Tuesday, September 11, 2007

Mga katatakutan

Pinagtiyap ang mga pagkakataong ilang araw ding nalimbag sa pitak ni Ben Zayb ang ilang kaisipan sa edukasyon. Naging parang manghuhula ito nang talakayin niyang ang pagkatuto ng mga kabataan ay nagdudulot ng lagim sa lipunan. Yan nga raw ang nangyari nang maglagay ng paskel ang na rebolusyonaryo. Pagpapatunay lang ito na nangyayaring parang hula ang opinyon ni Ben Zayb sa El Grito na kaagad namang binatikos ni Horacio sa kaniyang pitak na Pirotecnia nang ipinahayag niyang: "Ayon sa kamanunulat namin sa El Grito, ang pagpapaaral daw sa Pilipinas ay masama. Alam na namin yan. Matagal na ring ipinahayag ni El Grito na ito ang kumakatawan sa mga mamamahayag na Pilipino. Ergo...ang katagang tiyak na ipupukol ni Padre IbaĆ²es sa pansariling pagbubuhat ng bangko ng dekano ng mga mamamahayag. Pero kung pakasusuriin, tanging ang El Grito nga lamang ang nagsasabi ng katotohanan at nakakuha sa malaking balitang magaganap sa ating lipunan." Tama ba si Horatio. . .Si Ben Zayb lamang ang tanging kolumnistang nakababasa ng bituin sa kalangitan. Kung hindi,paano nga naman niyang maisusulat ang mag balitang di pa nagaganap? Nagsasadilang anghel ang El Grito. Lahat ng haka-haka nito ay nagkakatotoo. Kung pakalilimiin ang lahat ng mga pangyayaring naganap, masasabing nagimbal ang buong komunidad. Pati mga Intsik ay hindi nagtataas ng kaliwa nilang paa kapag binabantayan nila ang kanilang mga paninda. Kinakabahan silang baka hindi kaagad makatakbo kapag naghabulan na ang mga tao. Ang kura naman na dati-rati'y maagang nagpapasyal sa basar ni Quiroga upang mag-usyoso ay di man lamang napagawi sa tindahan. Nagbulungan tuloy ang lahat na totoo nga sigurong may malaking sigwang darating, haka-hakang binabalewala ni Quiroga sapagkat hindi rin siya nababahala man lamang king pakudrado man at hindi pabilog na sumikat ang araw. Wala rin siyang pakialam kung si Hesukristo ay matatagpuan mang nakapantalon sa Kaniyang pagkakabayubay sa krus sa halip na nakatapi lamang ang Anak ng Kalangitan. Subalit ang hindi pamimili ng mga kura kahit dumatng na ang kargamento ng mga bagong paninda ay totoong nagdulot sa kaniya ng malaking pangamba. Sa pakiusap ng kara probinsyal,dali-daling ipinagbabawal ni Quirogasa kaniyang bahay sugalan ang mga Indiyong di niya gaanong kilala. Ikinatatakot ng nangangarap na magung konsul na baka manakaw ang perang ipinatalo ng mga mahirap. Upang madaling maisara ang tindahan, kahit nagkagulo ay maayos na isinalansan ni Quiroga ang mgga bawal na paninda sa kanilang dapat kalagyan. Kinakaba-kabahan si Quiroga kahit nagpasama siya sa ilang gwardiya sibil. Hindi siya mapakali sa pag-aalala kaya dali-dali siyang nagpasama sa bahay ni Simoun na abot tanaw lamang sa kaniyang bazar. Nakasisiguro si Quiroga na maya-maya lang ay pupuntahan na siya ng mga taong kukuha sa kaniyang ipinagbabawal na paninda. Nangislap ang mga mata niya. Uulanin na naman siya ng pera. Lihim na napangiti ang nanginginig niyang mga labi. Hindi pa man nararating ni Quiroga ang bahay ng kaibigan ay may yumukod na isang katulong na may ibinulong sa kaniya. Napag-alaman ng Intsik na ayaw makipagkita ni Simoun sa kaniya. Ipanasabi ng mag-aalahas na huwag daw siyang mag-alala at magbukas daw ng tindahan na parang walang pinangangambahan. Sapagkat hindi naitanong ng Intsik kung maaari ba siyang maglabas ng sandata kung tuluyang magbarilan, ipinasiya niyang kumunsulta kay Don Custodio pero tulad ni Simoun, hindi rin nahagilap ang Dakilang Romantiko na abala noon sa paggawa ng isang proyekto na depensa sa kaniyang sarili masukol man ng mga kabataang handang mag-alay ng buhay.
Nang bigong makita ang mag-aalahas at tagapayong inirerespeto, si Ben Zayb ang naalala niyang tanging pag-asa. Pero nang makadaupang palad at mapansing may nakahandang mga baril ang kolumnista, kumaripas ng takbo si Quiroga na parang hinahabol ng trahedya.

Pagdating sa bahay, isang kaawa-awang kaluluwa ang nagsakit-sakitan. HIndi siya napilit ninuman upang bumangon sa kamang tulugan.

Lalong sumindhi ang tema ng usap-usapan nang mag-aalas kwarto ng hapon. Hindi na mga simpleng paskel ang pinagbubulungan. May nagsasabing nakikipagpulong na raw ang mga estudyante sa mga tulisan sa kabundukan. Kukunin na raw nang sapilitan ang mga syudad. May mga nagbabalitang naghihintay rwa sa mga baybaying ang mga barkong Aleman. May nagsasabing ilang pangkat daw ng kabataan na dumulog sa MalacaĆ²ang ay napiit sapagkat sila ay sandatahan. Laking pasalamat daw ng kaniyang kamahalan nang hindi siya matagpuan sa kaniyang tanggapan. Hindi alam ng mga kabataan na nang oras ding iyon ay may malaking kumperensiya ang Kapitan Heneral sa mga haligi ng simbahan na kinabibilangan ng kura Probinsiyal, ng Bise Rektor ng Unibersidad at ni Padre Ireneng kagalang-galang. May sitsit na kumakalat na pakana raw ng pamahalaan at ng simbahan ang mga nababalitang katatakutan na pinatotohanan mismo ni Padre Ireneng sagrado. Ang kurang ito mismo ang nagbalita sa tsismis nang dumalaw sa naglulubhang kaibigan. Ayon kay Padre Irene, ilan daw malalapit sa kaniyang kamahalan ang nagpayo sa gawa-gawang pagkakagulo upang takutin ang mga kabataan sa kanilang kapangahasan.

Ganito raw ang naging payo ng ilang matatalik na kaibigan:
"May ilang dapat ipiit sa kalungan. May ilan din namang dapat barilin upang magmistulang duguan ang lansangan. Kapag nangyari ito, tiyak na maraming kabataan ang tatakbo. Marami rin sa kanila ang magsisipagtago sa kanilang lungga. Tiyak na para silang mga bulag na kakapa-kapa." "Teka, teka," sabad naman ng isa pa, "hindi na siguro dapat mamaril pa.Sapat nang pumarada ang mga tropa ng mga gwardia sibil sa mga karsada na dala-dala ang kanyong panakot ang layon. Kapag tumakbo na ang isa, susunod na ang iba.""Aba, teka, teka, teka," giit naman ng isa pa. "Dapat lang sigurong pagalitin ang ilang kabataan. Kung ang ilan ay lalaban, makapagsasanay ang mga guwardiya sibil sa totoong kahulugan ng bakbakan. Kailangan makita ang masa na pinaslang, sinaktan o ikinulong man lamang upang bumilib sa atin ang kabataan.""Ang mabuting layon ay dapat magbigay katarungan sa wastong kaparaanan." paliwanag ng isa. "Layunin nating protektahan ang ating kahihiyan at integridad ng Espanya kaya kailangan lamang na ideklara na may isasagawang pag-aalsa. Kapag naisagawa na ito, kailangandakpin ang mga mayayaman at may pinag-aralan." Ang pinag-isipang mga payo sa Kapitan Heneral ay inisa-isa ni Padre Irene kay Kapitan Tiago na noon ay pinangangapusan ng hininga sa malaking suliranin ng lipunang bumagabag din sa kaniya. "Yan, Kapitan Tiago ang ilang pahayag ng mga mamamayang may ibat-ibang pananaw kung paano matutulungan ang pamahalaan sa pag-aalsa ng ilan upang masawataang kaguluhan at matigil ang digmaang bayan. Dapat lang na magpasalamat ang Kapitan Heneral. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng bangko pero kung hindi ako dumating sa takdang oras, baka hindi ko na napayuhan ang Kaniyang Kamahalan. Naging gabay ng Kapitan Heneral ang lahat ng sinabi ko, upang magdesisyong huwag harapin ang mga kabataang maraming impertinenteng kahilingan mula sa pagpapatayo ng paaralan hanggang pagpapayabong ng kalayaan. Salamat at nagkaramdam si Simoun. Kung napayuhan niya ang kaniyang kaibigan ay baka nagpipingkian ngayon ang buhay at kamatayan. O, ba... bakit tila namumutla ka yata, Ka...Kapitan Tiago. May...May dinaramdam ka ba?Ti...Tila nanginginig ang buong ka...katawan mo!."

"Si...Si Basilio,si Basilio, may ibaba...lita ba kayo kay Basilio?"

"A, si Basilio, ang magaling na ampon mo! Hindi mo ba alam na isa siya sa mga kabataang dinakip ng mga maykapangyarihan? Nahulihan siyang may aklat at dokumentong ipinagbabawal ng pamahalaan."

Sa isang libo at isang kwento ng pagdakip, labis na nanikip ang dibdib ni Kapitan Tiago. Hinabol niya ang nangangapos na hininga. Pawisan ang noo at mukhang luluwa ang kaniyang mga mata. Mahigpit siyang humawak sa mga bisig ni Padre Irene. Nagpupumilit siyang bumangon. Napapairi siya sa hirap na dinaranas.Parang dinadaganan ng bakal ang dibdib ng may sakit. Nais niyang humiyaw subalit pawang ungol lamang ang lumalabas sa kaniyang lalamunan. Nagulumihan si Padre Irene, nang tumambad sa kaniyang paningin ang bumubulang bibig ng naghihingalo. Nadama ng kurang lalong dumiin ang pagkakapit sa kaniya ng kaluluwang nakaratay sa banig ng karamdaman. Maya-maya pa aykitang-kita ng alagad ng simbahan ang paghigit sa balikat ng matandang itinakwil ng lipunan. Patay na si Kapitan Tiago subalit sa pagkatakot ni Padre Irene sa kapapanaw na kaibigan, napakaripas ng takbo ang paring Dominiko. Bumagsak ang bangkay sa makintab na sahig ng kabahayan matapos ipagwagwagan ng banal na paring iginagalang.

Nangatal ang baba ni Padre Irene kahit nakapasok na siya sa pintuan ng kumbento nila. Sa katabing simbahan may isa pa ring pangyayaring nakadagdag sa kaigtingan ng katatakutan. May binyagan noon. Gaya ng nakaugalian, nagpaagaw ng mga sensilyo ang ninong at ninang. Nagbigay ito ng kagalakan sa lahat ng nagsidalo. Nagkataong padaan ang mga gwardiya sibil. Inakala nilang ingay iyon ng mga lumulusob na tulisan kaya nagpaputok sila na ikinatakot ng mga bisitang isa-isang nagtakbuhan. Inakala ng lahat na dumating na ang nakahihindik na digmaan.

"Rebolusyon! Rebolusyon!" ang sigaw ng mga matanda.
"Gyera na! Gyera na!" pag-iingay ng mga bata.

Dali-daling nagsara ang uilang tindahang noon ay bukas pa. Nagkalat sa mga lansangan ang maraming naiwang tsinelas ng mga kababaihan. Sigawan dito. Gibik dyan. May digmaan na raw yata sa kapaligiran.


Sa isang maliit na eskinita nanaman ng magkapitbahay ang dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas sa silong ng isang matandang bahay. Nagitla ang magkakapitbahay at tinugis ang dalawa. Kung hindi sa pagkaawa ng marami, bugbog sarado sana ang magkasama.


"Pakawalan na natin sila! Mga lumang armas naman pala ang itinatago nila. E tingnan nyo naman, baka sa halip na makapatay ang mga lumang baril na iyan ay matetano pa tayo ng kalawang na nakamamatay!"

Hindi mga luma kundi mga bago pang armas ang nakita naman sa Ermita. Ganito raw ang istorya: May isang empleyado raw na may hawak ng armas ang nakapasing may isang aninong papalapit sa bahay niya. Inakala ng empleyadong estudyante lang ang anino. Pinaputukan niya ito. Ngunit nang tapatan ng liwanag ng gasera ay yanig ang katawan ng empleyado. Mga gwardia sibil pala ang nabaril nito. Upang hindi masabit sa malaking problema, ipinalibing kaagad ng empleyado ang mga bangkay sa likod bahay.


Iwanan muna natin ang Ermita. Magsadya tayo sa Dulumbayan. Dumanak din dito ng dugo. Ang kwento ay ganito: narinig daw ng lahat ang maraming putok mula sa gwardia sibil kaya bawat isa ay nagdapaan.

May isang matandang bingiraw na hindi man lang nagulantang sapagkat wala ngang napapakinggang anuman. Nainis ang mga sundalo sapagkat may isa raw na hindi man lang nabahala. Nang sigawan ang bingi ng Quien vive at di ito sumagot ay walang pakundangang binaril ang pobre. Patay na bumagsak ang bingi. Ang baboy na nakarinig sa taong nagtanong ngunit hindi nakasagot ng Espanya ay pinatay din. Ang pamilya ng matandang nabaril ay nagkaroon ng malaking problema. Wala kasi silang kapera-pera. Di tulad ng baboy na nabaril, ito'y wala nang iisipin, kaya nilitson ng mga sundalo upang pagsaluhan at kainin.

Sa mga panaderya na istambayan naman ng mga estudyante, ang maririnig mo ay ganitong usapan:

"Inaresto ba si Tadeo?"
"Aba, aba, sinyora, kababaril lang sa kaniya."
"Ha? Binaril? Inang! Paano ngayon ang isang rekwang utang niya?Lugi na ako, niluko pa ako ng damuho!"

"Tumahimik kayo sinyora. Maka madamy pa kayo. Ako nga sinunog ko na yung librong ipinahiram niya sa akin. Pakaingat kayo sa pagsasalita ninyo. Baka hulihin pa kayo na ipagsisi ninyo!"

"To..Totoo na ang balitang i...inaresto ri si Isagani?"
"Tarantado yang Isaganing yan. Hindi sana siya aarestuhin pero nagprisinta ang tanga. kung tinamaan siya ng kidlat ay baka may pag-asa siyang mabuhay pa. Pero sa kamay ng gwardia sibil, wala siyang kawala. Tiyak na kamatayan ang kaniyang tungo bilang isang pilibustero."

"A...Ano kaya ang gagawin ni Paulita kung patay na ang kaniyang mapapangasawa?"
"Di siya mawawalan ng manliligaw, sinyora. Tiyak na iiyak siya nang kaunti at malulungkot nang bahagya. Dagli niyang malilimot ang nakaraan at ngingisi na naman yan upang magpaligaw sa mga kabinataan. Tiyak na isang Espanyol na ang pipiliin niyang mapangasawa upang maibsan ang kaniyang sobrang kapanglawan,


Sinasabing isa sa pinakamalungkot na gabi iyon. Mauulinigan sa bahay-bahay ang pagdadasal ng rosaryo. Handog ng mga banal na kababaihan ang kanilang Ama Namin at Requiem para sa mga kaluluwa ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Kapansin-pansing alas ocho pa lang ng gabi ay wala nang tao sa lansangan. Maririnig mo lang ang mabilis na takbo ng mga kabayo habang pinapalo ang mga ito ng lumalatay na latigo. Sinusundan ito ng silbato ng mga gwardia sibil na umaalingawngaw sa katahimikan ng kadiliman.

Maaring may lungkot at pagkabahala ang gabi sa mga lansangan subalit may mga lugar din namang kung saan nananaig pa rin ang kalayaan sa likod ng kapangambahan.

Isa sa mga lugar na ito ang platerya na tinitirhan ni Placido. Dito pinagkwekwentuhan nang may katapatan ang mga pangyayaring sa iba ay pinagbubulunganan lamang. Ganito mapapakinggan ang usapan:

"Nasisiguro kong binibilog lang ang ulo natin tungkol sa mga bali-balita sa paskel. Malakas na birada ng isang patpating platero, "May mga kutob akong kagagawang lahat ito ni Padre Salvi!"

Parang nasamid ang punong platero sa tinuran ng kasama. Hindi nagpapahalatang nangalog ang baba niya. Tumanaw siya sa karsada upang siguruhing walang sinumang nakarinig sa tinuran ng kaniyang kasamahang may kaprangkahan.

"Bakit si Padre Salvi ang binuntunan mo ng sisi?"
"Alam niya kasing hindi niya napahinto ang pagpapalabas ng opereta. Kung hindi niya mapapahinto ang pag-aalsa ng kabataan baka nga naman siya pagtawanan, sapagkat di man lang niya magamit ang lakas niya sa simbahan."


REFERENCE:
EL FILIBUSTERISMO(aklat)
ni Dr. Jose Rizal

Isinalin sa Filipino nina:

Teodorica Espinoza
Januario de Guzman
Francisco Odulio


Ateneo De Zamboanga University Highschool
IV-St. Alphonsus Rodriguez

-Bernadine Claudette R. Biel
-Paola Mae W. Lim
-Jenevieve Rhea T. Bue
-Yochiko Joan Dulatre

No comments: