Tuesday, September 11, 2007

Mga Huling Salita Kay Kapitan Tiyago

KABANATA XXIX

Mga Huling Salita kay Kapitan Tiyago

Naging napakaringal ng libing ni Kapitan Tiyago. Hindi man siya nakapangumpisal bago namatay at ito nga ay magalang pang ipinaalaala ng kura-paroko kay Pari Irene, pabalik na ngumiti ang kanonigo at sinabing kung ang Instsik na hindi binyagan ay inililibing nang dala-dalawa pa ang misa, si Kapitan Tiyago pa kaya.

“Ang kahigpitang iyan ay ginagawa lamang sa mga hindi makababayad…subalit si Kapitan Tiyago…!”, and paismid na wika ni Pari Irene.

Lumalabas na si Pari Irene ang hinirang ng nasirang Kapitan na maging albaces o tagapagpaganap ng huling habilin. Binahagi ang naiwang di biru-birong kayamanan sa Sta. Clara, korporasyon, arsobispo, Santo Papa, Pari Irene na ibinulsa ang dalawampu at limang piso na para raw sana kay Basilio. Subalit dahil daw sa masamang ugaling ipinakita nito nagng mga huling araw, si Pari Irene na ang nagbulsa nito. May dalawampung piso ring inilaan sa matrikula ng mga batang mahihirap.

Sa kalye Anloague ibinurol ang labi ng matanda. Doon nagkatipun-tipon kinabukasan ang mga dating kaibigan, kamag-anak, kakilala, at iba pang nais na mag-usyoso. Naging paksa ng usapan ang diumano ay pagpapakita ng namatay sa mga mongha ng Sta. Clara. Pinagpala raw ng langit ang kaluluwa ng kapitan dahil sa dami ng mga pamisa nito… at sa pag-iwan ng kayamanan nito sa mga bagay na banal. Inilarawan pa ang kapitan na naka-prak daw, maumbok ang kabiyak na pisngi dahil sa hitso at hawak na sasabungin, bukod pa sa kuwako nitong ginagamit sa paghitit ng apiyan, Panay ang tango ng sakristan bilang pagpapatutuo sa balita. Ang hindi nga lamang nila matiyak ay kung hahamunin nito si San Pedro. Kung sakaling magkaroon sa langit ng sabong, sino raw naman kaya ang magiging sentenciador. Pinagpupustahan din kung sino sa kanila ang mananalo at kung anu-ano pa na mga tulad nila ang maaaring gumawa ng mga ganoong haka-haka.

Hindi matanggap-tanggap ni Martin Aristorenas ang teorya ni Don Primitivo na kapuwa mananalo sina Kapitan Tiyago at San Pedro pagkat sa langit daw ay walang samaan ng loob. Ayon kay Ginoong Aristorenas na sa sabungan na halos lumaki, laging may nananalo at natatalo sa sabong… o kaya’y tabla pa, pero ang kapuwa manalo ay hindi mangyayari. Nagpupuyos si Don Primitivo sa pananalungat na ito sa kanya at binalaan ang katalong mahuhulog ito sa impiyerno sa pag-aalinlangan sa kapangyarihan ng Diyos. Namutla si Martin Aristorenas.

Sa isang dako naman ng kabahayan, paksa ng usapan ang ipasusuot na damit sa namatay. May nagmungkahing prak yaman daw na ito ang suot ng kapitan nang magpakita sa mga mongha at ito ay laging naka-prak kapag dumadalo noong araw sa mga pagtitipon. Nagprisinta pa ang suki nitong mananahi na hindi sisingilin nang mahal kapag sa kanya ipinagawa ang ipababaong damit. Ipinirisinta rin ni Kapitan Tinong ang kanyang sira-sira nang damit-Pransiskano na nabili niya sa isang prayle sa halagang tatlumpu at anim na piso sa paniniwalang makapagliligtas ito sa impiyerno sa may suot. Handa raw niya itong ibigay sa kaibigang ni minsan ay hindi niya nadalaw noong nabubuhay pa.

Si Pari Irene rin ang nasunod. Yamang ito ang pinagkatiwalaan ng matanda. Isang lumang damit na lamang ng matanda ang ipinasuot pagkat ang Diyos daw naman ay hindi tumitingin sa suot ng namatay.

Tatlong pari ang nagmisa. Maringal ang mga exequias at nagkaroon pa ng mga responso sa bahay at sa daan patungo sa libingan. Ginanap ang lahat ng seremonyas. Maraming kamanyang ang sinunog at di biru-birong agua bendita ang ipinandilig sa kabaong. Hindi rin mabilang ang mga awiting Latin tungkol sa patay ang inawit. Marami rin ang sumakit ang ulo sa katutugtog ng plagerya. Ano pa at humanga ang lahat sa libing ni Kapitan Tiyago. Ang kalaban ng kapitan sa pagkamasimbahin noon na si Donya Patrocinio ay nagnasa nang mamatay na kinabukasan sa tindi ng inggit.

Kabanata XXIX

Karen B. Damgo

Jimmy Jay A. Lim

Aisha A. Manzur

Maria Cristy S. Tuballa

Quennie F. Untal

No comments: