Wednesday, August 22, 2007

Komunikasyon

Outline Lamang po Ito!

KOMUNIKASYON
Komunikasyon o pakikipagtalastasan - proseso ng pagpapadala at pagtatanggap ng mensahe
2 Anyo
1. Berbal
2. Di - berbal

3 uri
1. Intrapersonal - Komunikasyong pansarili
2. Interpersonal - komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa o pagitan ng maliit na
pangkat ng mga tao
3. Komunikasyong Pampubliko - komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isang tao at malaking
pangkat ng mga tao.

katangian ng komunikasyon:
1. Ang komunikasyon ay isang proseso
2. Ang komunikasyo ay dinamiko
3. Ang komunikasyon ay komplikado
4. Mensahe at hindi kahulugan ang naipadadala o natatanggap
5. Hindi tayo maaring umiwas sa komunikasyon
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon

Iba't ibang Anyo ng Komunikasyong Di - berbal
1. Oras (Chronimics)
hal. laging late - ibig sabihin tamad
2. Espasyo (Proxemics)
hal. malayo ang pagkakaupo ng dalawang magkaibigan - maaring nag -away ang dalawa
3. Simbulo (Iconics)
hal. no smoking sign
4. Kulay
hal. itim na damit - nagluluksa ang nagsusuot
5. katawan (kinestics)
hal. body language
6. Paralanguage
hal. oo, maaring mangahulugang pagsuko, napipilitan, galita atbp.

Sangkap
1. tagapagpadala
2. mensahe
3. daluyan ng mensahe
4. tagatanggp
5. tugon (feed back)

Uri ng Tugon:
1. Tuwiran - agad-agarang naipapadala at natatanggap ang tugon
2. Di - Tuwiran - tgon na ipinapakita sa anyong di - berbal
3. Naantala - kapag ang tugon ay ipinapakita sa pamamagitan ng guhit atbp.

1 comment:

Unknown said...
This comment has been removed by the author.