Kabanata 36
Mga Kagipitan ni Ben-Zayb
Mga papuring mga salita ang ginamit ni Ben-Zayb sa pagsusulat ng kanyang talata tungkol sa Kapitan Heneral, ang asawa nito, at mga ginagalang na mga panauhin ng kasal. Ang Kapitan Heneral daw ay tunay na mandirigmang iginagalang at minamahal ng buong kabansaan. Tatlong taon pa lamang daw ito sa bansa ay magaling nang makipag-unawaan sa mga taong bayan. Maraming proyekto na ang kanyang nagawa na ikinatuwa raw ng mga nasasakupan. Ito raw talaga ay matapat, makatarungan, makamasa at walang hilig sa mga bisyong tulad ng sugal, alak at babae. Nabanggit din niya ang “Magnanakaw” na
Samantala may salakay raw ng tulisan na nangyari sa bahay bakasyunan ng mga pari at nasugatan si Padre Camorra at dalawang utusan. Dahil sa malaking sigabo ng kalooba’y nagsadya si Ben-Zayb sa pook na pinangyarihan at samantalang lumalakad ay binubuo sa sarili ang pangyayari. Lahat ng sinabi niya sa paglalarawan sa Heneral at Padre Salvi ay angkop sa kura.
Ang anyo naman ng magnanakaw ay mailalapat niya sa bawa’t tulisan. Lalawak pa ang lathala sapagka’t babanggit siya ng ukol sa pananampalataya, sa kautangan ng mga indiyo sa mga prayle, at sasabihing: “Ah, si Ben-Zayb! Sintapang ng
“Hindi mangyayari iyan!” ang tutol ni Ben-Zayb.
“Magtigil ka! Hindi mo alam ang sinasabi mo. “
“At bakit hindi ko alam, punyales?”.
“Huwag kang hangal. Maaaring higit pa sa roon ang mga magnanakaw.”
“At bakit hindi ko malaman, punyales?”
Nagkaroon sila ng munting alitan. Ang tanging hangad ni Ben-Zayb ay huwag masayang ang kanyang sinulat. Ibig niyang bigyang-halaga ang mga nangyari upang magamit ang lathala.
Isang nakapangingilabot na balita ang pumutol sa kanilang pagtatalo. Ang mga nahuling magnanakaw ay may mahahalagang bagay na ipinagtapat Isang tauhan ni Matanglawin ang tumipan sa kanilang magtungo sa Sta. Mesa upang makianib sa pangkat ng manloloob sa kumbento at sa bahay ng mga mayayaman. Pangunguluhan sila umano ng isang Kastilang sunog sa araw ang balat, maputi ang buhok at kaibigang matalik daw ng Heneral na siyang nag-utos noon. Pinayuhan din silang huwag mangamba sapagka’t tutulungan sia ng mga kawal at ng ilang rehimiyento. Patatawarin ang mga tulisan, bibigyan pa ng isang katlong bahagi ng makukulimbat. Ang hudyat ay isang putok nguni’t wala naman silang narinig. Inakala nilang sila’y nilinlang ng Kastila. Naghiwa-hiwalay ang mga tulisan. Ang iba ay umuwi at ang iba’y nagbalik sa kabundukan na ang binabalak na paghigantiha’y ang Kastilang dalawang ulit nang hindi tumupad sa salitaan. Sila naman, ang mga nahuli, ay nagpasiyang manloob sa pahingahan ng mga prayle na siyang pinakamalapit. Ibibigay nila umano ang dalawang katlong bahagi ng mananakaw sa Kastilang may maputing buhok, kung sakali’t darating ito.
Napag-alaman ang katotohanan na ang magaalahas at si Crisostomo ay isang tao Natiyak ito nang wala na siya sa tinitirahan at nakita ang nakaimbak niyang pulbura at bala. Kapg nahuli raw, sabi ni Don Custodio, “Kahit saan siya magtago, tiyak na siya’y papatayin.”
IV – St Evans
Razel C. Martinez
Jan Meryl T. Luna
Jeffrey C. Eslao
Peter Daniel S. Sescon
No comments:
Post a Comment