Tuesday, September 11, 2007

Ang Hiwaga

Kinabukasan, kalat na kalat na ang balita. Kaso, kulang sa mga katotohanan at marami pang dagdag. Ang nangyari ng tinalikdang gabi ang pinag-uusapan ng isang pamilya Orenda sa Sta. Cruz. Mga kaibigan ito ni Isagani.

Madalas doong magpalipas ng oras si Isagani. Nakikipaglaro siya ng sungka kay Sensia, panganay sa magkakapatid, o basta nakikipagkuwentuhan lamang. At naroon siya ngayon. Nalaman niyang dumalo si Momoy, ang nobyo ni Sensia, sa kasal nina Juanito at Paulita.

"Mabuti na lamang at walang naninigarilyo roon sa bahay na dinausan ng pista. Isipin ninyong mga sako ng pulbura ang naroon."

"Sino naman ang naglagay?"

"Iyan ang hindi malaman ni Don Timoteo. Sino ang kanyang sisisihin? Kasosyo niya si Simoun sa negosyo. Sino ang dapat gumulo sa pista? Maaaring ang abogadong si G. Pasta o sinumang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito."

Mapait na ngumiti sa Isagani.

Sinabi ni Chichoy na nalaman niyang si Simoun ang naglagay ng pulbura. At nabanggit ni Momoy na umalis nga ito nang naghahapunan na ang mga bisita para umano kunin ang regalo niya sa mga ikinasal.

"Hindi ba't kaibigan siya ng Heneral?"

"Ayaw ninyo kasing maniwala. Si Simoun ang demonyong nakabili ng kaluluwa ng mga Kastila." Nagkrus ang lahat.

At saka pinagtagni-tagni ng lahat ang mga usap-usapan. Ang pagkawala ni Simoun. Ang mga brilyante. Ang amoy-asupre sa bahay nito. Ang hangaring pasabugin ang bahay at magkaroon ng malaking gulo.

Naisip ni Momoy ang biglang pagsibad ng isang tao at pag-agaw sa lamparang alay ni Simoun.

Tumindig si Isagani. "Hindi ba nahuli?"

"Hindi. Nakatalon sa ilog. Iyon ang lamparang magpapasabog ng bahay," Nagkrus ang lahat ng babae.


"Hindi talaga mainam ang kumuha ng hindi iyo," pawakas na sabi ni Momoy.

"Siguro, kung nalaman ng magnanakaw ang layuin ng lampara at nakapag-isip muna, hindi niya ginawa iyon." Pagkatapos noo'y nagpaalam na si Isagani para tumira na sa piling ng kanyang amain.

Alain John Navato
Shiena Atilano
Pearly Jane Siason
Ryan Maing

IV-EVANS

No comments: