Tuesday, September 11, 2007

Kasawian

KABANATA XXXVIII

KASAWIAN

Dumagundong na parang kulog ang pangalang Matanglawin. Nag-iiwan siya ng bukas ng dugo at apoy sa alinmang pook na kanyang madaanan at ng kanyang pangkat. Umalingawnagaw ang kanyang pangalan hanggang sa Albay na umaabot sa Cagayan. Panay rin ang paghahasik niya ng lagim sa Luzon. Isang kabayawan ang sinunog nila sa Batangas bukod pa sa nanira ng mga pananim bago lumisan. Pinatay rin nang walang awa ang hukom pamayapa sa Tiani. Isang bayan sa Kabite ang nilooban at sinamsam nang paraang walang anuman ang mga armas na nakatinggal sa tribunal. Pinagtawanan lamang niya ang mga batas at kautusan laban sa mga tulisan. Kahabag-habag ang mga magsasaka na ipinadadakip, ikinukulong at binubugbog ng pamahalaan kapag walang nahuling tulisan. Ito ang nagpaparami sa mga tauhan ni Matanglawin.

Malaking pinsala ang dulot ng panunuligsang ito ni Matanglawin sa kabuhayan. Patungo na sa pagkamatay ang pangangalakal. Takot ang mayayamang maglakbay at maging ang mga mahihirap man pagkat sila ang idinidiin ng pamahalaan kapag walang magawa sa lakas ng mga mandarambong.

May anim o pitong pinaghihinalaan ang minsang namamaybay sa gilid ng bundok isang katanghaliaang tapat. Abot-siko ang kanilang pagkakagapos at ni walng sapin ang mga paa. Nasa pagbabantay sila ng mga sampu o higit pang kawal. Ang kanilang mga armas ay kumikislap sa sikat ng araw. Walang magawa ang mga dahon ng sambong na inilalagay nila sa kanilang kapasete. Napakatindi ng sikat-araw sa buwan ng Mayo. Nalalambungan ng kawalang-pag-asa ang kanilang mga mukha, pagkahapo at hirap na walang kahulilip bagamat nasisinag sa kanilang mga mata ang walang pangalang ngitngit at pagkamuhi. Parang matutunaw sa sikat ng area ang kanilang utak. Sa tuwing mapaparapa’y pinipilantik ng mga sangang binangal sa mga naraanang puno. Sa tuwing iwawasiwas ng mga kawal ang hawak nilang sanga, napapatakbo ang mga kahabag-habag. Nahihila naman ang iba na pasubasob sa lupa ang bagsak. Kasabay ng pagbubuga ng alikabok na nakakain ang ungol na humihingi ng kamatayan.

Humihinto nang pasanda-sandali ang pulutong upang makainom ang mga tanod. Sa kanilang pagpapatuloy, humahaginit ang mga sanga sa mga bilanggo, kasabay ng mga tungayaw.

Isa sa mga kawal ang napapailing na lamang sa ginagawa ng kanyang mga kasama. Tahimik siya sa paglakad, kunot ang noo at wari’y masama ang loob. Nang makitang ang isang kasama’y di pa nasisiyahan sa paghagupit at naninipa pa ng mga nadadapa, sinigawan niya ito ng, “Mautang…pabayaan mo nga silang lumakad nang malaya.”

Taking-taka ang tinawag at pasinghal na sumagot. “Bakit Carolino…ano ang pakialam mo?”

“Mga tao rin silang tulad natin!”

“Baguhan ka nga…ano ba ang ginagawa ninyo sa mga bihag sa digmaan?”

“Ano pa…di lahat ng mabuti.”, ang tugon ni Carolino.

Natahinik sumandali si Mautang at pagkatapos ay payapang sumagot nang pabulong kay Carolino.

“Hangal! Sinasadya ko iyan upang ang mga ito’y matutong lumaban, makaisip na tumakas at nang…bang!” Hindi umimik si Carolino.

Isa sa mga bilanggo ang nakiusap na makapagpahinga kahit na sandali. Hindi pumayag ang kabong tumitingin-tingin sa paligid. Nang maghinay-hinay sa paglakad ang bilanggo, humaginit ang pamalo. Kaya’t nasabi tuloy na, “Malupit ka pa sa mga Kastila.”

Lalong namalo si Mautang. Humaging ang isang punglong sumapol sa dibdib ng malupit na kawal. Nabitawan nito ang hawak nab aril, umikit at nalugmok na sapo ang dibdib. Bumagsak ito sa lupa na isa nang bangkay. Muli na namang humaging ang isang punglo. Nasapol nitp sa hita ang kabo na lalo pang nagtungayaw. Nangakakanlong ang mga namamaril sa malalaking baton a nasa itaas.

Nagsiluhod sa takot ang mga bilanggo. Nagmamakaawang tinutukoy ang mga anak, asawa at mga iba pang kaanak.

“Carolino…gamitin mo ngayon ang galling mo sa pagtudla…!” ang utos ng kabo. May sumungaw sa ibabaw ng isang bato, iwinawasiwas ang hawak nab aril. Muli na namang sumigaw ang kabo. “Barilin mo! Kundi ikaw ang babarilin ko.”

Natigilan si Carolino. Parang kilala niya ang taong iyon na nababalot sa siikat ng araw. Sa banta ng kabo, napilitang sumunod si Carolino. Umikit ang kanyang tinudla at nawalang kasabay ng isang nakatutulig na sigaw. Parang may nagpulasan sa kagubatan. Nagging hudyat ito upang lumusob ang mga kawal sa pag-aakalang wala na ang mga kalaban. Isa na namang tao ang sumipot sa ibabaw ng baton a may hawak na sibat. Nagpaputok ang mga kawal. Ang lalaki’y pasubasob na bumagsak sa bato.

Inilgay ng mga kawal ang bayoneta sa dulo ng kanilang baril at nangunyapit sa mga baging at sanga ng puno paakyat sa bundok. Si Carolino naman ay palingun-lingon sa mabagal na pagsunod sa mga kasama. Malungkot nitong iniisip ang sigaw ng taong binaril niya. Waring kilala niya ang alingawngaw ng tinig na iyon.

Isa sa mga kawal na naunang nakarating sa itaas ang nakakita sa isang matandang naghihingalong nakahandusay sa bato. Sinaksak niya ito ng bayoneta. Ni hindi man lamang ito nagkurap ng mga matang titig na titig kay Carolino na nasa likuran ng sundalong nanaksak. Pilit na itinaas ang butuhang kamay at may itinuro sa likod ng bato.

Nang lumingon ang mga kawal, nakita nilang parang ibinabad sa suka ang mukha ni Carolino, nakabuka ang bibig at nasa kislap ng mga mata ang di-mairip na damdamin.

Siya si Tano…ang anak ni Kabesang Tales, tinawag na Caroino pagkat galling sa Carolinas. Nakilala niya ang nunong si Selo. At sapagkat hindi makapagsalita, sa namamaalam na tingin na lamang ipinahiwatig sa apo ang bigat ng mga dalamhating pasan-pasan sa buhay. Wala nang hininga subalit nakaturo pa rin ang daliri sa likod ng bato.

Members: Roy-an Alyza Arrabaca

Jana Cabato

Jaylan Paul Diansuy

Aleeya Sarajan

4- St. Evans

No comments: