating ang ulam, isang mag-aaral ang tumayo at nagtungo sa balkonahe. Dali-dali itong nagbalik at hinudyatan ang mga kasama.

"May nagmamanman sa atin." Tumayo si Isagani at tinawag ang kanilang mga kasama. Nakita nila lumabas sa pinto ng Pansiteria ang isang binatang palingalinga at sumakay sa sasakyan ni Simoun na nakahimpil sa bangketa.

"A! Iyan ang alipin ng bise-rektor na pinaglilingkuran ng Paginoon ng Heneral!" ang wika ni Macaraig.

Group 8

RC May Elvas

Christianne Dondoyano

Jonathan Montuno

Allen Earl Ledesma

No comments: