Tuesday, June 26, 2007

Wastong Gamit ng Salita

WASTONG GAMIT

1. KAPAG at KUNG - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan; ipinakikilala
ng kapag ang isang kalagayang tiyak.

Hal. Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.

Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.

Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.

Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.

2. KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo; pangungusap ang tinutukoy ng imik.

Hal. Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.

Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.

Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.

Hal. Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila.

Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.

3. DAHIL at DAHILAN - Pangatnig ang dahil, pangngalan ang dahilan;pang-ukol naman ang

dahil sa o dahil kay.

Hal. Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.

Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.

Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.

Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat.

Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig.

Mali : Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.

4. HABANG at SAMANTALANG

Habang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o

“mahaba”.

Samantalang- ang isang kalagayang may taning, o “pansamantala”.

Hal. Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.

Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong

trabaho.

Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan.

Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang

kasintahan.

May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang

pagtatambis sa dalawang kalagayan.

Hal. Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?

5. IBAYAD at IPAGBAYAD

Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran

Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao

Hal. Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera.

Ipagbabayad muna kita sa sine.

MALI at katawa-tawa):

Ibayad mo ako sa sine.

Ibinayad ko siya sa bus.

6. MAY at MAYROON - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan), pandiwa, pang-uri o pang-abay.

Hal. May anay sa dingding na ito.

May kumakatok sa pinto.

May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.

Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o

pamatlig o pang-abay na panlunan.

Hal. Mayroon kaming binabalak sa sayawan.

Mayroon iyang malaking suliranin.

Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?

Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.

Hal. “May asawa ba siya?’ “Mayroon.”

Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.

Hal. Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala.

7. PAHIRAN at PAHIRIN

Pahiran - paglalagay

Pahirin - pag-aalis

Hal. Pahiran mo ng sukang iloko ang noo niya.

Pahirin mo ang pawis sa likod ng bata.

8. PINTO at PINTUAN

Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi iito mapagdaanan

Pintuan- ang puwang sa dingding o pader na pinagdaraanan.

Hal. Huwag kang humara sa pintuan at nang maipinid na ang pinto.

Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan

Hagdan - ang inaakyatan at binababaan

Hagdanan - nag kinalalagyan ng hagdan

9. SUBUKAN at SUBUKIN

Subukan - pagtingin nang palihim

Subukin - pagtikim at pagkilatis

Hal. Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.

Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.

Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.


Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at

pangnakaraan : sinusubok, sinubok. Magkaiba nag anyo sa

panghinaharap: susubukan, sususbukin


10.
TAGA- at TIGA

Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi.

Hal. Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.

Ao ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.


Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa,

tigalawa tigatlo tig-apat, atbp.


11. AGAWIN at AGAWAN

Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.

Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.

Hal: Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.

Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.

12. HINAGIS at INIHAGIS

hinagis ng isang bagay

inihagis ang isang bagay

Hal. Hinagis niya ng bato ang ibon.

Inihagis niya ang bola sa kalaro.

13. ABUTAN at ABUTIN

abutin ang ang isang bagay

abutan ng isang bagay

Hal. Abutin mo ang bayabas sa puno.

Abutan mo ng pera ang Nanay.

14. BILHIN at BILHAN

bilhin ang isang bagay

bilhan ng isang bagay

Hal. Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.

Bilhan antin ng sapatos ang ate.

15. WALISAN at WALISIN

walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis

walisan ang ang pook o lugar

Hal. Nais kong walisan ang aklatan.

Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.

15. SUKLAYIN at SUKLAYAN

suklayin - ang buhok ng sarili o ng iba

sukalyan - ng buhok ang ibang tao

Hal. Suklayin mo ang buhok ko,Luz.

Suklayan mo ako ng buhok, Alana.

16. NAMATAY at NAPATAY

napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya

namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi sakit,

katandaan o anumang dahilang hindi sinasadya; ginagamit

din sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay na

walang buhay.

Hal. Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.

Napatay ang aking alagang aso.

17. MAGSAKAY at SUMAKAY

magsakay - magkarga ( to load)

sumakay - to ride

Hal.

Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo.

Sumakay na tayo sa daraang bus.

18. OPERAHAN at OPERAHIN

operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin

operahan - tumutukoy sa tao

Hal.

Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.

Si Luis ay ooperahan sa Martes.

19. NANG at NG

nang - pangatnig na panghugnayan

- tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon

- tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit

ng - pantukoy ng pangngalang pambalana

- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa

- pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”

Hal. Umalis siya nang sila’y dumating.

Tumawa nang tumawa ang mga mag-aaral.

Nagalit ang guro nang kami’t nag-ingay.

Bumili kami ng mga pasalubong para kay ditse.

Pumanhik ng bahay ang mga panauhin.

20. KATA at KITA

kata - ikaw at ako

kita - ikaw

Hal.

Manood kata ng sine.

Iniibig kita.

10 comments:

BALURDI said...

PLS VISIT THE ITALIAN GOODFELLAS SITE.. http://blog.libero.it/ESSE/

greg said...

Galing ng blog! Ang laking tulong sa takdang aralin ng aking anak at sa lahat ng ibig matuto ng wastong paggamit ng mga salitang Filipino. Maraming salamat po!

greg said...

P.S. Maari po bang idagdag ang wastong paggamit ng bumangon at magbangon?

Salamat!

loreanne24 said...

d2 yta nakuha ng mga teacher q ung notes nmn...

imwithyou said...

hi there!
i would just like to thank you for this post. we have an exam about it tomorrow and i have lost my hand-outs. it is certainly a big help. thanks again!
god bless!

kawaii said...

im a college student,en my ass. kme bout wastong gamit..it helps me a lot..tnx!!gwa pa kau ng more..hehehe well mOre power!!!ciao!!!^_^

joan said...

Maari po bang idagdag ang wastong paggamit ng hanapin at hanapan? salamat po.

robert said...

anu po ang pagkakaiba ng salitang IWAN at IWANAN, SUNDAN at SUNDIN?

kathy said...

Ano po ang wastong paggamit ng Magsim, Magsing at Magsin?

Jesse N. Guevara said...

Mabuhay!
Magandang araw po sa inyo. Pinalad po akong nahagip ang inyong blog at ako'y nagagalak.
Noon pa ako humahanap ng ganitong uri ng mga inpormasyon na nakapagtuturo.
Pilit sa hinog ang aking panulat at sa aking pakiramdam ay maraming mali (wagasmalaya.blogspot.com)a trial ang temporary internet blog site.
Wala po akong gaanong kabatiran sa mga araling Pilipino. Nagkataon lamang na sa katagalugan ako lumaki at nagkaisip at maraming katagang Pilipino na ginagamit sa panulat, bagama't hindi manunulat. at kinakapos pagdating sa wasto at nararapat na paggamit ng Pilipino sa pagsusulat.

Kung isa po kayong guro sa Pilipino, nais ko pong makatulong (job offer) kayo sa ginagawa kong website.
Isa pong malaking karangalan ang makipag-ugnayan sa inyo sa bagay na ito.

Thanks!

Jesse N. Guevara
1473 Clay Street
Elmont, New York 11003

3 miles from New York City

atp412@yahoo.com